11

1.4K 20 1
                                    

Sinalubong ko si Vince sa airport ng Maldives at isinama sya sa hotel na tinutuluyan ko. Hawak hawak ni Vince ang kamay ko at halatang masaya talaga syang makita ako.

Agad namang kumirot ang puso ko, hindi ko alam kung nako konsensiya ako, kasi may nangyari samin ni Russel kagabi...

Hindi naman siguro malalaman ni Vince yun, tama, hindi ko sasabihin.

............

"Babe, hindi na ako mag po propose ha, alam ko naman na papakasalan mo ako eh, suot mo nalang to. Tsaka pag uwi natin bukas, asikasuhin na natin yung kasal, i want our wedding one month from now." sabi nya sa akin.

Ay anong klaseng lalaki to wala manlang will you marry me? Pangarap ko pa naman yung bonggang engagement surprise tapos walang ganun.

Sinuot ko yung singsing na ibinigay nya saakin. 

"one month? Bakit ang bilis naman ata." sabi ko sakanya. Syempre sino ba namang hindi magugulat diba? Ikakasal ako ng ganun kabilis at wala manlang pagkapropose hays Tong lalaking to pinapaapaw dugo ko sa inis!!!!

Nagumpisa tuloy ako mag wonder pano kung maging  kami ni Papi Russel tapos....
OSHET! Tama na kalandian. Diba nakipagchurba ka na nga sakanya kagabi? Kalimutan mo naaaa.

Ayun nga, nag churba kami.

Paano ko sya makakalimutan kung sya yung nakauna saakin?

"hindi na kasi ako makapahhintay gusto na kita pakasalan" sagot ni Vince.

"Ahh, sige." matipid kong sagot.

Maghapon akong walang gana at hindi manlang umimik, ito naman si Vince kwento lang ng kwento. Kulang nalang pati paglalandian nila ng kliyente nya idakdak nya na saakin. 

Paano ko nga ba natitiis makasama to eh niloko ako nito, tsaka pano ko nasasabing mahal ko sya eh huling huli ting nakikipaghalikan sa iba..

Oh chill ateng! Ikaw nga nakipagchurba pa.

Oo na nakipag churba na ako sa ibang lalaki!

Kinakausap ko nanaman sarili ko ano ba yan!

"Babe, are you listening?" pag gising ni Vince sa diwa ko.

"ah! Yes babe, namiss lang kita." at ngumiti ako ng peke.

Hinalikan nya ako at naalala ko nanaman yung kagabi. Paano ko ba makakalimutan si Russel kung bawat halik saakin ni Vince, sya yung naaalala ko.

Naalala nya kaya ako?

Siguro nalilito kayo kung mahal ko si Vince o hindi no? Ako din naguguluhan eh. May Time kasi na di ko sya mahal. May Time din naman na mahal ko sya pero di aabot yung mahal na yun sa POINT na gusto ko syang pakasalan. Tsaka nako konsensiya kasi ako sa lahat ng magandang bagay na nagawa nya para saakin, sa kompanya nila ako nagtatrabaho,yung condo na tinitirhan ko sya din ang nag down payment, yung kotse ko regalo nya din. You know stuffs like that, love ba yung tawag dito o sympathy, tsaka teka bakit nya ba kasi binili sakin yung kotse eh niloloko nya naman ako siguro nga binigyan nya din ng kotse yung kliyente nya slash babae nya hay nako. Hindi ko manlang sya pinasyal dito sa Maldives dahil wala na akong gana. Pakiramdam ko nga ang huling araw ko dito ay kahapon pa bago umalis si Russel pauwing Pilipinas.
Hindi ko na talaga feel yung stay ko dito kaya natulog nalang ako, as expected katabi ko ang lalaking mahal ako,mahal ako pero may babae. Ang laki ng galit ko kay Vince dahil may babae sya samantalang ako nakipagchurba ako sa ibang lalaki kagabi lang, hihihi. Tsaka ano bang masama dun sa pakikipagchurba ko kay Russel eh mahal ko naman sya, di ko nga lang sya boyfriend slash Fiancé. Si Vince dapat ang bumutas sa Donut diba, dahil sakanya ako magpapakasal pero bakit na unahan pa sya ng lalaking hindi manlang alam ang pangalan ko.

Ang bilis kong nahulog kay Russel, ewan ko ba, naisuko ko tuloy ang bataan ng wala sa oras. Buong maghapon ginugulo ang isip ko ng Russel VS Vince, kung sinong mas karapat-dapat, mas matimbang, at mas Hot. Nagising ako ng mga ala sais ng gabi at niyaya na ako ni Vince na kumain na.  Bumaba kami at kumain sa resto.

"Babe, mag ready ka na ng gamit mamaya ha maaga flight natin bukas." sabi nya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot at kumain ulit.

Nakaakbay saakin si Vince habang naglalakad kami pabalik sa kwarto. Nilalaro nya yung buhok ko. Hindi ko sya kinikibo masyado. Iniisip ko kasi kung ano kaya kung sabihin ko kay Vince na di pa ako ready magpakasal? Pero baka matanggal ako sa trabaho syempre pag ma may ari nya yun at pag nalaman nya na di ko sya ganun ka mahal para pakasalan sya, sigurado sibak ako sa trabaho. Kung maghanap muna kaya ako ng bagong trabaho bago ako makipag split sakanya? Alam ko na! Aalis nalang ako at hinding hindi magpapakita sakanya kahit kailan hanggang makalimutan nya ako. Pero naisip ko na wala pa pala akong savings dahil ginastos ko pang Maldives. Ano ba yan, no choice ako kundi pakasalan Tong gungong na to na niloloko lang ako at gusto pa ako pakasalan ni tanga, di nya ata alam na alam kong ginagago nya ako. Naisip ko na, kunwari magagalit ako dahil niloko nya ko tas makikipagbreak ako, pero again, masisibak din ako sa trabaho! Ano bayan nakakainis naman sana dumating si Russel at itanan ako ngayong gabi at dalahin ako sa Mars! 

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon