Chapter 13

1.2K 50 0
                                    

Naabutan ko si manang na inilalagay iyong bagong lutong chicken curry sa mesa. Natakam ako dahil one of my favorite dish ko iyon.

"Good morning manang cupid! . Ang sarap at bango ng niluluto niyo ah. Parang gaganahan ata ako nito kumain " nakangiting sabi ko.

"Gising ka na pala iha" at ngumiti ito. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Sabi kasi sa akin ni Lexus nalasing ka daw kagabi. "

"Ayos na po. Medyo masakit lang ang ulo."

"O siya sige,maupo kana diyan ng makakain ka na."

"Asan na po si Lexus?" Hindi pa po ba siya kakain?"

"Ano ba iyan Carlie , miss mo na ako agad?" Pasok niya. Tumawa ito at umupo na din. Inirapan ko lang siya.

" Manang sumabay kana lang sa amin kumain . " sabi ko.

"Salamat nalang iha pero mamaya pa ako kakain."
Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Manang sumabay na po kayo. Akong bahala kay Lexie kapag hindi siya pumayag" nakaakbay na sabi ko sa kanya at nilingon si Lexie.

"Oo nga manang cupid. Sumabay na po kayo sa amin at hindi iyan titigil sa pangungulit." sabi ni Lexie.

"O sabi ko sa inyo diba?" Mas nakakagana kasi kapag marami tayong kumakain." hila ko kay manang para makaupo na ito. Napangiti naman siya.

"Manang curious po ako sa pangalan niyo. Bakit po Cupid ?. Iyon po ba talaga ang pangalan niyo?" I asked.

"Oo nga manang ,nakakalimutan ko ding itanong iyan sa inyo minsan eh." Nalelerky ako kung bakit."

Napangiti naman si manang.
"Ganito kasi iyan mga anak. Iyong nanay ko kasi ay isang love fortune teller. Magaling siyang manghuhula sa anumang usapin na tungkol sa pag ibig. Halos lahat ng nagpapahula sa kanya bumibilib sa kakayahan niya dahil ito'y nagkakatotoo. Wala ni isang balita na hindi nagkatotoo ang mga hula niya. Kaya kung magkakaanak daw siya papangalanan niyang Cupid kapag babae o Eros kapag lalaki. Iyon daw kasi ang sabi ng isang babaeng nag pahula sa kanya dati. Iyon daw kasi ang pangalan ng diyos ng pag ibig."

"Ang galing naman po pala ng nanay niyo" Namana niyo rin po ba iyong kakayahan ng nanay niyo?" I asked.

"Oo iha ,pero hindi ko masyado ginagamit. Kung may mga tao lang na gustong magpahula talaga. Dun ko nalang nagagamit."

"Talaga po? Naku magpapahula po ako sa inyo mamaya!" excited kong sabi. "Itatanong ko po kung kelan ako magkakaboyfriend."

"O siya sige ,mamaya huhulaan kita. " ngiti ni manang.

"Thank you manang!" sabi ko.

"Hindi naman totoo iyang hula hula na iyan eh. " sabat ni Lexie habang kumakain.

"Palibhasa hindi mo na kailangan. May lovelife ka na kasi!" Irap ko.
"Saka wala namang masama kung maniwala ka paminsan minsan . Diba manang?"
Tumango naman ito

"Lexus ,anong nangyari diyan sa pisngi mo ? Parang namumula ?" takang tanong ni manang .

"Kasalanan niya po" sabay turo sa akin. "Sinampal ba naman ako kagabi." Ang sakit kaya. Medyo namamaga tuloy ang beautiful face ko." irap niya.

"Bakit mo naman siya sa sinampal iha?"

" Hi- hindi ko po alam manang. Lasing po ako kagabi kaya hindi ko matandaan." sabi ko habang kumakain.

"Ano namang nangyari diyan sa leeg mo? Bakit namula? May kumagat ba sa iyo?"
Muntik na akong mabilaukan sa tanong ni manang. Naalala ko tuloy iyong ginawa niya kanina. Tiningnan ko naman si Lexie at nakita ko siyang napapangiti habang kumakain. Namula naman ako.

"Ka - kasalanan niya po" sabay turo ko kay Lexie.
"Ki - kinagat niya po ito. "

"Susmaryosep mga batang ito oo. May nangyari ba sa inyong kababalaghan kagabi ? " gulat na sabi ni manang. Narinig ko naman ang tawa ni Lexie.

"Wa - wala po manang !" pulang pula na iyong mukha ko. "Hindi ko po iyan papatulan ,bakla po iyan eh. Mandidiri lang iyan kapag may nangyari sa amin." paliwanag ko.
"Ho - hoy ! magpaliwanag ka din! gaga ka !" sigaw ko pero tawa pa din siya ng tawa.

"Opo manang ,wala pong nangyari sa amin. Pinagtripan ko lang siya. Para makabawi naman ako sa pagsampal niya sa akin. " sabi niya.

"Kayo talagang mga bata kayo. " Ikaw iha huwag na huwag mong gagawin iyon sa taong hindi mo mahal. Dapat ibibigay mo lang ang sarili mo sa taong karapat dapat at mahal na mahal mo. " Nang wala kang pagsisihan sa huli. "

"Opo manang." yukong sabi ko.













________________________

Kakatapos lang namin kumain. Nang magprisinta akong tulungan si manang, maghugas ng pinagkainan namin. Si Lexie naman ay nagpaalam na matutulog daw ulit.Kasalukuyan kaming nagpapahinga ni manang dahil kakatapos lang naming maghugas at maglinis sa kusina.

"Wala ka pa bang boyfriend o manliligaw man lang iha?"

"Wala pa po manang sa ngayon."ngiti ko.
" Tinatanong ko nga minsan kung magkakaroon pa ba ako o hindi. Kasi naman po parang wala namang nagkakamaling manligaw eh. " natatawang sabi ko.
Hindi naman po sa nagmamadali ako pero curious lang po ako kung paano at anong pakiramdam ng may boyfriend."

"Iha ,huwag kang magmadali. Lahat ng bagay ay may tamang panahon . Malay mo iyong taong hinahanap mo ay nasa tabi tabi lang. Hindi mo lang napapansin"

"Manang naman para kang si Lola nidora ng Aldub. " Tumawa naman siya.

"Akin na nga iyong palad mo at huhulaan kita" iniabot ko naman agad ang palad ko sa kanya.

"Nahanap mo na ang mamahalin mo habang buhay. Ngunit hindi mo pa nakukumpirma sa sarili mo na siya ang taong nakalaan sa iyo. Dadaan kayong dalawa sa maraming pagsubok . May mga taong hahadlang sa pag iibigan niyo, ngunit sa huli ay hindi din sila magtatagumpay. Magkakahiwalay kayo pero sa bandang huli ay kayo pa din ang magkakatuluyan. " Kapag nahanap mo na siya iha , pakiusap huwag mo siyang papakawalan. Dahil siya ang taong makapag papasaya sa iyo ng lubos." seryosong sabi niya.

"Sino po ang taong iyon ? May palatandaan po ba ako sa kanya para madali ko siyang makilala?"

"Malalaman mo din iha. Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo kung sino . Ngunit ito ang tatandaan mo. Nararamdaman mo na pero hindi mo pa nakukumpirma sa sarili mong mahal mo na siya."

"Nahihiwagaan man po ako kung sino iyang taong iyan .Pero tatandaan ko po iyong mga sinabi niyo. " ngiting sabi ko.
"Sige po manang . Aakyat na po muna ako sa kwarto ko. Amoy kusina na po ako eh." sabi ko at ngumiti.















"Masaya ako para sa iyo iha , dahil alam kong sasaya ka sa piling niya at ganun din siya sa iyo." Alam kong kakayanin niyong dalawa ang mga pagsubok na dadaan sa pag iibigan niyo." nakatingin na sabi ni manang kay Carlen habang palabas ito ng kusina.

Lexus The GayWhere stories live. Discover now