"Hay," sabay-sabay na buntong hininga namin nila Drey, Maria, at Teya.
Pare-pareho kaming napatingin sa isa't-isa, at kahit gusto naming tumawa ay hindi namin magawa dahil ubos na yung mga energy namin kakaisip ng kung ano bang dapat gawin sa 3 hours na vacant namin. Walang hiya kasi, hindi kami mapapasukan nung dalawa naming prof dahil nagkaroon sila ng biglaang appointment.
Hindi namin malaman kung thankful ba kami na hindi kami mag-aaral ng 3 hours, o ang malas namin kasi 3 hours kaming nakatunganga.
"Mag-bar kaya tayo? Ano, G kayo? May alam ako na resto-bar sa malapit!" Masayang sabi ni Macky pagkatapos niyang tumalon sa harapan namin. Lahat kami tumingin sa kanya ng masama.
"Tanghaling tapat, Macky." Iiling-iling na sabi ko.
"May point ka." Bulong naman niya habang bumabalik sa kinauupuan niya.
Nandito kami ngayon sa student center, madaming students. Siguro kasama din yung mga prof nila sa appointment nung mga prof namin kaya wala din silang pasok at pare-pareho kaming nakatambay dito. Well, since lahat naman siguro ng college students ay matipid, instead magpunta somewhere at mapilitang gumastos, dito na lang siguro sila tumatambay. Ang result, sardinas sa student center.
"Hmm, G kayo mag-karaoke?" Sabi ni Maria habang nag-reretouch. Pinanood namin siyang buksan at iapply sa labi niya ang mapula niyang lipstick.
"Sa lahat ng engineering student, ikaw ang gumagamit ng pulang lipstick. Daig mo pa accounting student ah." Walang modong sabi ni Drey.
"Labi ko 'to, Drey." Sagot naman ni Maria na kasalukuyang naglalagay ng cheek tint.
Nagtawanan kami sa reaction ni Maria. After ilang seconds ng asaran at tawanan, sabay-sabay nanaman kaming napabuntong hininga. Kahit anong gawin namin, ang boring talaga. Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko trying to find something na mapagkakaabalahan, pero right after kong i-unlock, napahinto ako. Kailan ba ako nagdownload ng games?
Naisip ko magfacebook pero nakadeactivate pala ako. Magtitwitter sana ako kaso baka malowbat naman ako. Gusto ko din sanang buksan yung instagram ko kaso wala naman pala akong maipopost. Napasapo ako sa noo ko. Wala nga din pala akong connection.
"Nakakasawa, brad." Dinig kong reklamo ni Leo kay Bryan. Naglalaro sila ng kung ano sa mga phone nila. Ngayon ay pareho na nilang tinago ang phone nila at humalumbaba sa table.
"'Di ba kayo gutom?" Tanong ni Teya.
"Ako kakakain ko lang." Sagot ko.
"Me too." Dagdag naman ni Dia.
"Sige dito na lang tayo." Walang nagawa si Teya kung hindi humalumbaba din.
"Kawawa naman tayo." Sabi ni Drey na siyang dahilan kung bakit kami nagsitawanan.
Natigil ako sa pagtawa ng maagilap ng mata ko sina Nigel kasama yung mga kaibigan niya na papunta dito sa way namin. My heart skipped a beat. Natataranta nanaman ako. Tatayo ba ako at aalis bago sila makaabot dito? Hindi ko talaga siya kayang tignan at kausapin eh. Wait, ang OA ko. Hindi naman ako yung pinunta niya dito.
"Papunta yata dito sina Nigel." Dinig kong sabi ni Teya na nakatingin din sa papalapit na sila Nigel.
"Pwede pong magtanong?" Sabi ni Nigel pagkadating nila sa harapan ng table namin. Kay Leo siya nakatingin. Nasa harapan ko si Leo. Nasa gilid namin si Nigel since kami yung nasa edge ng table.
"Ano yun?"
"May pasok ba?"
"Ah," tinignan ako ni Leo. Aware ako na nakatingin silang lahat sa akin pero hindi talaga ako makagalaw eh. "Uy, Xena, diba sa'yo tumawag si Sir?"
