Even if its not there intention to hurt me, i still feel the pain.

"Manong dito na lang po" pakiusap ko sa driver nang taxi.

Nakita ko namang iniliko ni manong sa tabi.

"Eto na po yung bayad" iniabot ko na ang bayad ko.

"Salamat ho maam" narinig kong tugon ni manong driver.

Ngumiti ako bilang ganti at lumabas na nang taxi. Hinawi ko ang buhok ko at nilagay sa kaliwang balikat.

Tuloy tuloy akong pumasok at laking pasalamat ko nang hindi ko pa nakikita ang kotse ni Dan.

Dumiretso na ako sa classroom namin. I looked to my wrist watch to look for the time.

Limang minuto na lang at mag uumpisa na ang oras nang klase. Pero mga tatlong minuto pa lang ang nakakalipas ay dumating na ang professor namin.

Tumayo kami at sabay sabay na bumati. "Good Morning Ms.Caparas."

Pagkatapos ay umupo na kami.

"Alvarez"

"Present Maam" 

  Narinig kong nagtatawag ang professor namin nang mga pangalan  para sa attendance nang umeksena si Portia sa pintuan nang classroom namin.   

"Good morning Maam, im sorry im late" bungad nya kay Ms. Caparas.

"Bakit ka na late sa klase ko" tanong sa kanya nang prof.

Pero imbes na kabahan sya sa pagsagot sa Proffesor namin ay ngumisi lang sya at buong pagmamalaking sumagot.

"Maam, nasiraan po kasi kami nang boyfriend ko nang kotse. May pulubi po kasing lumabas nang kotse." Awtomatikong umikot ang mga mata ko sa sinabi nya.

Did she just call me a beggar? Damn it. How dare she!

Nakita kong tumaas ang isang kilay nang professor habang kinikilatis ang babaeng yon.

"Sige na , pumasok ka na. Sa susunod ayoko nang nalelate sa klase ko. Ayoko nang tanungin ka pa dahil kumakain ka nang oras" sita nito sa kanya.

Nakangisi pa rin itong pumasok nang silid at dumiretso sa direksyon papunta sa upuan nya.

At sa kasamaang palad ay dadaanan nya ang upuan ko.

"Buti na lang at umalis ka, nasolo namin ang kotse ng kapatid mo." Kumuyom ang kamao ko sa sinabi nya.

Mabuti na lang at ako lang ang nakarinig sa sinabi nya.

Bakit ba kailangan nyang ipamukha to sakin? Ang pagkakaalam nya ay kapatid ako ni Dan, pero bakit parang karibal nya ako kung umasta sya sakin.

"Ms. Smith please stand up" naagaw ang pansin ko nang tinawag ako ni Ms.Caparas.

Kahit pa naiirita ako kay Portia ay tumayo na ako at nagtatakang tumingin kung bakit ako tinawag.

"Pwede ka bang maging representative ng section na ito." Agad akong nagtaka sa sinabi ni maam.

"Para saan po , Maam." Tanong ko.

"I see that youre not listening.." sita nya sakin.

"Sorry po Maam. " paghihingi ko nang paumanhin.

"By the way its about representing your section for the Campus Queen this year, Your classmates decided that you should be their representative." Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Ms. Caparas.

Sa mga nakalipas na tapn ko dito ay hindi ako napiling maging representative ng patimpalak na ito nang University namin tuwing taon.

"Sig--" sasagot na sana ako bilang pag sang ayon nang biglang nagsalita ang babaeng dahilan ang galit ko.

"Maam, i think Ms. Smith will not take your offer. Kasi po wala naman po siyang katangian na kailangan sa contest na yan." Lumingon ako para tingnan sya.

At ganun na lang ang laki nang ngisi nya.

"I insist for what Ms. Halisue said, maam. Sasali po ako dahil may ako naman po ang pinili nang mga kaklase ko , ibig sabihin po ay nakita nila sakin ang katangian na kailangan sa patimpalak na ito."lumingon ako kay Portia pagkatapos at nag aasar na ngumiti.

Nakita kong umirap sya sakin kaya nakangisi pa rin akong tumingin na sa harap.

"Maam, ilan po ba ang pwedeng sumali sa contest?" Narinig kong pahabol ni Portia.

"Actually, kahit naman ilan ang pwedeng sumali sa contest. Pinapili ko lang ang buong klase nang isa dahil baka mahati ang suporta nang section niyo kung dalawa o higit pa ang sasali." Paliwanang nang guro.

Mukhang hindi magpapatalo si Portia dahil bigla syang nagsalita.

"Then, i volunteered maam. Sasali rin po ako sa contest" napalingon na naman ako sa direksyon ni Portia.

Nakita kong nakataas ang isang kilay nya bilang paghahamon.

Pinantayan ko naman ang tingin na binibigay nya...Hindi rin naman ako magpapatalo. 

  So i think, may the best woman win.

Can't be Yours (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon