Eight

2.2K 114 3
                                    

Alden's POV






Nasa pinakasulok ako ng bar. Nag iisa ako. Oo na. Wag niyo na ako tawanan. Nandito ako mag isa. Basta gusto ko pumunta dito at trip kong mag inom. Sinadya ko talagang hindi magpakita sa kanya. Baka kasi umasim na naman ang mukha niya e.



At sa hindi kalayuan ay kitang kita ko kung paano siyang tignan ng matandang manyakis na yun. Kulang na lang ay isang bulate at bibigay na siya. May parte ng pagkatao ko ang nainis sa nasaksihan kong yun.



Madaming tao. Nakakapagtaka lang minsan kung paano nila nagagawa yun. Ako nga nasa opisina at nakaupo lang pakiramdam ko pagod na ako. Sila pa kayang umaga hanggang gabi ay nagtatrabaho na.



"Alone dude? Mukhang may problema ah? O may tinatanaw?" Biglang umupo sa tabi ko si JC at tinapik ako sa balikat. Natawa naman ako sinabi niyang yun.



"Oo dude. Napadaan lang ako. Just wanna grab some drinks." Sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya.



"Nakakapanibago lang at hindi ako sanay na ikaw lang. Nasaan ba si James?" Tanong niya. Kumuha pa siya ng pulutan ko.



"Baka nangwawasak na naman ng tahanan dude." Biro ko pa sa kanya.



"Haha! Knowing him. Ugali na niya talaga yun." Dugtong pa niya at sinang ayunan ko naman yun.



"Nakikita mo yung matandang yun?" Turo niya dun sa manyak na matanda na kanina pa sinusundan ng tingin si Maine.




"Lagi yan nandito lalo na pag shift ni Maine. Malakas yan umorder. Lagi niyang inaalok si Maine na sumama sa kanya." Kwento ni JC. Hindi ko alam bakit niya yun sinasabi sa akin pero interesado akong malaman yun.




"Pumayag naman siya?" Curious na tanong ko. And a part of me is hoping that the answer is no. Shit! What is happening to me?




"Hindi. Napipilitan lang yan si Maine. Minsan nga ay ibang waitress ang pinapapunta ko sa table niya pero hindi siya naorder hanggat hindi si Maine ang magseserve sa kanya." Tatawa tawang kwento pa niya. Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko.




"I see." Safe na sagot. Baka kasi mabigyan ng ibang kahulugan. E wala naman talagang ibig sabihin.




"Mabait yan si Maine dude. Pero pasensya pa din sa nagawa niya sayo." Hinging paumanhin niya at ngumiti naman ako. Kaya siguro hindi naalis sa kanya ang mga staff niya. Dahil mabait siya.




"Okay lang dude. Wala na yun." Tugon ko sa kanya. Matapos ang konting kwentuhan ay nagpaalam na din siya. Naiwan na naman ako mag isa at nakatingin lang kay Maine na kanina pa aligaga. Si tanda naman ay hindi pa din siya nilulubayan ng tingin. At sa nakikita ko, hindi siya titigilan nito.








Maine's POV





Natataranta na nga ako sa dami ng ginagawa ko, ayaw pang tumigil nito ni thunder na ipatawag ako. (THUNDER means Tanda. Haha!)  Nakakainis na.




"Ako na nga ang bahala dyan kay Thunder. Baka masapak mo na yan sa sobrang asar mo e." Biro ni Kath. Kung bakit ba naman kasi hindi niya maintindihan na ayoko ngang sumama sa kanya. Kadiri kasi.




"Wag na. Ako na. Baka pabalikin ka lang nyan. Bibilisan ko na lang." Kinuha ko ang order ni Thunder kay Nadz at hinatid yun sa kanya. Tulad ng dati, malagkit pa din ang tingin niya sa akin.



"Sumama ka na kasi sa akin. Lahat ng gusto mo ibibigay ko." Nakangisi pa siya. Mapakla akong ngumiti sa kanya kahit sa totoo lang gusto ko ng isaklob sa ulo niya yung order niya.




Bumalik ako sa area ko. Lumipas ang oras at matatapos na pala ang shift namin. Nauna na din umuwi si Kath at Nadz. Hindi naman kasi nila kailangan mag OT dahil wala silang iniisip na kasing bigat ng sa akin.




Nagbihis na ako sa locker room at lumabas na. Nagpaalam ako kay Manong Jimmy. Yung guard namin. Siya ang pinaka huling nauwi dahil magrounds pa siya sa loob ng bar mamaya. Baka kasi may lasing na nakatulog e.




"Ano? Sasama ka na ba sa akin?" Napapitlag ako ng makita ko si Mr. Del Mundo na nakangisi sa harapan ko. Akala ko umalis na siya. Bakit nandito pa tong Thunder na to.




"Sir. Hindi po. Sana ho malinaw. Uuwi na ho ako." Nagmamadali akong lumakad palayo sa kanya. Wala ng masyadong tao at hindi ko maiwasan ang kabahan. Baka kung anong gawin sa akin ng matandang to.




"Ang arte mo naman Hija. Maswerte ka nga at inaalok kita. Nasa akin na ang lahat. Mamimili ka na lang." Nakasunod pa din siya sa akin. Binilisan ko ang lakad ko.



"Wala ka ng masasakyan dyan. Ihahatid na lang kita." Nasa likuran ko na pala siya. Tindi naman maglakad ng matandang to.




"Hindi na ho." Kinakalma ko ang sarili ko pero sa totoo lang kabang kaba na ako. Natatakot ako sa kanya.




"Wag ka ng maarte! Aba'y pagod na ako kakahabol sa iyo!" Nagtaas na siya ng boses kasabay ng pagtaas ng kamay niya at akmang sasampalin ako. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.




"Babe. Kanina ka pa ba lumabas? Sabi ko naman sayo ay hintayin mo ako." Nagulat ako ng biglang may magsalita sa tabi ko. At kung hindi ako nagkakamali. Siya yung lalakeng nanghalik sa akin ng dalawang beses. Bakit din siya nandito?




"Sabi ko naman sayo hintayin mo ako." Inakbayan niya ako at nanlamig naman ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil unang una, hindi ko naman siya kilala talaga.




"Ay. Lolo? Gabi na ho. Bakit pa ho kayo nandito? Hindi ho ba kayo hinahanap ng mga apo niyo? Naku 'Lo. Masama ho sa inyo ang mahamugan lalo na ang magpuyat lalo na sa edad niyo." Kahit naman naguguluhan ako sa pangyayari ay hindi nakaligtas sa akin ang pang aasar na yun ng katabi ko. Nagtagis ang bagang ni Thunder sa narinig niya.



"Sino ka para makialam sa usapan namin?" Galit na tanong niya sa estrangherong katabi ko. Ako man ay hindi makasagot.

.

"Boyfriend ho niya ako. Sinusundo ko lang ang girlfriend ko. Natatakot ho kasi ako na mabastos siya. Nung nakaraan lang ho kasi ay nabastos na siya e. Ayun, naghihimas pa din ng rehas hanggang ngayon yung nambastos sa kanya. Sige ho 'Lolo. Mauna na kami sa inyo. Let's go, Babe?" Tanong niya pa sa akin sabay hawak sa kamay ko. Hindi ko na nagawang sumagot at sumabay na lang sa kanya na lumakad palayo kay Thunder.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon