Chapter​ 36: Flatline

Magsimula sa umpisa
                                    

"Patawarin niyo ako Chloe.." Nag simula na naman siyang umiyak.

"Hindi ko na kayang makitang nag hihirap si Claire at hik ang kapatid ko. Ang sakit-sakit sa dibdib. Para akong unti-unting pinapatay sa loob ko Chloe alam mo ba 'yun? Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko!" Nagsimula naman siyang magwala, pinag babato ang anumang mahawakan kaya isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha niya.

"Elise! Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Ngayon ka niya mas higit na kailangan! Patunayan mo naman kahit sa sarili mo lang na nagsisisi ka talaga. Sa tingin mo kapag nag inom ka araw-araw, magigising ba si Claire doon? Hindi naman diba?!" I screamed in her face.

"I didn't mean for any of this to happen, please believe me. Gusto kong bumalik yung dating kami, happy and contended. Pero habang nakahiga si Clare doon, na walang kasiguraduhan na magigising pa siya, natatakot ako Chloe." She said sobbing.

"I want to save her, I want to fix us, I want us to be happy again. Is that too much to ask? I can't do anything Chloe, I can't."

I didn't realize when I started to cry like sh*t. I can feel her pain and I can't do anything too.

Elise

Para akong nabuhusan ng malamig na malamig na tubig nang kausapin ako ni Chloe. She's right, hindi pa huli ang lahat dahil hanggat lumalaban pa si Claire at Eunice, hinding-hindi ako dapat sumuko.

Inayos ko na ang sarili ko at naghanda sa pagbalik sa ospital.

"Simon, alam mo na ang dapat mong gawin. Asikasuhin ang dapat asikasuhin habang nasa ospital ako. Bigyan mo na din ng bonus ang mga guards na napahirapan ko." I ordered Simon at tumango lang ito.

"One more thing.. Resume the task of finding the culprit." Nowhere to be found ang taong dahilan kung bakit nag hihirap si Claire at Eunice. Ipinahinto ko kasi ang pag hahanap simula ng halos ma depress na ako.

Bago pa kumagat ang dilim ay nakarating na rin ako sa St. Laurent's kung saan ay may mga reporters na humarang sa daan ko.

"Miss CEO, ano na pong balita sa lagay ng kambal mo po at ng girlfriend niyo na naaksidente?"

"Ano po ba ang katotohanan sa likod ng kumakalat na balitang hindi raw ito aksidente?"

"Napapabayaan niyo na raw po ang businesses at ang company niyo, ano pong masasabi niyo sa mga taong gusto kayong palitan bilang CEO?"

Sunod-sunod ang mga tanong at nag uunahan sa pag aabot ng mic at tape recorder na dala-dala ng mga reporters.

"Excuse me! Excuse me, passing through." Isang magandang babae na naka coat na puti ang narinig kong nagsalita sabay hila sa akin nang mahawakan niya ang braso ko. Sakto naman ang dating ng ilang mga guards ng ospital para harangin ang mga reporters.

"Thank you miss?" I asked nang makalayo na kami at makarating sa lobby.

"You don't need to thank me, I'm just doing my job." Pagkasabi ay ngumiti lang ito sa akin at naglakad na paalis. Strange, she looked like someone I knew.

"Teka miss, ano munang pangalan mo?" Sinubukan ko siyang habulin nang maka-liko na ito sa isang hallway but she disappeared like a ghost. Naglakad na lang ako papunta sa room ni Claire.

"Iha, dumating ka na pala." Dad ni Claire. Nang malaman nila ang nangyaring aksidente kay Claire, umuwi agad sila galing States. Nag mano naman ako sa kanya at humalik sa pisngi ng mommy ni Claire.

Nagpapasalamat ako dahil hindi sila nagalit sa akin matapos nila malaman ang lahat lahat ng nangyari.

I told them all, that it's my fault, and I regret it, inintindi naman nila ako at pinayuhan na wag na ulit gagawin pa iyon kung hindi ay ilalayo na nila si Claire sa akin.

"Labas muna kami para makausap mo siya." Mom of Claire smiled at me and they walked passed the door.

Hinawakan ng dalawang kamay ko ang kaliwang kamay ni Claire. Eto na naman ang mga luha ko.

"Love, kamusta ka na?" Panimula ko.

"Sorry love ha? Sorry kung naging mahina ako. Sorry kung pinairal ko ang takot na nararamdaman ko na baka tuluyan ka ng mawala sa akin. Gumising ka na love please. Miss na miss na kita. Miss na miss ka na nila mom, dad, grannies at ni Chloe. Diba sabi ko sayo noon papakasalan pa kita? Tutuparin ko pa yun. Lahat ng mga naging plano natin para sa future, sabay natin na gagawin yun diba?" Umiiyak na kinakausap ko ang walang malay na si Claire.

"Naaalala mo ba yung time na binigay ko sayo tong singsing na'to? Diba promise ring natin to? Kaya Claire, hanggat suot natin 'to, hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng pinagdaanan natin." I was holding her hands tight.

"Love, hindi ako susuko kaya sana ikaw din ha? Hindi lang ako nangangako na hindi na kita sasaktan, dahil gagawin ko yun love. Babawi ako sa lahat-lahat ng mga kasalanan at pagkukulang ko sayo kaya please love, gumising ka naman na oh." I kissed her hand.

"Do you remember the time na tuwang tuwa ako sayo love kasi baliktad ka, imbis na kakantahan kita bago matulog, gusto mo na kakantahan kita para lang hindi ka makatulog kasi gusto mo pa akong kausap. Kakantahan na kita ngayon love para gumising ka na. Favorite mo yung Only hope ni Mandy Moore diba?" Nag punas man ako ng mga luha sa mata pero bumabalik parin.

"There's a song that's inside of my soul..

It's the one that I've tried to write over and over again..

I'm awake in the infinite cold..

But you sing to me over and over again..

So I lay my head back down..

And I lift my hands and pray..

To be only yours, I pray
To be only yours, I know now
You're my only hope.."

*Beeeeeeeeeeepppppppp*

"Love?! Love?! Claire! Nurse! Nurse! Tumawag kayo ng doktor!" I yelled as loud as I could when I heard the flatline sound.

"Claire please, wag mo akong iiwan, hindi ko kakayanin pag nawala ka!" I cried out loud.

"Ma'am labas po muna kayo." Sabi ng isang nurse at nagsimula na ring magsidatingan ang mga doktor at nurses.

"Claire!" If God really does exist, please don't take her from me! I am begging.

I won't be able to live without her.

She Fell First (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon