Chapter 7: His Sweetdreams and Her Nightmare

Comenzar desde el principio
                                    

"Haha! Uuy interesado kay Jeronne." panunukso ko sa kanya.

"Whatever Meimei." then she rolled her eyes on me. Haha! Kahit mataray ang bestfriend ko, ang cute pa rin niya kapag ginagawa niya yun. :'3

Pero, kung alam ni Aira ang tungkol sa Cupid Heartthrobs, baka kilala niya din yung isang member ng group na yun. Si Jeronne, si Paul (my angel xD), si Rhenz at saka si...

"Aira, sino ba yung pinakapogi daw na member ng Cupid Heartthrobs? Kilala mo ba?"

"Alin? Yung galing sa States?"

"Oo, yun!" agad na sagot ko. Napaisip muna siya saglit, mukhang kilala niya kung sino yung misteryosong lalaking yun.

"Hmm.. Hindi e. Bago lang kasi yun dito."

"Ay, ano ba yan." sabay simangot ko.

"Haha! Uuy, interesado sa lalaking yun!" ay buang, tinukso din ako. Ang bilis ng karma, digital na pala ngayon.

"Oy hindi ah. Natanong ko lang naman yun." at tinawanan lang niya ako sa sinabi kong yun. Naghihinala na naman 'tong maldita na 'to sakin. Wala naman akong intensiyon kung bakit ko natanong yun. Nahihiwagaan lang talaga ako sa lalaking yun kaya nabanggit ko.

"Oy Aira, tawag ka ng Dean natin sa office niya. Tinatanong niya kung nakahanap ka na daw ba ng photographer para sa News Club?" biglang pasok sa pinto ng isang lalaking istudyante na yun dahilan para mapatigil kaming dalawa ni Aira sa paghaharutan.

"Hala oo nga! I forgot!" dali-dali niyang kinuha yung mga gamit niya na nakalagay sa sofa na katabi ng table na 'to. Sa kamamadali nito, nasagi niya bigla yung bag ko dahilan para mahulog at magkalat yung mga gamit ko sa sahig.

"Hala sorry Meimei, hindi ko sinasadya!" sinimulan niyang pulutin ang mga gamit kong nahulog at tinulungan ko na siya kaya nakipulot na rin ako.

"Okay lang Aira. Sige na, umalis ka na. Hinahanap ka na daw ng Dean niyo. Ako na lang ang bahala dito."

"Sure ka Meimei?" nag-aalalang tanong naman nito na sinisiguro kung ayos lang sakin yun. Nag-nod lang ako at nagsmile sa kanya. Alam na niya ang sagot kong yun.

"Okay sige. Mauna na ako sayo Meimei ha. See ya later. Bayie!" at tumakbo na siya palabas ng pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Pagkatapos nun ay ako na lang mag-isa ang naiwan sa room.

Patuloy pa rin ako sa pagpulot sa mga gamit ko. Ung notebook ko nandun na, yung magkakasama kong libro kanina ngayon hiwahiwalay na. Yung ballpen ko naman malapit na sa ilalim ng sofa. Grabeng lakas naman ng pagkakasagi ni Aira sa bag ko, nagliparan lahat.

Natapos ko na ring pulutin lahat ng gamit kong nahulog. Nandito na kaya lahat? Sana wala akong naiwan. Tiningnan ko yung wristwatch ko, 12:47pm na. May klase pa ako ng 1pm ka nagdecide na akong pumunta na sa room namin para hindi ako ma-late.

Habang naglalakad ako sa may corridor ay bigla na lang akong napalingon sa mga nagkukumpulang mga istudyante banda dun. Hay nako, ang higad girls na naman pala. At sino naman kaya ang pinagkakaguluhan nila doon?

I saw a guy wearing headphone and shades while walking like a hot model. Sa way niya ng pagsusuot ng damit na parang rakista ay nakilala ko na siya kaagad. Ow yeah, si Rhenz Jasper Santos nga yun. Well, his cute and cool pero, iba yung type ko e. xD

Back to YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora