Chapter Thirteen:Hidden Memories

421 30 0
                                    

Mian's POV

/Nasa Bahay/

Pagkatapos ng nangyayari ngayon may gana pa silang magpatour tch tch.

Humiga ako at huminga ng malalim,sana naman matigil na ito.

Tinignan ko ng buo ang kwarto ko,ng mahagilap ng mata ko ang isang babaeng nakatayo sa sulok.

"Aika"mahina kong sabi.

" Matagal narin nung huli tayong nagkausap "sabay lapit nya sakin.

"Kaya ito nandito ako para kausapin ka" dugtong nya.

"Pwede ba di ko muna gustong makipagusap sayo"umiwas ako ng tingin sa kanya.

" Yang bracelet na yan" turo nya sa bracelet na nakasuot sa kamay ko.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong sakin galing yan?" nabigla ako sa sinabi nyang iyon.

"Di ko alam kung maniniwala pa ko sayo" nawawalan narin naman ako ng pag-asa na malaman pa ang katotohanan.

"Hmm, naalala mo ba ung mga oras na nakasakay ka sa kotse,at may tinawag kang ate?" di kaya..

"Iniisip mo ba na ako yun?"dugtong nya.

"Imposible" umiling sya sinabi kong iyon.

"Posible" sabi nya dahilan para mabuo sa utak ko na, ate ko sya.

"Ipagsabihin mo ba na ate kita?" nakapagtataka naman wala akong naalalang may kapatid ako o ano man.

Sumangayon sya "Tama ka Ate mo nga ako".

"Pero bakit di kita maalala?" Nawala na lang sya ng parang bula.

Bitin nanaman-.- isa lang ang makakasagot sa tanong kong ito.

"Mama!" Dali dali akong bumaba.

"Bakit anak?" Lingon nya sakin.

"Kilala mo si Aika?" Nabigla sya sa sinabi kong iyon.

"Ah eh,oo" yuko nyang sabi.

"Anong kinalaman nya satin?" Nakayuko parin sya.

"Kapatid mo sya" mahina nyang sagot.

"Ano? Bakit hindi mk sinabi saakin Ma?,at bakit di ko sya maalala?" di ko na talaga maintindihan pa ang mga nalalaman ko.

"Naaksidente kayo dati,nawala ang alala mo di ko narin gusto pang ipalala sayo ang ate mo"nagtaka naman ako dun.

"Pero bakit?" Umiwas sya ng tingin saakin.

"Di na mahalaga iyon" umalis sya sa harapan ko at umakyat sa taas.


Sino ka ba talaga Aika? Gulong gulo na ako...



A/N:Di ko alam kung ano ba tong pinagtatype ko pero hmp! Ano ba talaga ang nangyari sa nakaraan nila?at sino ba talaga si Aika.

Class 2-9:AIKA(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon