Chapter Three:The Death of Syrille Gomez

606 35 4
                                    


Mian's POV

Ng makauwi na ko agad agad kong binuksan ang binigay na box ni Sara, nabigla naman ako sa laman.

"Huh? ano to? nagbigay ng walang laman? baliw ba un?"tinignan ko ung bawat sulok at may napansin akong sulat at nakalagay dun ang...

'Curiousity can kill'

"Huh? anong ipagsabihin nya dito? bakit ganon? ang gulo talaga" di ko talaga maintindihan ang mga nangyayari.

/Thursday 6:30 am/

"Hayst nakakatamad pumasok" sabi ko sa sarili ko.

"Mian" lalaki ung boses nya lumingon naman ako.

"Shean?" lumakad syang papalapit sakin.

"Pwede bang sabay tayo?" ngiting sabi nya.

"Sige" di ako kampante sa lalaking to parang ang weird rin simula kahapon.

/Nasa school na kami/

Tinignan ko ng buo ang buong school namin at napatingin ako sa rooftop.

"Huh? Aika?" dali dali akong tumakbo papaakyat papuntang rooftop at iniwan ko na lang si Shean.

"Mian! wag!" rinig kong sigaw nya.

Pero hindi ko nalang pinansin un , pero bakit ganun, pag tungkol kay Aika parang nagagalit sila na ano basta.

Ng nakaayat na ko ng rooftop.

"Aika" mahinang sabi ko habang hinihingal.

"*Tingin sakin* ..." tumingin lang sya sakin kaya lumapit ako sa kanya.

"Wag kang lalapit sakin..." sabi nya na may takot .

"May gusto lang akong malaman" pagpupumilit ko.

"Hindi pa ba nila sinasabi sayo?" huh anong ibigsabihin nya?.

"H-huh?" takang sagot ko.

"Hmp, di pa nga" anong tinutukoy nya?

"Ano un" tumingin sya ng malalim sakin.

"Curse..."nagulat ako sa sinabi nya.

"Curse? Sumpa bakit?" takang sabi ko.

"Nagsisimula na.." sabi nya ng mahinang boses.

"Good-Bye-Mi-an..." paalam nya sakin.

"San ka pupunta?" tanong ko, di na nya ako pinansin nagpatuloy nalang sya sa paglalakad.

/Naglalakad papuntang classroom/

Bakit ganto di ko maintindihan masyado na ba akong nababaliw? na malaman kung ano ang nangyari?

*Pumasok sa room*

"Mian" tawag sakin ng babae.

"*Tumingin sa kanya* ano un?" mahina kong sabi, para akong tinatamalay sa mga nangyayari ngayon.

"Nga pala ako si Syrille Gomez" ngiting sabi nya sakin.

"Pwede bang magusap tayo?" sumangayon na lang ako.

"Ano ba un" tumingin sya sakin ng nakakatunaw.

"Ano ba ung nalalaman mo?" tanong nya sakin.

"Saan" nagulat naman sya.

"Sa sekreto ng room na to?" bulong nya.

"Sekreto? teka ako rin may tanong"sabi ko sa kanya.

"Ano un?" ngiting sagot nya.

"Ah ehh wag ka sanang mabigla pero sino ba talaga si Aika?" nagulat sya sa sinabi ko.

At may nagexcuse sa kanya na pumunta ng clinic kaya yun naputol ung pag-uusap namin.

Third Person's POV

Nagdala ng payong si Syrille para pumunta ng clinic nasa labas kasi ng  school ang clinic nila.

At sa hinding inasahang pagkakamali, nadulas si Syrille sa hagdan dahilan para mabitawan nya ang payong na dala at kusa itong bumukas.

Ng nasa kahulihan na ng pagkababa nya sa hagdan natusok ang leeg ng matulis na bagay na nakalagay sa payong nya.

Mian's POV

Nakarinig ako ng malakas na sigawan ng mga estudyante sa labas kaya pumunta rin ako dun pero laging gulat ko na makita ang katawan ni Syrille na naka-handusay sa sahig.

Agos ng agos ang dugo nya galing sa leeg. Di ko kayang tignan pano nangyari un?

Nakapagtataka sinadya ba to o nagkataon lang?

Class 2-9:AIKA(COMPLETED)Where stories live. Discover now