Chapter 6: If only he didn't ask

Start from the beginning
                                        

Pagkatapos naming magreview, nilapitan namin iyong iba pa naming mga kaibigan at niyayang kumain. Habang naglalakad, nilapitan ako ni Maria at tinanong.

"Xena, anong meron sa inyo ni Nigel?"

"H-ha?" Para akong nabingi sa tinanong niya, "anong anong meron sa amin?"

"Kahapon, pakiramdam ko niyaya ka niyang sumama sa kanya, pero bakit hindi ka sumama?"

"Nakita mo kami sa hallway?"

"We all saw you." Pagsulpot ni Drey.

"Okay Drey, kailan ka makakahanap ng sarili mong buhay?" Sarcastic na sabi ko sa kanya sabay higit kay Maria at lumayo kami kay Drey.

"Pachismis lang." Sinundan niya kami at umakbay siya sa gitna namin ni Maria, "So what happened, Xena?"

Napabuntong hininga ako at sumuko na lang sa kakulitan ni Drey. Narinig kong tumawa ng mahina si Maria.

"Okay, sa atin lang ito ha?"

"Yup," Drey reassured.

"Gusto ko si Nigel—"

"Sabi ko na nga ba eh." Iiling-iling na sabi ni Maria.

"Kaya pala nagmoment kayo kahapon eh." Pang-aasar ni Drey.

"Pero hindi ako sigurado. Kasi ang bilis eh. Hindi ako sure kung gusto ko ba siya o kung gusto ko lang yung feeling."

"Baka gusto mo lang subukan kung ano yung feeling." Sabi ni Maria.

Napabuntong hininga ako.

"Akala ko kapag hindi mo na first time magkagusto sa isang tao, hindi na magiging complicated."

Tinanggal ni Drey ang pagkakaakbay sa amin at pumunta sa harapan namin. Hindi kami humintong maglakad kaya patalikod siyang lamakad habang nagsasalita.

"Xena, mag-aral ka muna kaya?"

"Manahimik ka Drey." Sigaw ko sa kanya.

"Suggestion lang naman, wag ka munang lumandi."

"Hoy, masakit ka ng magsalita ha!"

"Oo nga Drey, landi agad?" Pagtatanggol sa akin ni Maria.

"Totoo naman! Ilang linggo mo pa lang nakikita yung Nigel, in love ka na kaagad."

"Crush ko lang siya!"

"Siya na rin yun, Xena."

"Alam mo, pabibo ka."

"Hmp, talaga! Aasa ka lang sa Nigel na 'yun, pafall lang 'yun! Eh ikaw naman itong si tanga, akala mo gusto ka din niya."

"Alam mo, get a life. Ang epal mo."

Hinila ko si Maria at nagdisappear na lang kami sa harapan ni Drey. Hindi ko na siya pinansin. Nakakapikon na siya. Hindi ako natuwa sa mga huli niyang sinabi. Sinubukan niya akong habulin pero hindi ko siya nilingon o sinagot kaya hindi na niya ako kinulit pa. Sana naramdaman niyang nagalit ako. Wala akong panahon sa mga nakakapikon niyang banat ngayon eh.

"What is happening ba, Xena?"

"Hindi ko rin alam, Maria. Palagi ko siyang hinahanap. Parang humihinto sa pagtibok iyong puso ko kapag kausap ko siya. Gusto ko talaga siya, Iya. Parang gusto ko na talaga siya."

"Yun naman pala, bakit parang hitsurang worried ka?"

"Hindi ako worried, actually ang saya ko nga eh. Nung niyaya niya ako kahapon, feeling ko may gusto din siya sa akin."

"Malay natin. May mga ginagawa talaga ang mga lalaki na nakakalito, Xena."

"Yun talaga ang nararamdaman ko eh. Pakiramdam ko talaga pareho kami ng nararamdaman."

"Eh bakit hindi ka sumama sa kanya kahapon?"

"Hindi ko alam? Baka dahil may lakad kasi tayo? Baka kasi isipin niyo na pinagpapalit ko kayo eh." Bahagya akong tumawa.

"Hala, may saltik ka ba?"

"Guys saan tayo kakain?" Singit ni Dia.

"Mcdo again." Mabilis na sagot ni Jelly.

Hindi kami sumali sa usapan nila at nagpatuloy lang kami ni Maria sa pagkukwentuhan. Pero sumunod lang kami sa kung saan man sila papunta. Maingay kami sa daan, halos pagtinginan kami ng lahat ng mga nadadaanan naming students. We're like a small gang, ang dami kasi namjn sa barkada. Kalahati nga ng klase namin, kami eh.

"Pero alam mo, since niyaya ka niya kahapon, baka nga siguro may gusto rin sayo iyon." Pagpapatuloy ni Iya.

"Tingin mo?" Tumingin ako kay Maria at tinanguan naman niya ako, "sa susunod nga sasama na ako sa kanya."

"Oo, wag mo kaming intindihin!"

"Kailangan ko talagang makaipon ng evidence na gusto rin niya ako."

"Oo, para hindi ka na nalilito o naguguluhan."

Totoo yun. Nakakalito. Naguguluhan iyong isip ko. Hindi ko alam kung pareho ba kami ng nararamdaman o kung imagination ko lang iyon, o kung baka iyon lang ang iniisip ko kaya akala ko totoo. Tinataya ko yung puso ko sa pagmamahal na hindi ko naman siguradong makukuha ko. Pero sa kabila nun, may pag-asa pa rin ako na magugustuhan din ako ni Nigel. Ang bilis, ang landi mang tignan, pero totoo yun. Sana magustuhan din niya ako.

Pagdating namin sa mcdo, isa-isa na kaming pumasok sa loob. Since nagkukwentuhan kami ni Maria, kami ang nasa hulihan. Nang malapit na kami sa pinto, biglang humigpit iyong hawak niya sa braso ko.

"Omg, si Nigel."

Para akong nagfreeze, pero nakayanan ko pa ring magsalita, "Saan?"

Itinuro ng nguso niya ang loob ng mcdo, biglang nagslow motion ang lahat ng movements sa paligid ko. Ang cliche no'n pero totoo pala, parang iisang tao na lang ang nakikita ko.

Automatic na umangat ang magkabilang dulo ng labi ko nang makita ko si Nigel sa loob ng Mcdo, palabas na sa pinto. It only means na makakasalubong ko siya. Gusto kong ipause ang moment na ito kasi gusto ko munang titigan ng matagal si Nigel. Parang akong pinapalapit ng mga ngiti niya, para akong hinihila palapit sa kanya ng bawat pagkinang ng mga mata niya, gusto ko siyang titigan hanggang sa pareho kaming malusaw. Siya sa titig ko, at ako naman sa kilig.

Ang cliche talaga ng mga pinagsasasabi ko, bwiset.

"Gising girl, palapit na siya."

Ilang beses akong pumikit-pikit bago tuluyang luminaw ang paningin ko. Ayan na siya. Dahan-dahan kong itinaas ko ang kamay ko upang mag-hello sa kanya. Naghesitate ako kung ngingiti ako ng labas ang ngipin o kung small smile lang ba o kung susunggaban ko na lang siya kaagad ng halik para maramdaman niya ang nararamdaman ko.

"Hello Ni—"

Punyeta.

Gusto kong sumara itong pinto at maipit ako sa gitna at bigla na lang maglaho ng parang bula.

Dinaanan lang ako ni Nigel na para bang hangin lang ako. Hindi niya nakikita, hindi niya napapansin.

Sana hindi na lang niya ako tinanong kahapon kung gusto ko bang samahan siya. Kasi nakakatangina. Kung hindi siya nagtanong, hindi sana ako nagsimulang umasa.

If OnlyWhere stories live. Discover now