19

1.2K 12 0
                                    

Nakauwi na kami ni Russel sa bahay niya. Maagang nagpahinga si Russel dahil may trabaho pa daw sya ng sobrang Aga bukas, mabuti na yun, at least pag wala na sya dun ako aalis. Para hindi na rin ako mahirapang iwan sya. Hindi ko ata sya makakayanang iwan pag nakita kong umiiyak sya. Lumabas ako sandali ng kwarto at nakausap ang kapatid nyang si Rea.

"oh Rea, bakit gising ka pa, anong oras na oh." sabi ko sakanya. 

"hinintay ko po talaga kayo ni Kuya gusto sana kita kausapin" sabi nya, parang ang seryoso ng tono nya.

"sure, ano ba yun" sabi ko sakanya, nakatayo kami sa tapat ng kwarto nya kung saan ko sya nakasalubong.

"Hi Ate Lex, thank you kasi pinasaya mo si kuya ha, sa nakita ko ngayong araw talagang love ka nya, kasi ngayon ko lang sya nakita na ganyan kasaya, simula ng magkaisip ako parang lagi lang syang tahimik, oo nakangiti sya, pero yung ngiti nya kanina habang kasama ka, ngayon ko lang nakita, wala pang ibang naging Girlfriend yan si kuya, ikaw ang una, dati nga lagi syang sineset up ni mama sa dates, pero ni isa wala syang nagustuhan. Sabi nya ang gusto nya, yung una, yun ang huli, kaya pag iniwan mo si kuya, baka tumanda na yang binata, kaya wag mo syang sasaktan Ate Lex, kasi nakita ko lang yang umiiyak nung dinala ka niya dito, umiiyak sya nun kasi hindi ka daw nya na protektahan, mahal na mahal ka ni kuya, kaya please, wag na wag mo syang sasaktan..." sabi nya, hindi na ako nakapagsalita dahil pumasok sya agad sa kuwarto nya.  Pero nagulat ako kasi para anim na taong gulang na bata, paano nya nasabi ang mga yun...

Pero talagang tumagos sa puso at utak ko ang mga sinabi nya.. Grabe.. Na-konsensiya ako sa sinabi nya na wag kong iwan at sasaktan ang kuya nya, pero mas hindi ko naman kaya kung may mangyari sakanya. Ayoko syang madamay. Nakatulala ako dito sa pool at nakatubog ang paa ko nang biglang tumawag si Vince.

"Lex, alam ko kung nasaan at sino ang kasama mo ngayon, alam mo rin ang mangyayari pag hindi ka tumupad sa usapan natin." cold at nakakatakot ang boses ni Vince. Lahat ng pagmamahal nya sakin at tila nawawala, bakit ba gusto at kailangan nya akong pakasalan, eh may babae naman sya, bakit hindi nalang yun ang pakasalan nya, bakit kailangang ako pa..

"Tutupad ako sa usapan natin Vince, bukas 8AM sa baba ng condo mo..." malungkot kong sabi. Napatingin ako sa suot kong bracelet...

"Aww, bakit ka malungkot Lexciana? Nalulungkot ka ba dahil hindi mo na makikita ang pinakamamahal mong  si Russel Garcia?" lumaki ang mata ko...

"Babe, natahimik ka ata, wag ka mag alala hindi ko sya gagalawin basta tumupad ka sa usapan" sabi nya.  Gigil na Gigil na ako sa hinayupak na to! Ang sarap pasabugan ng Goodbye Philippines!

"tutupad nga ako sa usapan, tumupad ka din sa usapan Vince. Matutulog na ako Bye!" pagsigaw kong sagot sakanya, agad kong ibinaba ang Phone at hinagis ko sa tubig para di nya na ako matawagan ulit.

Napaiyak nalang ako sa sobrang galit ko sakanya. Umakyat ako sa kwarto ni Russel at hinawakan ang pisngi nya, hinalikan ko sya sa noo, sa lips.  Tumulo ang luha sa pisngi ko.. Mahal na mahal ko si Russel, hindi man ganun katagal ang pagsasama namin, ganun man kabilis ang pagkakakilala namin, ganun din naman kalalim ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Naupo ako sa may study table ni Russel at nagsulat ng Letter para sakanya.. Hindi ko kinakaya, tahimik na natutulog si Russel habang ako ay hindi matahi-tahimik dahil sa aking paghagulgol. Basang basa na ng luha ang papel na sinusulatan ko.. Inilagay ko ito sa bag nya, para makita nya habang nasa trabaho na sya... Pagkatapos ko magsulat ay nahiga na ako sa tabi ni Russel at natulog, niyakap ko sya ng mahigpit, naramdaman kong niyakap nya din ako pabalik, narinig ko pa syang magsalita, Wag ka nang umiyak Lex, hindi kana masasaktan ni Vince Okay? Hangga't nandito ka sa tabi ko, hinding hindi ka nya masasaktan.. Napatingin ako nang marinig ko syang sabihin yon, nakapikit lang sya at nakayakap sa akin. I'm really sorry Russel... I'm so sorry..

[PLAY FALL BY JANINE TEÑOSO WHILE READING THIS PART] 

Pumasok na sa trabaho si Russel, nag text sya sa akin na di sya magtatagal sa trabaho may pinirmahan lang sya at uuwi na din. Naiiyak ako dahil hindi ko gustong iwan sya at piliin si Vince, hindi ko mahal si Vince, si Russel ang mahal ko... Pero masakit man sa loob ko, umalis ako ng bahay ni Russel at sumakay na sa taxi papuntang condo ni Vince. Gagawin ko na talaga to, ang pinakamalaking pagkakamali na pwedeng magawa ng isang tao, ang magpakasal sa taong hindi nya mahal..

"Vince, nandito na ako, tumupad ka sa usapan natin wag mong gagalawin si Russel!" sigaw ko sakanya. Ngumiti sya saakin at niyakap ako, tuwang tuwa sya na makita ako ulit. Pero ako suklam na suklam ako sakanya.

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon