SEDUCING 4:

1.5K 39 2
                                    

  Kabanata 4: Sana

Angeline's Point of View

Nakita kong unti unti na syang nilalapitan  ni Ceejay at walang pang ilang segundo ay  nahinalikan na sya nito. Halos maghiyawan kaming lahat nang tumagal ang paghahalikan nilang dalawa.

Kaya nang maramdaman nilang dalawa na nandito pa kami ay sandali silang nag usap at nagpaalam na si Rachelle na lalabas muna.

She looks flushed when she leave. Mga ilang minuto pa ay pansin kong lumabas din si Ceejay.

Halos manlaki ang mata ko sa naisip. Hindi kaya susundan niya si Rachelle? I hope that no one will be hurt today... Not my bestfriend.


Pag alis nilang dalawa ay pinagpipilitan pa rin ng mga pinsan ko ang pagpapatuloy ng laro.

Habang naglalaro ay pansin kong may mga alak na silang iniinom sa gilid.

"Tara tuloy na natin" Lucas suggested.

"Ako na ang magiikot ng bote" nagpresinta si Aaron.

Hinawakan na ni Aaron ang bote at pinaikot ito. Lahat kami ay halos nakatingin sa pag ikot ng bote. Pagkaikot nito ay nakita kong  tumapat ito kay Wynd.

Ang magtatanong sa kanya ay si Aaron dahil sa kanya tumapat ang kabilang dulo ng bote.

"Wynd, Truth or Dare?" nakangising tanong ni Aaron kay Wynd.

"Truth" Seryosong sagot naman ni Wynd.

Ilang sandaling nagisip nang maitatanong si Aaron. Pero maya maya lang ay nagsimula na siyang magtanong.

"Sige,dahil wala pa kaming kilala na nagugustuhan mong babae. Sino ba ang nagustuhan mong babae na kilala namin" napatingin ako sa pinsan ko dahil sa tanong nya kay Wynd.

Noong una ay isa ako sa mga naghihintay sa magiging sagot niya nang mapansin ang pagtitig ni Wynd sakin.

Hindi ko alam pero bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina nung nag usap kami ni Wynd.

Halos nakatutok sa kanya ang mga pinsan ko at hinahantay lamang ang magiging sagot nya.

"Angeline" diretsong sagot ni Wynd.

"What about Angeline?" rinig kong tanong nang isa sa mga pinsan ko.

"She's the one i like." halos masapo ko ang bibig ko sa sinabi nya. Ganun din ang mga pinsan ko na halos malaglag ang mga panga sa pagkagulat.

Pagkatapos nya yung sabihin ay ramdam ko ang mas nakapanghihila niyang mga titig.

Napagawi naman ang tingin ko kay Dan at nakita kong hindi siya tumitingin sa kahit isa samin. I swlaw how his jaw clenched.

Hinayaan ko na lang sya dahil mukhang wala syang pakealam sa nangyayari.

Hindi ko akalain na ako talaga ang ang nagugustuhan ni Wynd. Dahil kaibigan lang talaga ang turingan namin sa isa't isa.

Naagaw naman ang atensyon ko nang ipagpatuloy nya ang pagsasalita.

"Matagal ko na siyang gusto pero hindi ko sinasabi sa kanya. Good thing that i have the confidence now to say her what i wanted to say " kinakausap nya ang mga pinsan ko pero nasa akin ang paningin nya. I dont know how to react, he's confessing and i did'nt know what to do.


" I Love You Gel" halos mapasinghap na naman ako sa sinabi nya. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

He loves me but i don't have any idea at all. Gulat na gulat pa rin ako sa mga nalaman.

Can't be Yours (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon