Chapter 6: If only he didn't ask

43 0 0
                                        

Dear Notebook,

Today, he was my seatmate. He borrowed my notebook. I almost touched his fingers, I almost gave in. Akala ko aaminin ko na sa sarili ko that moment na gusto ko siya. Oo gusto ko si Nigel. There is something in his smiles, in his eyebrows when they wiggle. His eyes are sad, pakiramdam ko tinatawag ako ng mga ito upang pangitiin siya. Hindi palakibo si Nigel, pero sa tuwing naririnig ko ang boses niya, napapahinto ako sa kahit na anong ginagawa ko.

Bakit ang bilis?

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong klaseng agos ang sinabayan ko para mahulog ako ng ganito kabilis.

Nahulog na ba ako?

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nasa tuktok pa lang ako at handang mahulog, o kung kasalukuyan akong nahuhulog at handang masaktan.

Oo, handa akong masaktan.

Handa ako kung balang araw ay tuluyan akong mahuhulog at magigising sa sarili kong panaginip at malalaman kong hindi akin si Nigel.

Hindi ko alam kung balang araw ay matatawag ko siyang "sakin".

Gusto kong umasa, gusto kong paniwalain ang sarili ko na nung araw na niyaya niya akong sumama sa kanya, pareho kami ng nararamdaman. Gusto kong maconvince ang sarili ko na nakikita din ako ni Nigel the way na nakikita ko siya. Gusto kong maging mutual ang nararamdaman namin sa isa't-isa.

Pero at the same time, ayoko.

Handa akong mahulog at masaktan, pero hindi ko kayang harapin yung katotohanan na nagmukha akong tanga, na wala akong napala. Natatakot ako na balang araw matakot na akong sumubok ulit. Kasi gaano ba kasakit? Gaano ba kahirap? Hindi ko na matandaan ang pakiramdam.

At ayoko na sanang maramdaman ulit.

Pero para makita ko araw araw ang mga ngiti ni Nigel, at para marinig ko palagi ang boses niya, I am willing to take a risk.

Handa akong masaktan.

Handa akong umasa.

At alam ko sa pinapasok ko, hindi ko iyon maiiwasan. Iiyak at iiyak ako. Simula pa lang, inihanda ko na ang sarili ko sa sakit, sa mga gabing ilalaan ko para umiyak lang. Pero one thing is in my mind right now, I want it to be worth it in the end.

Masaktan man ako, o hindi.

~*~

"Are you even listening, Xena?"

Lumingon ako sa kanya, bago ko pa maibuka ang bibig ko, muli siyang nagsalita.

"Alam mo ba kung gaano karaming laway ang sinayang ko?"

"Sorry, may iniisip lang ako."

Kinuha ko ang librong nakapatong sa lamesa at iniangat ko sa harapan ng mukha ko upang hindi niya ako makita.

"So...iniisip mo nanaman si—"

"Paano na nga pala ididifferentiate ito," itinuro ko yung pang limang example sa differential calculus book, "kasi 'di ba implicit siya?"

Nakita kong saglit na kumunot ang noo ni Drey habang nakatitig sa akin. Parang may inisip siya na patungkol sa akin pero pinili niyang huwag na lang banggitin. Instead, nagreview na lang kami ng lesson namin. Pero halos wala nga akong nareview ng matino eh. Ang daldal niya kasi, kung anu-anong kinukwento. Puro pang-aasar. Tinanong pa niya ako kung tae daw ba ako, kasi ang lapot ko raw. Para talaga siyang tanga. Nako, kung hindi ko ito kaibigan, at kung hindi lang talaga ako nasanay sa mga pang-aasar niya, tatayo ako sa kinauupuan ko at isusubsob ko siya sa lamesa.

If OnlyWhere stories live. Discover now