9

1.4K 20 0
                                    

"anong ginagawa natin dito Russel"  sabi ko sakanya, dinala nya kasi ako sa parang Mosque, maganda dito at kami lang ang tao.

"92-100, pwede ko bang malaman yung tunay mong pangalan?" sabi nya sakin at hinawakan nya ang magkabilang kamay ko. 

"bakit naman.." sabi ko sakanya. 

"dahil pakiramdam ko, nahuhulog na ako sayo, 92-100, please tell me your name." sabi nya, lumuluha na sya.

"at ano, mamahalin mo ako? Russel, hindi na pwede. Paguwi ko, ikakasal na ako.. Hindi to pwede Russel. Uuwi na ako." aalis na talaga ako nun.

Pero hinila nya ako at agad hinalikan.  Hindi ko man gusto, pero tumugon ako. Lalong lumalakas ang tibok ng salawahan kong puso, itong puso na to na dapat para kay Vince lang tumitibok..

"Russel hindi talaga pwede.." sabi nya at niyakap ako ng mahigpit. 

"92-100, kahit hindi ko alam ang pangalan mo, ang tunay na pangalan mo, at sandali palang tayo nagkakakilala. Pero hindi mo ba nakita sa Museum, tayo yung tinakda. Yung bracelet." sabi nya naman sakin atsaka tumingin sa mata ko.

"Kahit ngayong gabi lang, bago sya dumating bukas, pwede ba?" dagdag pa nya.

"bakit Russel." tanong ko sakanya.

"ang sabi mo nandito ka para hanapin ang sarili mo, at ako din, yun din ang dahilan kung bakit ako nandito, Sa paghahanap ko sa sarili ko, hindi ko lang nalaman kung sino ba ako, dahil pati hinihintay ng puso ko natagpuan ko, ikaw." at kinulong nya ako sa mahigpit nyang yakap.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong yakap nya ako, sandali pa lang kami nagkakakilala pero paano nangyaring nahulog na ako agad sakanya. At sa isang pitik, nakuha nya na ang puso ko. Siguro maging talaga ng bracelet to. Pero mali! Pagkatapos ng gabing ito, kakalimutan na namin ang isa't isa at bahala na ang tadhana kung para ba kami sa isa't isa. Nandito pala kami sa Hukuru Miskiiy o mas kilala bilang Old Friday Mosque. Madaming magkasintahan na daw ang pumunta dito at para syang isang private spot na kailangan muna magpareserve para sainyo ng kasintahan mo. At kahapon pa pala ito ni reserve ni Russel, para samin.  Oo alam ko naman na mali to eh, kasi nag e exist si Vince sa buhay ko pero isang araw lang naman eh at pagkagising namin bukas ng umaga, kakalimutan na namin ang isa't isa. Siguro hindi naman masama na pag bigyang maging masaya ang puso natin kahit isang beses lang, kahit huling beses na. Naisip ko din na baka lalo akong mahirapang kalimutan sya, at baka maging mas mahirap sakanya na pakawalan ako. Paano kung mamatay ako bukas, tapos hindi na ako ulit magkakaron ng pagkakataong makasama sya, ayoko. Susulitin ko na to, dahil alam kong pagising ko bukas, iba na ang ka yakap ko. Naghulog kami ni Russel ng coin sa well sa tapat ng mosque at nagdasal.

"Kung hindi man po si 92-100 ang babaeng makakasama ko habang buhay, sana mahalin sya ng magiging asawa nya ng higit pa sa kanyang buhay." sabi nya sabay ngiti.

"at kung hindi man ako ang babae na para kay Russel, pagkalooban nyo po sya ng isang babaeng mamahalin sya higit pa sa kaya kong ibigay ngayong gabi" hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

Sumakay kami sa van at pumunta sa isang matarik na cliff. Cliff diving.  Agad na nag hubad ng shirt si Russel. Ako din mag hubad leaving me with my swim suit. Magkahawak kamay kaming tumalon pero may ginawa si Russel na kinabigla ko.

"I LOVE YOU SO MUCH 92-100!!!" sabay humalik sa pisngi ko.

Tumawa lang ako at sumigaw din...

"Mahal din kita!"

At sabay yumakap samin ang malamig na malamig na tubig sa dagat. Naglalangoy kami sa malamig na tubig nang bigla nya akong i back hug.

"sana hindi na matapos tong araw na to" bulong ko.

"sana nga." sabi nya naman. 

Every wrong feels right, bakit ganito, hindi ko naman gusto na mahalin si Russel ng puso ko, ng taksil kong puso na wala nang karapatang umibig pa ng iba kundi kay Vince lamang, ng puso kong may karapatan naman maging masaya.. Kahit ngayong gabi lang.

YOLO: You Only Love Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon