Fifty Two

2.3K 102 10
                                    

Alden's POV








"Babe." Patakbo akong lumapit sa kanya at agad siyang niyakap. Nandito siya sa bahay. Hindi siya umalis. Ang higpit higpit ng yakap ko sa kanya. "Babe. Bakit? Bakit ka umalis bigla? May nagawa ba akong mali sayo? Kung ano man yun, sorry na. Hindi ko sinasadya." Naiiyak na naman ako habang nakayakap sa kanya.







"Aalis sana ako. Pero naisip ko bigla, napaka unfair ko naman kung gagawin ko yun. Oo, iiwan na sana kita. But I can't. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Hindi lang dahil sa buntis na ako. Kung di dahil hindi ko alam kung paano sisimulan ulit ang buhay ng wala ka sa tabi ko. I'm sorry, Babe. Hindi ko na uulitin. Sorry kung pinaiyak kita. I'm sorry." Siya naman ang umiiyak habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.








"No, no, no. Don't blame yourself Babe. Hindi ako galit sayo. Bakit naman ako magagalit sa babaeng pinakamamahal ko? Natatakot akong mawala ka saken. Kayo ng baby natin. At tatandaan mo na kahit saang parte ka pa ng mundo pumunta, hinding hindi ako mapapagod na sundan ka." Masuyong tugon ko sa kanya. Kahit na natulo ang luha niya ay napangiti siya sa sinabi kong yun.








"Ilang oras lang kita hindi nakasama pero miss na miss na agad kita." Pinunasan niya ang luha ko. Ngumiti na din ako. Wala ng dahilan para malungkot ako. Kasi hindi naman siya umalis sa tabi ko. Nandito pa din siya sa akin.








"Louise. Si Louise ang may pakana ng lahat ng to. Sinabi na sa amin ni Maine ang lahat. Tinakot siya ni Louise at sinabi na pababagsakin ang kompanya natin pag hindi ka niya iniwan. Buti na lang at naisipan ni Maine na dito pumunta." Sumabat si Daddy kaya napatingin ako sa kanya. At parang kumulo na naman ang dugo ko sa sinabi niyang yun. Si Louise na naman.








"Dito ka lang Babe. Aayusin ko to. At wag mo na kong pigilan ngayon." Hinalikan ko siya sa noo. Ganun din ang ginawa ko kay Mommy at Daddy.







"Alden. Mag iingat ka." Pahabol na tugon ni Maine at ngumiti naman ako sa kanya. Nagmamadali akong pinuntahan ang bahay ng abnormal na babaeng yun. Bahala na kung anong kahahantungan ng lahat. Basta kailangan ko lang masigurado na mawawala na siya sa landas namin ni Maine.








"Louise!!" Sunod sunod ang pagkatok ko sa pintuan niya. Kulang na lang ay masira. Pagbukas niya ng pintuan ay nakita ko ang nakakalokong ngiti niya sa akin. Sapakin ko kaya to ng isa para matauhan.








"Anong ginawa mo?! Tinakot mo ba si Maine?! Ang kapal ng mukha mo!" Galit na galit na bulyaw ko sa kanya. Pero hindi niya ininda yun. Naglakad siya papasok sa loob ng bahay niya at kumuha ng alak.








"Bakit? Natakot ba siya? Iniwan ka na ba niya?" Nakakaloko ang ngiti niya sa akin. Sinusundan ko lang siya ng tingin. "Napakadali naman palang takutin ng girlfriend mo. Akala ko pa naman palaban siya. O nasaan ang tapang niya ngayon?" Pang aasar niya pa sa akin.








"Actually, hindi niya ako iniwan. Bumalik siya sa akin." Deretso ang tingin ko sa kanya. Biglang nagbago ang itsura niya. "Anong akala mo? Matatakot mo ang girlfriend ko ng ganun ganun lang? Nagkakamali ka. Hindi niya ako iniwan. Dahil hindi siya kasing duwag mo! Ikaw ang duwag sa inyong dalawa Louise! Dahil pilit mong tinatago ang tunay mong kulay! Kunwari matapang ka. Why? Because you have everything! Pero sa totoo lang duwag ka! Hindi ka marunong lumaban ng patas! Hindi mo matanggap na hindi kita gusto! At kahit ilang beses mong palayuin si Maine sa akin, hinding hindi pa din ako mapupunta sayo! I'd rather die than to experience living in a hell with you!" Pasigaw na tugon ko sa kanya.







Para siyang tinakasan ng kulay. "So please Louise! Kung may kaunting respeto ka pa sa sarili mo. Just leave. Dahil hindi kita magugustuhan. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo. I'm sorry." Bumaba na ang boses ko. At siya naman ay biglang tumulo ang luha sa mga mata.








"Alden...."









"Louise. Nakikiusap ako sayo. Tigilan mo na kami ni Maine. Maawa ka naman sa magiging anak ko. Wag kang maging madamot. Please." Nakikiusap ako sa kanya.








"Tell her... I'm sorry. I'm sorry." Napatingin ako sa kanya dahil biglang nagbago ang itsura niya. Lumambot. At tunay na luha ang nalabas sa mga mata niya. Halata naman kasi sa isang tao kung nagpapanggap lang. "Sorry! Sorry Alden. Hindi ko sinasadya. Sorry." Umiiyak pa din siya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat.









"Makakahanap ka din ng lalakeng tunay na magmamahal sayo. Pasensya ka na. Hindi ako yun. I'm sorry Louise. And I'm hoping that you'll find that guy soon. Para maging masaya ka na din." Mababa na ang tono ng pananalita ko








"Sana. Sana nga. Go, ayusin niyo na ni Maine ang kabaliwang ginawa ko. I'm sorry. I should've done that. Naging selfish ako. Naiinggit kasi ako sa kanya. May pagkabaliw ako Alden. Pero siguro nga tama ka. Duwag ako. Kailangan ko pa palang marinig mula sayo yung mga salitang yun para magising ako. Sana maging masaya ang pagsasama niyong dalawa. Sige na. Umuwi ka na." Ngumiti na siya sa akin. Tumango lang ako sa kanya at naglakad na palabas ng bahay niya.









I know her. Naging magkaibigan din naman kami. Pero ang Louise na kilala ko ay malambot ang puso. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kung bakit siya naging ganun.









"Alden. Mag iingat ka." Kumaway pa siya sa akin. Para akong nabunutan ng tinik. Sana nga ay magtuloy tuloy na. Hindi ko na yata kakayanin sa susunod na mawala si Maine sa tabi ko. At hindi ko din naman inaasahan na mqgiging ganito ang kahahantungan ng usapan namin ni Louise. Akala ko ay magwawala siya.








Nagdrive ako pauwi sa bahay kung saan naghihintay ang mag ina ko. Wait for me Babe. Tinanggap na ni Louise ang katotohanan. Kaya sana wala na tayong maging problema pa tungkol sa kanya. I smiled. Nagpasalamat din ako sa Panginoon dahil hindi naging mahirap ang lahat. Masyadong mahaba ang araw na to para sa amin.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon