6

1.6K 23 0
                                    

"san tayo unang pupunta?"  tanong ko sakanya. 

"Alimatha Island! An island where we can dive and see the aquarium-like snorkeling." sabi nya sa akin.

"woah, really, excited na ako!" sabi ko naman sakanya.

Na excite ako talaga! Parang masaya, first time kong mag diving!

Dumating na kami sa Alimatha Island.  Bumaba kami ng motorboat. Na amaze ako sa napakandang Island na to, I didn't know that Maldives has this much to offer.

"ang ganda." yun lang ang nasabi ko.

Wala talaga akong  maipintas sa islang to, napaka ganda, alagang alaga nila Tong dagat dito, ang lusog ng tubig, sige nga pano masasabing malusog ang isang tubig, syempre pag walang dumi at malinaw ito!  Napakatalino ko talaga.

"I know, Tara na?" inaalalayan nya ako pababa ng motorboat.

Nag gear up na kami pang scuba diving at nang handa na kaming tumubog, sumakay kami sa isang bangka para dalhin kami sa mas malalim at magandang part ng dagat.

"are you ready to jump, ma'am and sir? Be careful okay? I'll be following you underwater so I can make sure that you're safe." sabi nung lalaking kasama namin, sya yung nagsasagwan kanina.

"ready kana?" nakangiting sabi saakin ni Russel.

Tumango lang ako bilang sagot. Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan yung kamay ko, dala nya din yung underwater Camera nya.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay nya nung tuluyan na kaming tumubog..

Ang ganda ganda sa ilalim ng dagat, ang daming ibat ibang uri ng isda, talagang pinalad ang isla na to, ang ganda.

Nag video at nag picture kami ni Russel sa ilalim ng tubig. Magkahawak lang ang kamay namin habang nasa ilalim kami. 

Ang sarap sa pakiramdam ng may kahawak ka, yung may nakakasama kang mag Adventure.

Langoy kami ng Langoy at sabay namin na nakikita kung gaano ka ganda ang mundong ito. 

Maya maya ay umahon na din kami, bumalik na kami sa bangka. 

"grabeng ganda sa baba no." nakangiti kong sabi. 

"oo nga eh, ang ganda." sabi nya habang direktang nakatingin sa mga mata ko. 

"tsaka yung mga isda kakaiba no? Ang ganda talaga." sabi ko naman para maalis sana yung  tingin nya. 

"tsaka yang mga ngiti na yan, ang ganda talaga...nung mga isda, ang ganda ngumiti ng mga isda" sabi nya sabay tingin sa mga isda sa dagat.

"Russel thank you for taking me here ah, ang ganda talaga dito, ang saya ko." hinawakan ko ang kamay nya at napangiti naman sya.

"Oo naman, dadalhin pa kita sa mga magagandang lugar dito" sabi nya habang nakangiti.

"maiba ko, bakit parang alam na alam mo Tong lugar na to?" sabi ko sakanya.

Hindi pa kasi nya nasasabi sakin bakit sya nandito eh, tsaka parang kilalang kilala nya Tong lugar na to.

"galing dito si mommy para sa honeymoon nila nung asawa niya, kasi kaka Anniversary lang nila, pero hindi sila natuloy kaya ako nalang, alam ko Tong lugar na to kasi Dream destination ko to, ni research kong maigi Tong lugar na to, at third time Ko na din dito, dito kasi ako lagi nag bi birthday" pagpapaliwanag nya sa akin.

Dream destination nya to? Ako din.. Grabeng parehas pala kami talaga ng lalaking to, siguro meant to be kami hihihi ang landi ko no, sinusulit ko lang, paguwi ko sa Pilipinas, Mrs na ako Hahaha! La landi muna ako dito sa Maldives.
Matagal ko nang pinangarap na mapuntahan Tong lugar na to pero masyadong pricey at ito ang unang international Adventure ko.  Buti nalang sa unang Adventure ko abroad, isang kagaya ni Russel ang nakilala at nakasama ko.

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon