Chapter 5

1.4K 53 0
                                    

Kakarating ko lang sa coffee shop na sinasabi ni Lexus. Nakita ko naman siyang nakaupo ng prente sa table na nasa sulok na parte ng coffee shop.  Sino ba naman ang mag aakalang bakla ito.
Gwapo ,matangkad ,mestizo, maputi at higit sa lahat ang lakas ng sex appeal. Ang dami ngang nagkakacrush dito lalo na iyong mga nurses sa hospital.
Nilapitan ko naman si Lexus sa table nito.


"Anong paguusapan natin?"  walang gana kong tanong sa kanya at umupo na. So magkaharap kami ngayon.
Tinitigan niya lang ako sa mata at napadako ang tingin ko sa mga labi niya.  Naalala ko na naman tuloy iyong nangyari.
"Aaaah that lips! Malanding utak ko please lang wag kang magpaapekto !" sabi ko sa sarili ko. Inismiran niya naman ako at sumenyas sa waiter para sa order namin.  Ang gwapo niya talaga! Kung hindi lang ito bakla for sure mag kakagusto talaga ako dito.

"Wag kang mag madali dahil ako naman ang magbabayad" taas kilay niyang sabi at umirap pa.
Sinabi ko bang gwapo ito? pwes binabawi ko na , diyosa pala ito ,diyosa ng katarayan at kasamaan ng ugali !.
Tumahimik nalang ako at baka hindi ako makapagpigil masapak ko pa ito.
Hinintay kong dumating ang waiter at kunin ang order namin. Halatang nagpapacute ang waiter na ito dahil nakita kong pasimple siyang kumindat sa akin. Napasmirk naman ako dahil sa inis sa kaharap at dadagdag pa ang epal na waiter na ito. Sinenyasan ko naman ang waiter na lumapit sa akin at nag smile ako ng napaka sweet at ang gago inilapit pa talaga ang mukha!   Anong akala niya gwapo siya !

"Sa susunod na kindatan mo ako ulit sinisigurado ko na pagbalik mo sa table na ito ay ibubuhos ko sa iyo ang mainit na kapeng dala mo at hindi pa iyan sisiguraduhin kong matatangal ka dito.Alam mo kung bakit? Tita ko ang may ari, kaya ano mang oras pwede ka niyang sisantihin. intiendes?"  sabi ko sa waiter sa nakakasindak kong boses. Namutla naman siya at natakot..

"So-sorry po ma'am hi-hindi na po mauulit.. " takot namang sabi nito.

"Good." at nag smile ako.
"So ano pang hinihintay mo ? Alis !" dagdag ko pa sa galit na tono. Dali dali namang umalis ang waiter na iyon..Tumingin naman ako sa gawi ni Lexus.
"At ikaw naman ,anong tinitingin tingin mo diyan?" Taas kilay kong tanong sa kanya..

Napa smirk naman siya..
"Napaka high blood mo naman.Ganyan ka ba talaga? No doubt kaya ka napagkakamalang lesbian. Easy lang dahil marami pa tayong pag uusapan. Ang ikli naman ng pasenya mo besh". sabi nito sa kalmadong tono..

"Eh bakit hindi mo pa sabihin ngayon? ng matapos na at ng makaalis na ako.." iritang sabi ko .Bigla namang dumating ang waiter para iserve ang kape pero hindi na iyon iyong waiter kanina. Buti naman dahil kanina pa nagiinit ang ulo ko..

Ngumiti ako sa kaharap ko .
"Andito na iyong order natin. So, pwede mo na bang simulan ang gusto mong malaman? " tingin ko sa mga mata niya..




"How did you know that I'm a gay.?" seryoso niyang tanong sa akin. With eye contact pa iyan. Sa totoo lang naiintimidate ako sa mga mata niyang nakakatunaw kung tumingin ,parang ano mang oras bibigay na itong bangkong inuupuan ko.  Hindi tuloy ako makapagtaray,  pero hindi ako nagpahalata na naaapektuhan ako.  Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa paghahalo sa kapeng inorder ko.

"Simple? I saw you with your boyfriend at the mall.  You two are  so sweet together at naka Holding hands while Walking pa nga eh". Then I smiled.
"I think last month ata iyon? .Hindi na kita pinansin dahil para saan pa ,eh hindi naman tayo close. Siyempre to confirmed that , I followed you sa parking lot. Then I heard that you called him Honey.. So sweet diba?"
Napangiti naman ako sa itsura niya at napatingin sa kamao niyang nakakuyom dahil sa mga narinig.
"Hindi ka naniniwala? I have evidence. I have a picture of the two of you that day sa parking lot. Nakakiss ka pa nga sa cheeks niya eh.. Babae lang kaya ang nagbebeso beso , hindi lalaki sa lalaki, puwera nalang kung bakla ka."
Namutla naman si Lexus. Baka sa oras na ito ay sinasabunutan na niya ako sa isipan niya.  Mas lalo ko pa siyang inasar dahil nag eenjoy talaga ako.
"Ito nga iyong pictures eh" at dinampot ko iyong iPhone ko sa mesa.

"Stop " seryosong sabi niya at pigil sa kamay ko.Inalis ko naman iyong kamay niyang nakapatong sa kamay ko.  Dahil napapaso ako sa Init nito. Hindi ko alam kung bakit, bigla akong kinilabutan..
Tinitigan ko naman siya at makikita sa kanyang mukha ang galit..

"Okay fine! I was joking with the pictures. There's no such thing, but the truth is I know that you are a gay.   Hindi naman ako masamang tao para picturan pa kayo that day at ipagkalat sa iba ang nalaman ko. As I've said safe ang secret mo sa akin." at humigop ako sa kape ko. Nabunutan siguro siya ng tinik dahil nawala na ang galit sa mukha niya.Pero mas nagulat ako sa tanong niya.

"Are you a stalker? " he said.
Bigla akong napaubo,  mabuti na lang at hindi ko naibuga sa kanya iyong kapeng iniinum ko.
Ibinaba ko naman ang coffee ko sa mesa..

"What? Me stalker? "  Literal naman na lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
" Hah! sa ganda kong ito?"  Oh my gosh !   Iyong mga crushes ko na lang internationally ang iistalk ko kesa sa iyo.  GGSS mo naman". On my 21 years of existence ngayon pa ako nasabihan ng stalker." You really pissed me off." galit kong sabi.
"Any question? Dahil aalis na ako at may lakad pa pala ako." irap ko sa kanya.




"The kiss. Explain why you kiss me".
Nabuhay naman ang galit ko  Because of that kiss.

"Okay sorry for pushing you to kiss me that day.I know that you do it to prove that you are not a gay. I didn't expect that you will kiss me also. Gusto lang kitang asarin.
Sa tutuusin nga ay ako dapat ang magalit sa iyo , alam mo ba kung bakit?.
It's my FIRST KISS !! " sigaw ko ng nakapalo pa sa mesa. Napalakas ata ang sigaw ko kaya napatingin iyong ibang customers.  Hininaan ko naman iyong boses ko.

"Alam mo bang ang sakit nun sa part ko? para lang iyon sa true love ko tapos sa isang iglap wala na at bakla pa talaga ang makaka first kiss ko. Alam mo bang iniyakan ko iyon !? galit na sabi ko sa kanya..
Nakita ko namang napangiti siya..
at biglang tumawa.

"Baliw" sabi ko..

"Really? Wala ka pang first kiss? Napakaboring naman ng life mo. Ang sarap kaya ng may kahalikan. at naging husky iyong boses niya habang nakatitig sa akin.
Nag init naman iyong pisngi ko.
ibig sabihin parati silang nag hahalikan ng honey niya? Iniisip ko pa lang nasusuka na ako. Hindi ko Keri !  Paano kapag nag aano na sila? Mas lalong hindi ko matake! . Erase erase erase!. sigaw ko sa isipan ko.

"Che! Wag mo akong inggitin dahil pinag sisihan kong hinalikan din kita that day! "   Teka nga bakit ikaw lang ang ngtatanong? May concerns din ako. Bakit hindi mo ako tinulak nung hinalikan kita?. Diba bakla ka? O nagbabakla baklaan ka lang para makalibre ng halik?.

"Confirmed mo ng gay ako diba ? Nagtatanong kapa.  O baka gusto mong ulitin natin iyong halik?  kasi alam mo kung bakit hindi kita tinulak that day. Simple lang ang sarap mo kasing halikan at ang lambot ng mga labi mo." pa husky niyang sabi sa akin. Lumipat naman siya ng upuan na malapit sa akin.
Inakbayan niya ako at bumulong sa tainga ko. Kinilabutan ang buong katawan ko dahil sa ginawa niya.

"Pwede bang ulitin natin iyong halik ang sarap kasi". at nakita kong kumindat , napakagat labi at nag smile pa ito.
Nag init ata lalo ang mukha ko,
idagdag pa iyong lapit ng mukha niya sa mukha.  Bigla tuloy akong napatayo at kinuha ang phone ko sa mesa.

"Ba-ba bayaran mo itong inorder ko. aa-alis na ako ma-may lakad pa ako."  nauutal na sabi ko at hindi makatingin sa kanya.

"Ang bilis naman ,akala ko magbobonding pa tayo Besh. Wala tayong closure sa isat isa. Except that our intimate closure that day" at ngumiti ito.  "Remember secret lang natin iyon ok,  at teka nga pala
baka gusto mong magka second round iyong kiss natin. Just call me and I'll be there besh." at napangiti ito ng nakakaloko. Alam kong inaasar niya lang ako..

Napapikit naman ako.
"Ikaw tigil tigilan mo ako at baka hndi ako makapagtimpi "

"Hahalikan mo ako. Well thats what I like." dagdag niya sa sinabi ko.

"Hindi! dahil sasapakin talaga kita. Hindi ako nagbibiro" at nag Walkout ako.



Napasmile naman si Lexus. Iyong ngiting tagumpay.
"Ganti ko iyan sa iyo. Akala mo ikaw lang marunong mag asar? Pwes nagkakamali ka girl." sabay flip ng imaginary hair niya..

Lexus The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon