Sixty Two

2.3K 102 16
                                    

Maine's POV









Inaayusan ko ngayon si Charmaine. Eto na kasi ang araw na ipapakilala ko siya sa Daddy niya. Naisip ko din yung sinabi ni Mama Helen e. Hindi ko pwedeng ipagkait sa kanya yung anak niya. Kasi kahit na oinagdudahan niya ako noon, hindi  ko maitatanggi na anak niya talaga si Charmaine. Siya lang naman ang naging lalake sa buhay ko at isa pa, ayokong maranasan ni Charmaine ang lumaking walang kumpletong pamilya.









"Naiinis man ako sa desisyon mo pero alam kong ayan ang tama. Ipakilala mo siya sa ungas na yun dahil siya ang Tatay." Untag sa akin ni Kristoffer. Lagi naman kasi siyang nandito sa bahay namin ni Charmaine at hindi na bago sa akin yun. Bigla kong naalala yung tungkol sa kasal na binanggit niya nung kumakain kami nila Julie Anne.









"Hoy! Ikaw ah? Eksena ka talaga dun sa kasal-thingy e. Ano bang drama yun?" Sita ko sa kanya habang naglalagay ng damit sa bag ni Charmaine. Lagi kasi akong ready lalo na pag aalis kami. Narinig ko ang pagtawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ano bang tinatawa tawa mo? Gusto mong ipalo ko sayo tong bag na to?" Masungit na tugon ko sa kanya.









"I'm just pushing him to his limits. Someday, you will thank me for this. Basta sakyan mo lang yung bawat sasabihin ko ah? Wag ka ng masyadong matanong. Mauna na muna ako dahil may kailangan akong ayusin sa opisina at tatawagan ko muna si Joyce. Ingat kayo ni Charmaine. Pag may nangyari tawagan mo agad ako." Parang Tatay na bilin niya sa akin. Tumango na lang ako. Hinalikan niya ako sa pisngi. Sanay na ako dun. Ganun din ang ginawa niya kay Charmaine. Hindi nagtagal ay umalis na din si Kristoffer. Niyaya ko na din si Yaya Myrna.








Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Ano bang dapat kong sabihin? Paano ko ba ipapakilala si Alden sa anak niya? At dahil hindi ako handa ay nagpasya ako na isama yung apat. Tinawagan ko na sila kahapon pa. Doon na din sa bahay nila Nadz kami nagpasyang magkita. E saan pa ba? Sila lang naman ang pwede kong tawagin. Wala pang dalawang minuto ang naging pag uusap namin ay pumayag na sila.








Nakarating agad kami sa bahay nila Nadz. Kumalabog ang dibdib ko ng makita kong may mga nakaparada ng sasakyan sa tapat ng gate. At alam kong isa dito ay kay Alden. Huminga muna ako ng malalim. Hindi ako dapat kabahan. At dapat pala noon ko pa pinaghandaan. Bumaba na kami sa sasakyan. Kinarga ko si Charmaine. Nagmamasid masid lang siya. Bago kasi sa paningin niya ang lugar. Sinalubong agad kami ni Nadz at James. Hindi mawala ang ngiti sa labi nila. "Hi Charmaine! Ang maganda kong inaanak na mana sa Ninang niya." Bati ni Nadz. Bumeso ako sa kanilang dalawa.









Pumasok na kami sa loob. Sinalubong din kami ni DJ at Kath. "Halika na sa loob." Bulong sa akin ni Kath. Alam ko ng andun na si Alden kaya naman kinuha ko na mula sa kanila si Charmaine. Dumadagundong ang dibdib ko at para akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. Nagawa kong pumasok sa loob ng bahay at nakita ko siyang nakatalikod.









"Alden..." Tawag ko sa kanya. Dahan dahan siyang lumingon at kitang kita ko ang biglang pagkislap ng mata niya. "Si.... si Charmaine.... ang anak mo." Parang may nakabara sa lalamunan ko. Unti unti siyang lumakad palapit sa amin. At kahit malayo pa lang siya ay kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Nanlalambot din ako at naramdaman ko ang paghawak ni Kath at Nadz sa likod ko. Feeling ko kasi ay mahihimatay ako sa sobrang kaba ko.









Nang makalapit na siya sa amin ay kusa ko ng inabot sa kanya si Charmaine. At napatalikod ako ng makita ko kung paanong tumulo ang luha sa mga mata niya kasabay ng pagyakap niya sa anak niya.












Alden's POV









Hawak ko na siya. Hawak ko na ang anak ko. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak lalo na nung nakita ko siya. Dalawang taon. Dalawang taon akong nangulila sa kanilang mag ina. Yakap yakap ko ang anak ko. "Charmaine. Hi. I'm your Daddy." Nakangiti pero umiiyak na sambit ko. Nakatingin lang siya sa akin. Masyado pa siyang baby at hindi pa naiintindihan ang nangyayari. Mas lalo akong naiyak nung bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Kasabay ng pagngiti niya.









Ramdam na ramdam ko yung lukso ng dugo. At alam kong akin ang batang ito. Napakagago ko lang dahil masyado akong kinain ng selos ko ng mga panahon na yun kaya ako iniwan ng Mommy niya. Kuhang kuha niya ang lahat sa akin. Magmula sa mata, sa ilong at sa labi. Ang hugis ng mukha niya ay nakuha niya sa Mommy niya. This is mu daughter. Siya ang bunga ng pagmamahalan namin ni Maine.









"Dada..." Napangiti ako sa narinig ko. Bading na bading ang dating ko ngayon kasi iyak ako ng iyak. Pero hindi ako nahihiya. Sobrang saya ko lang dahil nakilala na ako ng anak ko. Niyakap ko siyang muli. Nakita ko din si Maine na biglang lumabas. Hindi ko man nakikita, pero alam kong naiyak siya. Maging sila Kath at Nadz din ay naiyak. Sila DJ at James naman ay nakatingin lang. Pero alam kong natouch sila sa nakita nila.









"Oh tama na nga yang drama! Dapat masaya tayo ngayon e!" Malakas na sabi ni Kath. Obviously, she's just trying to lighten up the mood. Hawak ko pa din ang anak ko. Nang medyo nahimasmasan na kami sa nangyari ay nagsimula ng magkwentuhan ang lahat. "Grabe. Kamukhang kamukha mo siya." Saad ni Kath. Ngumiti naman ako.









"Alden, akin na muna si Charmaine. Tawagin mo na muna si Maine." Bulong ni Nadz. Tumango ako at inabot sa kanya si Charmaine. Tsaka ako lumabas para hanapin ang Mommy niya. Nakita ko siya na nasa harapan ng gate at malayo ang tingin.









"You're smoking? Kailan pa?" Tanong ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanya. Sabay tapon ng sigarilyong hawak niya.








"Only when necessary. Pasok na ako sa loob. Baka hinahanap na ako ng anak ko." Hindi man lang niya ako tinignan. Dumaan siya sa harapan ko pero bago pa man siya makalagpas ay niyakap ko agad siya sa may bewang.








"Come back to me. Please? Hayaan mo kong bumawi sa inyo ng anak natin. Nakikiusap ako sayo, Maine. Hayaan mo kong iparamdam sayo na nagsisisi na talaga ako. Bigyan mo ko ng pagkakataon na makasama kayo ng anak ko. Nakikiusap ako sayo, Babe." Bulong ko sa kanya. Habang nakayakap sa bewang niya.




****
A/N: Babies! Natutuwa ako sa inyo. Comment pa kayo dali. Pag magustuhan ko yung comments niyo, mag uupdate ako ng isa pa. Game? Thank you! 😘

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon