Chapter Eight:The Death of Jessica Tan

485 31 6
                                    

Mian's POV

/Naglalakad papuntang room/

Bakit ganun,wala atang tao pakalat kalat dito siguro napaaga lang ako ng pagpasok.

Ng nasa harap na ko ng room namin, nakita kong naglelesson na sila ayaw ko namang istorbohin staka ano bang pake nila sakin.

Kaya nagpunta na lang ako ng Library para makapagrelax.

/Nasa Library/

Laking gulat ko na makita si Jessica, isa sa mga invisible rin sa room btw sya si Jessica Tan.

"Jessica" tawag ko sa kanya pero iniwasan nya lang ako.

Hinatak ko ang kamay nya, pero kahit tignan man lang ako di nya magawa.

"Bitawan mo ko!" Pagpupumigil nya.

"Pasensya ka na pero kailangan ko lang ng makakausap ngayon" inalis ko na ang pagkahawak ko sa kamay nya.

"Sorry!sige pwede naman tayong magusap pero sandali lang" gumaan ang loob ko sa mga oras na yun.

"Ano ba ung gusto mong pagusapan natin" dugtong nya.

"Siguro alam mo naman to diba, ung tungkol kay Aika" sumangayon naman sya doon.

"Aika Santos,tama ba? May alam ako kung anong nangyari sa kanya dahil kaibigan nya ang Mama ko noon" pagsasalaysay nya.

"Di naman talaga sya nagpakamatay"nabigla ako sa sinabi nya.

"Pero anong nangyari sa kanya?" Naging seryoso ang mukha nya.

"Mamaya na lang"Umalis na sya.

Naiwan ako dun ng may malakibg tanong sa utak ko.

Bakit di ba nila masabi sabi sakin, may masama ba kung sasabihin nila diba wala naman.

/Break Time/

Ng naglalakad ako papuntang room nakita ko si Aika na nasa harap ng room namin.

Dali dali akong tumakbo patungo dun, at sa di inaasahang pangyayari nabangga ko si Shean.

" Sorry!" sabi ko habang nakayuko.

"Ok lang un Mian" kala ko sisigawan nya ko ule.

"Teka pumasok ka naman pala pero bat di ka umatend?" Dugtong nya.

"Late kasi ako" sabi ko.

"Ah ganun ba" sabay ngiti nya sakin,kakaiba sya ngayon a nung nakain kale nito?

Umalis na lang ako sa harap nya at dumeretso sa room.

Mga ilang sandali lang bago ako makaupo sa upuan ko may mga narinig akong sigiwan na malapit lang sa room namin.

Dali dali akong pumunta sa dereksyong iyon laking gulat ko na sa Library iyon.

Di ako makapaniwala sa nakita ko, si Jessica na nakabigti sa isang sulok ng library.

Pero pano? May gumawa ba nito? O sya lang?

May mga nabubuo na sa utak ko, may kinalaman dito si Aika...

Class 2-9:AIKA(COMPLETED)Where stories live. Discover now