"Shh! Parang hehehehe..."


"Ikaw ha!"


"Sira! Ipapaubaya ko na sayo si Daniel." Ehh?


"Ano naman gagawin ko sa Daniel na 'yon? Psh."


"Hay nako Kath sayo na nga para naman magka-crush ka dito sa campus kahit isa lang, abnormal ka ba?" Yen.


"Mas maganda nang maging abnormal keysa masaktan ka 'no."


"Masaktan agad iniisip mo? Eh crush lang naman normal lang yun. Saka kasama talaga sa buhay ang masaktan." Singit naman ni Julia kahilig nitong sumingit sa mga usapan bigla bigla na lang mag-sasalita. -_____-


"Oh andyan ka na pala."


"Hoy alam niyo ba nakasalubong ko si Diego! Waahh!! Ang pogi!" Sabay hampas sa upuan niya.


"Flag ceremony na, tama na yang kilig na 'yan." Yen.


Bumaba na kami nila Julia at Yen saka pumila na sa mga kaklase namin syempre kwentuhan pa rin kami kahit flag ceremony..


Tumingin ako sa gilid ko nang nakita ko si Daniel nakikipag biruan sa mga kaklase niya. Tapos parang may binulong yung kaklase niya at tumingin sa gawi ko. 'Di ko alam kung ako yung tinitingnan o si Julia o Yen nasa gitna kasi nila ako eh dahil magkakasunod kami sa linya. Syempre umiwas ako ng tingin >///< ba't ganun parang kinikilig ako kasi feeling ko tinitingnan niya ako? Feeling mo lang 'yan Kath!


"Aayyiieee.." Bulong sakin ni Julia nasa likod ko kasi siya tapos nasa harapan ko naman si Yen.


"Bakit?"


"Tinitingnan ka ni Daniel oh..." Julia.


"Eh ano naman?"


"Alam kong crush mo siya kaya wag ka ng mag-kunwari diyan." Julia.


"Hindi 'no! Kapanget niya kaya eww.." Deny pa Kathryn!


"Eww ka dyan! Halata naman sa mga tingin mo sa kanya noh!" Julia.


"Bahala ka nga." Halata na ba kasi? Hindi naman diba?


Pumunta na kami sa room sakto andoon na rin yung teacher namin kaya nag focus na ako makinig sa kanya.


Habang nakikinig ako bigla kong naisip yung sinabi ni Julia paulit ulit nga sa utak ko.


"Alam kong crush mo siya kaya wag ka ng mag kunyari dyan."


"Alam kong crush mo siya kaya wag ka ng mag kunwari dyan."


"Alam kong crush mo siya kaya wag ka ng mag kunwari dyan."


Crazy Little Thing Called LoveWhere stories live. Discover now