Three

2.3K 121 0
                                    

Alden's POV






"Hoy yung laway mo Alden. Para kang tanga! Kilala mo ba yung waitress na yun? Close ba kayo? Bakit ang lagkit ng tingin mo sa kanya?" Napabalik ako sa ulirat ng biglang nagsalita si James. May katabi na siyang dalawang babae na busy sa paghawak sa buong parte ng katawan niya. Ganun din si DJ. Assholes.




"Hindi. Napatingin lang ako. Wag mo nga akong pakialaman at ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo." Pagsusungit ko sa kanya at tinawanan lang ako ng gago.




"Naku mukhang na love at first sight ang tropa natin. Yuck!" May halong panunuya na sabi ni DJ.




"What?! Love? Tss. Mandiri nga kayo! Wala sa isip ko yang love na yan." Nakangising sagot ko sa kanila at tsaka nagsalin ng alak sa baso ko. Pero hindi pa din mawala sa isip ko yung waitress na yun. Damn! Ano ba tong nangyayari sa akin?



Lumipas ang gabi. Madami ng nainom yung dalawa at alam kong may tama na sila. Ganun din ako pero kaya ko pa. Pag kasama ko kasi sila ay lagi akong nag aalalay sa pag inom. Para kasing wala ng bukas kung mag alak ang dalawang kaibigan ko.



"Sir. May kailangan pa daw po ba kayo? Pinapatanong po ni Sir JC." Napanganga na naman ako ng makita ko yung waitress. Ang ganda ng legs niya. Ang puti. Ang sarap hawakan. Pero napadako ang tingin ko sa mga labi niya. Parang ang sarap halikan.




"Wala na. Etong kaibigan yata namin mayroon." Asar ni James sa akin at tsaka hinalikan muli ang katabi niyang babae. Yung isa naman ay pinalayas niya na siguro. Haha!




"Meron akong kailangan." Tumayo pa ako at tsaka lumapit sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Like a virgin? Tss.



"A-ano po?" Now she's stammering. Ang cute niya lang. Lumapit ako sa kanya at mas lalo akong namangha ng makita ko siya ng malapitan. Ngumisi ako ng nakakaloko sabay kinagat ko pa ang labi ko.




"Ikaw." Matamis ang ngiting sabi ko sa kanya. At tsaka ko siya biglang hinalikan.






BOOG!





Nayanig yata ang mukha ko sa lakas ng pagkakasapak niya sa akin! Parang nawala ang tama ko dun ah! Nakita ko na napatigil si DJ at James sa ginagawa nila sa mga babaeng katabi nila ng marinig nila yun. Buti na lang at hindi yun nakita ng iba dahil busy sila sa pagsayaw.





"What the?!" Inis kong tanong sa kanya. Habang hawak ko ang pisngi ko na tumabingi yata sa sapak niya. Ang payat payat niya pero ang lakas niya manapak!




"Unang una, hindi ako prostitute dito na pwede mong hawak hawakan o halikan pag gusto mo. Waitress po ako dito." May diin ang pagkakasabi niyang yun. Napalingon ako sa dalawang kaibigan ko na halatang nagpipigil lang ng tawa.




"You work here. I am a customer. Kaya gagawin ko lahat ng gusto ko." Pigil ang inis na sagot ko sa kanya. "So please don't play hard to get love. Alam ko naman na gusto mo din." Nilapitan ko siya ulit pero bago ko pa man siya mahawakan ay nasapak na naman ako ng isa!



"Hindi ako pokpok. At kung gusto mo pang madagdagan yang sapak ko sa mukha mo e madali naman akong kausap Sir. Isang beses pang  hawakan mo ko. Kahit maalis ako sa trabaho ko, okay lang. Basta makasapak lang ako sayo." Matalim ang tingin niya  sa akin. Yung tingin na parang sasaksakin ako.




"What is happening?" Biglang lumitaw si JC. Nakita niya na hawak ko ang panga ko. Putsa naman ang sakit! Magkabilang pisngi ko yung nasapak.




"To my office. Now." Maawtoridad na utos ni JC at tumango naman yung waitress. Hindi man lang nag sorry sa akin.




"Sorry for that dude. Hayaan mo ako na ang bahala sa kanya." Tinapik niya ako sa balikat. Tumango na lang ako.




"Woah! Ano dude? Sarap ba masapak? Hahaha!" Asar sa akin ni DJ. Si James naman ay halos hindi na din makapagsalita sa kakatawa.




"Shut the fuck up!" Iritableng sagot ko sa kanila at tsaka lumagok ng alak para ma relax ako. Humanda ka sa akin babae ka. I'll make sure that you will beg for me just to have sex with you. Makukuha din kita. Keep that in mind.








Maine's POV






"Now, tell me what exactly happened. Ano yun Maine? Kasama yun ng kaibigan ko. Bakit mo ginanun?" Malumanay pa din ang boses ng Boss ko kahit galit na siya. Nakayuko lang ako sa kanya.




"Sir kasi. Hinalikan niya ako. Binastos niya ako." Nagpipigil ako ng iyak. Kung may isang bagay akong hindi pinagsisisihan at yun ay yung pagsapak ko sa kanya. Buti nga sayo gago!




"Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong pa ulit ni Sir JC. Gusto niya talagang mang galing sa akin ang sagot. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Bahala na. Kailangan kong sabihin ang totoo kasi baka malintikan ako lalo pag dun pa sa pervert na yun siya nagtanong. Baka dagdagan niya pa yung nangyari.




"Sinapak ko po siya. Dalawang beses." Sagot ko sa kanya at tinignan ko pa si Sir. Kitang kita ko pa nga na napaawang ang labi niya sa pagkagulat. Hindi niya siguro inaasahan na ganun ang gagawin ko.




"What?! Tama ba yung narinig ko? Sinapak mo?" Pangungumpirma pa niya. Tumango na lang ako at pinanindigan ko talaga ang ginawa ko.




"Opo. Sir, pasensya ka na pero pinagtanggol ko lang naman po ang sarili ko. Masyado po siyang bastos para halikan ako ng ganun  ganun na lang. Waitress po ako dito." Nagsimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko kasi ay ang dumi dumi ko.



Ang galing ko mangatuwiran no? Pero kay Nanay Connie hindi ko magawa yun. Kahit dito man lang maipagtanggol ko ang sarili ko. Kasi maloloka na ako pag hinayaan ko pa ang ibang tao na tapak tapakan ako.




"Sige na. Ayoko na lang sana na maulit ang nangyari. Umuwi ka na muna para makapag pahinga." Tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanya. Mabait talaga si Sir JC. Isa  yun sa pinagpapasalamat ko.

She's Mine (MaiDen) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon