Chapter 23

1.2K 54 1
                                    

Carlen POV

"Kapag nagkataon bang lalaki ako magkakagusto ka din ba sa akin?"
Seryoso niyang tingin sa mata ko.
I was speechless about his question. Nagbawi naman ako ng tingin.

"Ahm  ba-bakit mo naman na-naitanong iyan?"  sabi ko habang kumakain. Kinakabahan naman ako.  "Siyempre naman.  Mahal nga kita eh matagal na " gusto ko sanang sabihin pero hindi ko kaya. Hanggang sa isip ko nalang siguro ito masasabi.

"Wala lang?  Bigla nalang pumasok sa isipan ako. Just answer it."  Lumingon naman ako sa kanya at seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Huwag mo naman akong tingnan ng ganyan! " sigaw ko sa isipan ko. Bigla naman akong nag bawi ng tingin at mabilis na uminom ng juice.  Kumakabog naman ng mabilis ang puso ko.

"Carlie I'm waiting. "
Lumingon ako ulit sa kanya at ganun pa din siya makatingin. Para akong nasa hot seat ni boy abunda nito eh.

"Ku-kung lalaki ka  si - siyempre
ma - mag kakagusto ako sa iyo." Tingin kong diretso sa kanya kahit na kahinaan ko iyong ganyang titig niya . 
"Pe -pero hindi ka naman lalaki ka-kaya imposible " medyo natatawang sabi ko. Nakita ko namang ngumiti siya ng nakakaloko at ininom ang juice niya. Hindi pa rin nawawala iyong ngiti niya ng tanungin niya ako ulit.

" Bakit ka namumula?" nakapangalumbaba niyang tanong sa akin pero makikita pa din iyong ngiti nito sa labi.  Nagwala naman ang puso ko dahil sa nakikita ko sa kanya.

"A-ako ?"  Hinawakan ko naman iyong pisngi ko. "Hi - hindi ah " natatarantang sabi ko. 
"Si- siguro ka -kaya ganito ka-
kasi ______ "   naputol ang sasabihin ko ng  biglang tumunog iyong cellphone ko.  Eksakto namang   I THINK I LOVE YOU  iyong ringtone ko. Narinig ko namang tumawa si Lexie.
Napapikit ako ng mariiin at napakagat labi.   Parang dinugtungan na kasi ng ringtone  iyong sasabihin ko.   Paniguradong pulang pula ang mukha ko ngayon.  Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Maureen lang pala. Inaccept ko naman ang call ng bigla niyang pinatay. 
"Kahit kelan talaga Maureen !." sigaw ko sa isipan ko.  Prank na naman siguro ito.  Madalas niya kasing gawin iyon sa akin.

Napalingon naman ako kay Lexie,  na nakangiti pa din habang hawak iyong baso niya.

"Ba-bakit ka ngumingiti diyan ?.  Hi-hindi iyon ang ibig kong sabihin ! Na-nagkataon lang iyon. Ka -kaya ako na - namumula kasi______" putol ko ulit sa sasabihin ko ng
tumunog uli ang cellphone ko na
I  THINK I LOVE YOU ang ringtone. Tumawa naman ulit si Lexie. Mariin naman akong napapikit dahil sa hiya.

"Naku naman Maureen !" sigaw ko dahil sa inis. Dinampot ko naman ulit ang cellphone ko at hindi nga ako nagkakamali. Isinilent ko nalang ito.

"Si-siguro  ma-mas ma-mabuti pang matulog na tayo."  sabi ko at tumayo na.  Nagulat ako ng pigilan ni Lexie ang kamay ko.  Hinila ko naman agad ito sa kanya.

"Mamaya na Carlie. Hindi pa ako inaantok . Gusto ko ng kausap. Please samahan mo muna ako." pakiusap niya. Bumalik naman ako sa upuan ko.

"A-ano ba- bang gu-gusto mo-mong pag usapan natin?"

"Nagkatampuhan kami ni Philip". nakayukong sabi niya.

"Ano ? Bakit? "

"Its my fault " Bago siya umalis may nabasa siya sa diary ko. Akala ko kasi naitago ko iyon tuloy may nabasa siya."  Kumunot naman ang noo ko.

"Seriously ? Nag dadiary ka pa pala?" natatawang sabi ko.

"I'm serious "  lingon niya sa akin. Nakakatakot siya . Hindi ko nakikita ang Lexie na palabiro at masayahin. 

"Ano ba kasing pinag-awayan niyo?"  Share it I'm willing to listen" titnitigan niya naman ako ng matagal.  Gusto ko na ngang mahimatay dahil sa titig niya mula kanina pa.

"Hindi pwede. I want to keep it in myself.  I'm also confused of something."  He said.

"Confused about what? "

"About my feelings.  I don't understand myself anymore."  Tinging diretso ni Lexie sa may dagat.

"Care to share it but, if you don't want to talk about it. Then its OK . I respect  your personal issues." Ngumiti naman ito.

"Thank you."

"Ikaw may nagugustuhan ka na ba?"  He asked.

Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ako nagpahalata .Ngumiti nalang ako. 
"Meron pero hindi niya alam. Nakakatawa diba? Magmamahal lang ko dun pa sa taong hindi ko pwedeng mahalin "  malungkot kong sabi.

"Why?" kunot noong tanong niya.

"He loved someone  "  nakayuko kong sabi at napalingon sa kanya.
"But its OK. Wala naman akong magagawa dun. Masaya na akong nakikita siya ." ngiti kong sabi.

"Do I know him?"
Tumango naman ako.

"Who ?" Tingin niya sa akin.

"Se -secret " at ibinaling ko iyong tingin ko sa dagat.

"Fine.  Hindi na kita kukulitin pa. "
"Kung lalaki lang ako siguradong magkakagusto ako sa iyo at hindi ako magdadalawang isip na ligawan ka. I'm not joking.  Baka akala mo niloloko kita.   Hindi ka naman mahirap mahalin.  You're one of a kind. Lahat ng hahanapin ng isang lalaki na sa iyo na. Ikaw iyong tipo ng babaeng akala mo snob pero kapag nakilala mo na sobra palang Ewan at sobrang bait."

Napatulala naman ako at napalingon sa kanya. Nakita ko naman siyang nakatingin lang ng diretso sa dagat.
Totoo bang lahat ng sinabi niya? Sana nairecord ko lang man. Gusto ko tuloy magsisisigaw sa kilig !. Habang pinapakinggan ko siya sumasabay din ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang musika ito na naririnig ko. I'm so glad that I'm hearing those.  Sana nga lalaki ka nalang,  para hindi na ako nasasaktan ng ganito.  Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako.  Thank you Lexie. You make me very happy.  Even if it's only an  opinion ,it really means to me.
Tumingin naman ako sa kalangitan at nagulat ng may nakita akong shooting star. 

"Wow! Nakita mo iyon? Shooting star! Bilis mag wish ka!"  Sabi ko at pinagsalikop ang mga kamay ko at napapikit para mag wish.
Tumawa naman siya. 

"Para kang bata naniniwala ka pa sa ganyan?"

"Hindi naman masama." I said.

"What is your wish ? " he asked.

"Secret baka hindi magkatotoo." Lingon ko sa kanya at tumingin  ulit sa kalangitan.












"Kahit imposible I wish na sana kapag naging lalaki si Lexie.   Magustuhan niya rin ako at siya ang makatuluyan ko hanggang sa pagtanda ko."  Napangiti naman ako. 



AUTHOR'S NOTE :

     Kinikilig ako habang tinatype ito. sana kayo rin hahaha.

     👉I THINK I LOVE YOU is a song from full house Korean drama. I'm inspired kapag pinapakinggan ko ito .  Habang nagta type ako ay ito iyong background ko.  Try niyo suuper ganda pakinggan. 😀😍

     👉 the bed scene ??  Medyo matagal pa.  Guguluhin ko muna sila.  Hahaha.  Sabi nga ni Carlen it must be memorable.  Memorable nga ba ???? Napapaisip din ako. Hahaha.

Marami pang magaganap . Kapit lang !! and don't forget to vote..

Lexus The GayWhere stories live. Discover now