Twenty Five

2.5K 105 3
                                    

Maine's POV








Natapos ang mahabang araw. Ang dami na din namin nagawa ni Bianca. Yun nga lang. Aalis daw muna siya sandali dahil kailangan niyang umuwi. Nangako naman siya na babalik kinabukasan. Inis na inis nga siya dahil nasira ang plano namin para bukas. Naiwan na naman ako mag isa sa bahay.






Naiinip na ako. Gusto ko ng bumalik sa trabaho. Kaya lang baka hindi naman ako payagan ni Alden. Dahil sa wala akong magawa ay nagpasya ako na daanan ang dalawang bruha dun sa bar. Sandali lang naman ako. Mabilis akong nag ayos ng sarili ko at tinext ko na lang si Alden na dadaan ako sandali sa bar.






Tinignan ko ang wallet ko. Ilang linggo na ang pera ko dito. Hindi ko nagagalaw dahil wala naman akong kailangan bilhin. Lahat ay sagot ni Alden. Sinigurado ko na maayos kong nailock ang condo ni Alden at tsaka bumaba para pumara ng jeep. 5:30 pa lang.






Pero sigurado ako na nandun na yung dalawang bruha. Agad akong nakarating sa bar. Nakakapagtaka naman dahil ang aga yata nila magbukas ngayon. May iilang tao na ang nandoon at maagang nag iinom.







Binati ako ng guards at bouncers. Tsaka ako pumunta sa locker room. Balak kong gulatin yung dalawa e.









"Miss you!" Masayang bungad ko sa kanila at mabilis na lumapit para yakapin sila. Nagulat silang dalawa kaya hindi ko napigilan ang matawa.







"Bakit ka nandito?" Pagbibiro ni Kath matapos niya akong yakapin pabalik. Si Nadz din ay masayang niyakap ako. Namiss talaga nila ako e.







"Ganyan ba kayo mag welcome? Waitress pa din ako dito baka nakakalimutan niyo na. Namiss ko kasi kayo." Kwento ko sa kanila at tinulungan silang mag ayos.







"Naboring ka pa ng lagay na yun? Ang sarap nga ng buhay mo. Instant super hero ang stalker mo. Kayo na ba?" Usisa ni Nadz. Napailing na lang ako dahil hindi pa din sila nagbabago. Nalibang ako sa pakikipag usap sa kanila. Nadaanan ko din si Sir JC at masaya siyang makita ako. Nagtaka pa nga siya kasi bakit daw ako naligaw dun.






"Masaya ako kasi masaya ka, Maine. Alam ko na namimiss mo si Ingrid pero may tamang panahon ang lahat. Sa ngayon ay kailangan mo munang ayusin ang sarili mo." Gusto ko naman maiyak sa sinabing yun ni Kath. Niyakap ko silang dalawa. Ganyan ako ka swerte kasi sila ang mga kaibigan ko.






Napasarap ang kwentuhan naming magkakaibigam kaya hindi ko na namalayan ang oras. Nakakamiss din dito. Nagsabi na din ako kay Sir JC na babalik na ako. Ang sabi naman niya ay pwede akong mag report kung kailan ko gusto. Masaya naming pinagpatuloy ang kwentuhan namin.









Alden's POV







Nasa parking area na ako ng condo at excited akong umuwi. Medyo ginabi lang ako dahil na stuck ako sa meeting. Gusto ko na din makita si Maine at matikman ang luto niya. Nagpaalam din sa akin si Bianca na kailangan niyang umuwi dahil may aasikasuhin siya sa school nila bukas ng umaga. Babalik na lang daw siya ng hapon. Buti na nga lang at nabasa ko agad ang text niya dahil na lowbat ako. Nakalimutan ko yung charger ko.





Talagang magkasundong magkasundo na sila ni Maine. Hindi kasi talaga mahirap pakisamahan ang kapatid ko. Ganun din naman si Maine. Masaya akong naglakad sa hallway at binuksan ang pinto.








Ganun na lang ang gulat ko ng makita kong walang tao sa bahay. Patay ang ilaw. Agad akong kinabahan. Nasaan si Maine? Baka umalis na siya at iniwan ako.







Nagmamadali akong bumalik sa parking area. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Hindi naman siguro siya naligaw. Pero nasaan siya?! Gusto ko ng magwala dahil sa inis na nararamdaman ko. At dahil sa hindi ko siya makita. Hindi ko alam kung nasaan siya!






Wala akong battery kaya walang silbi ang phone ko. Pero isa lang ang lugar na alam kong pwede niyang puntahan. Sa bar.







Mabuti na lang at walang traffic. Kaya mabilis kong narating ang bar kung saan siya nagtatrabaho dati. At hindi nga ako nagkamali. Nandun nga siya. At may katabi?!







Nagdilim agad ang paningin ko lalo na nung makita kong hinahatak siya nung lalake. Mas lalo pa akong nainis dahil sa suot niya! Naka dress siya. Hindi naman masyadong maiksi pero ayoko pa din!








"Get your hands off her. Or you'll regret touching her." Maawtoridad na utos ko sa lalaking nahatak sa kanya. At ganun na lang ang gulat sa mukha niya ng makita ako sa harapan niya. Galit ako! Yun lang ang alam ko.






"Alden..." Bulong niya pa pero hindi ko pa muna siya pinansin. Nakita ko na napangisi yung lalakeng nahatak sa kanya at tsaka tumayo sa harapan ko at halata naman sa kanya na hinahamon niya ako.







"At sino ka sa akala mo para sundin ko?" Mayabang na sagot niya sa akin. Umangat ang kamay niya para suntukin ako pero mabilis akong nakailag tsaka ko siya binigyan ng isa.








Nakuha na namin ang atensyon ng mga tao. Sinusubukan niya talaga ako. Dahil sa galit na galit ako sa kanya ay para akong si Incredible Hulk na walang pakialam kung sino ang matamaan o madamay. Basta galit ako at gusto kong magwala.






"Alden! Please. Tama na!" Rinig na rinig ko ang boses na yun ni Maine at parang naiyak siya! Para naman akong bumalik sa katinuan nung nakita ko siyang naiyak at tumakbo para yakapin ako.







"Tama na. Tama na please? Umuwi na tayo." Pagsusumamo niya. Hindi pa din nawawala ang inis ko pero sapat na ang yakap niya para kumalma ako.









"Dude." Biglang lumabas si JC kasunod ang mga bouncer niya na kanina pa kami inaawat pero wala din silang nagawa lalo na nung nagwawala ako. Duguan ang lalaking ginulpi ko at hindi na makatayo.








"Sorry dude. Nagkagulo pa. Pasensya na." Hinging pasensya ko sa kanya. Nakakahiya din kasi dahil puro kaguluhan na lang ang dala ko dito.







"Don't be. Okay lang dude. Ako ng bahala dito. Nasaktan ka ba Maine?" Tinignan ko si Maine na nasa tabi ko. Nakayuko siya at umiling. Nagpaalam lang ako kay JC sabay hinatak ko na siya papunta sa kotse ko.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon