4

1.9K 26 0
                                    

"So bakit ka pala magisa dito?"  sabi nya sa akin.

"well I'm here to see the world." matipid kong sagot sakanya habang nakaupo kami sa buhangin sa tabi ng dagat.

"Ano palang pangalan mo?" tinanong nya ako. 

"basta. Call me anything." sabi ko sakanya. 

"bakit naman." matipid nyang pagtatanong.

"I want to forget me for a while, I'm here to meet myself." natatawa kong sagot

"what kind of explanation is that?"  natatawa nyang sabi saakin.

Tawa lang ang isinagot ko sakanya.

"when is your birthday" tanong nya saakin.

Aba ang daming tanong nitong lalaking to ah. Dapat di ko na to kinakausap baka mamaya ipakidnap ako nito at gahasain kawawa ang puri ko kung ganon. Pero pwede rin naman na Game show ito at pwede akong manalo ng isang milyon diba? Birthday lang naman eh, sige na nga.

"January 29, I won't tell you the year." sabi ko sabay irap.

"I'm gonna call you 92-100." sabay smirk nya naman.

"Huh, bakit 92-100?" nagtataka kong tanong. Kung ano anong naiisip ng taong to ah.

"robot ba ako ha!" bulyaw ko sakanya.

"well, ayaw mo sabihin name mo, pero sinabi mo yung birthday mo, yun lang naman alam ko sa biodata mo, edi 92-100" pagpapaliwanag nya saakin.

"hindi ko padin gets yung logic mo." Ano naman kasing sinasabi nito. 

"ay, bobo much? 92 is your birth date, 01 is your birth month. 0 is your shape." natatawa nyang sabi.

"So sinasabi mong mataba ako???" hinampas ko sya ng malakas sa braso.

"joke lang Hahaha, San ka ba naka check in, Tara hatid na kita, mag uumaga na din oh."

Lumakad na kami papunta sa hotel Room ko, pakiramdam ko ang bigat ng ulo ko dahil sa vodka. 

May inabot sya sa aking tissue paper na may number nya kaya sinave ko agad yun.

"sige na, Goodnight Russel." sabi ko sakanya.

"goooooodnight 92-100" sabay ngiti nya at umalis na sya.

Pagpasok ko sa kwarto agad kong kinuha yung laptop ko at nag online.

Vince Marasigan is calling

"hey Vincey" sabi ko sakanya.

"kamusta ka jan Babe?" tanong nya agad sa akin.

"Okay naman ako, Vince. Ikaw, kamusta yung clients mo?" agad kong sagot sakanya. 

"talagang yung clients ko yung kinakamusta mo, alam mo minsan napapaisip ako kung mahal mo talaga ako." biglang nag iba ang timpla ng mukha nya. 

"oh, talaga? Ako ngayon lang ako napaisip kung mahal mo ba talaga ako, really Vince, hitting on your client? Sa mall pa?" sarcastic kong sabi sakanya. 

Agad naman syang namula at pinagpawisan sa sinabi ko. 

"what are you talking about Babe." patay malisya nyang sabi.

Uy, Wow best actor kunwari ba hindi nya alam na alam ko na na niloloko nya ko, aba aba aba.

"luh, don't be silly, I'm just kidding Ano ka ba, alam ko naman na hindi mo ako ipagpapalit diba hehehe sige pahinga nako, Goodnight Vince." at agad kong pinatay yung call.

Wala akong balak na hiwalayan si gago, hintayin nya nalang ako na magloko din ako!

*evil laugh*

Joke pag nagloko ako matatanggal ako sa trabaho! Hindi pwede yun, behave ako.

Binuksan ko yung Travel Blog ko at nag post ako about sa napakagandang beaches dito sa Maldives.

Maldives is a paradise. I could live here forever. The water is really clear during the day and it turns out to be glow in the dark water during night! Plus the good drink at the Bar By The Beach and the Traditional Fire Dance.  Sabi nila ang Maldives ay para sa mga couples, pero ako, nageenjoy ako ngayon dito magisa! Haha.

Nag out ako sa blog ko at agad na nagpahinga.

Wala akong magawa kaya lumabas ako sa balcony ng Room ko, ang maganda dito, yung balcony na sinasabi ko ay isang pool sa taas ng Building, lahat ng kwarto dito may balcony na kagaya nito, agad akong tumubog sa malamig na tubig habang nakatingin sa mga ilaw ilaw sa baba.

"psssssst!" napalingon ako sa sit sit na narinig ko. 

"92-100!" mahinang sigaw nung lalaki sa kabilang balcony.

"jan ka naka check in????" gulat kong sabi. 

"Oo bakit?" sabi nya habang nakatingin sa langit na puno ng magagandang bituin.

"sinusundan mo ba ako??" inis na sabi ko sakanya. 

"Uy Chill, hindi no, dito talaga ako." sabi nya sabay tawa. 

"eh American kaya yung naka check in jan! Nakita ko yung apelyido Staffordshire!" mayabang kong sabi sakanya. 

"Middle name ko yun, mama ko kasi naka check in dito last week, kaya sakanya nakapangalan"

"So hindi kasal ang mama at papa mo? Halfie ka pala? Kwento ka naman!" pangungulit ko sakanya.

"oh, ayoko nga, di naman tayo close eh." nag cross arms pa sya.

"arte mo! Bahala ka nga jan papasok nako!" tatayo na sana ako ng magsalita ulit sya.

"yung mama ko, narape. Ako yung bunga. Half American si mama.  May asawa sya nung nirape sya nung so called tatay ko.  Kaya iba yung apelyido ni mama sa apelyido kong Garcia, maiden name ni mama yun." pag kukwento nya.

"I'm sorry to hear that Russel" sabi ko sakanya. 

"abno, wag nga, Okay lang yun Hahaha, tsaka kaya nga ako nandito sa Maldives eh, para hanapin din yung sarili ko." sabi nya.

"sige na, papasok na ako. Goodnight Russel." pumasok na ako.

"goodnight 92-100" at pumasok na din sya sa kwarto nya. 

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon