SEDUCING 3:

1.7K 43 0
                                    

 Kabanata 3: Truth or Dare

Angeline's Point of View

Pagkatapos ng paguusap namin ni Rachelle kanina ay umalis na siya ng kwarto ko. Nagsabi pa sya tungkol sa pinaplano nya bago tuluyang umalis.

Kinakabahan tuloy ako sa mga iniisip ni Rachelle. This day is really tiring. Hindi pa kami nakakapagbakasyon talaga dito pero nakakramdam na ako nang pagod.

Nandito pa rin ako sa kwarto hanggang ngayon at dahil sa nabulabog na ako ni Rachelle ay hindi na ulit ako makabalik pa sa balak kong pagtulog kanina.

Imbes na magmukmok ay pinili ko na lang ko na lang na lumabas nang kwarto ko para malibot sa labas ang isla. I want to unwind.

Nag ayos muna ako ng konti. I bun my hair in a messy way. Pagkatapos ay lumabas na ko ng kwarto.

Habang naglalakad sa corridor ay hindi sinasadyang nakasalubong ko si Wynd.

" Gel andito ka pala. Hinahanap ka na nila sa kwarto kasi may gagawin daw tayo"  paliwanag nya sakin. Isinantabi ko na ang pamamasyal ko dahil sa sinabi ni Wynd.

"Ganun ba, sige pupunta na ako." Tumango ako sa kanya at magsisimuka na sanang maglakad papunta sa kwarto kung nasaan sila nang bigla nya akong hinila paharap sa kanya.

Ramdam ko ang sandali nyang pagitig sakin bago nagsalita.

"Gel, may sasabihin sana ako sayo." hindi ko mapigilan ang kabahan sa sinabi nya. Bakit ganito ang tono nang pananalita niya. Is he saying something confidential?

Maging ang ekspresyong ng mukha nya ay seryoso kaya hindi ko maiwasang mapaisip.

Ilang minuto na ang lumipas at tila hindi nya masabi sakin yung gusto nyang sabihin kaya naglakas loob na akong magsalita.

"Ano yung sasabihin mo?"

Ngayon ay puno nang pangangamba ang mga mata nya nang tingnan ko ito.

"Kasi..." naramdaman kong bumitaw sya sa pagkakahawak sakin.

"Ano Wynd?"  Tanong ko ulit nang hindi pa rin sya makapagsalita. Medyo naiirita na ako sa ikinikilos niya.

Kumakabog na rin ang dibdib ko sa kaba.  Hindi ako mapakali dahil gusto ko nang malaman kung anong sasabihin nya.

Maya maya ay narinig kong huminga muna sya ng malalim bago nagsalita. Kumpara kanina ay mukha na syang malungkot na tumingin ulit sakin.

" Wala naman, sasabihin ko lang sana yung kwarto kung nasaan sila. Nasa kwarto sila ni Ceejay ngayon. Pasensya ka na" he smiled on me a bit.

"Yun lang ba?" Agap kong tanong sa kanya bago pa sya makaalis. Hindi ako kuntento sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin at pinili niya na lang na isikreto ito.

Tumango naman sya sakin at ngumiti. Because of his smile i can clearly see how handsome he is. Unlike Dan his features are very foreign. And I think that's because he has the british blood.

"Sige mauna na ko." Minuwestra ko ang direksyon na tatahakin ko at ngumiti sa kanya.

Nang makatalikod na ako sa kanya ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. That was an awkwsrd scene.

Hindi naman siya ganito dati at talagang nakakapagtaka yung mga kinikilos nya nitong mga nakaraang araw.

Naglakad na ako papunta sa kwarto na tinutukoy ni Wynd. Pagpunta ko sa tapat ng pinto ay kumatok na ako.

Can't be Yours (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon