23 Baby Sitting

31K 789 6
                                    

SOFIE POV

Nagising kami sa katok sa pinto namin. Pareho pang nanlaki ang mata namin ni Red ng wala ng espasyo sa pagitan ng mga mukha  namin. Sabay pa kami ni Red na napabalikwas ng maulingan ang posisyon namin. Nakayakap si Red at nakasapong muli sa dibdib ko samantalang nakapatong naman ang isang legs ko sa hita nya habang ang isang kamay ko naman ay nasa dibdib ni Red.

Nakita ko si Red na pinupunas ang kamay nya sa gilid ng suot nyang boxers na kanina lang ay nasa dibdib ko ang kamay na iyon na wariy pinupunas ang init doon. Nagkatinginan kami. Namumula ang mukha ni Red. Bagay sa pangalan nya ang itsura nya ngayon.  Sandali kaming nagkatitigan, pareho pa kaming napapitlag ng may kumatok muli sa pinto na siya nga palang dahilan kung bakit kami nagising. Tumungo si Red don para pagbuksan ang istorbo sa tulog namin. Sumunod din ako sa paglabas para lang makita si Buhawi na may dalang sanggol at mukhang taranta ang mukha niya.

"Pare, baka naman mapapakiusap ko ang anak ko sandali sayo? Wala na akong ibang malapitan e. Mangangak si misis at hahase pa ako ng pambayad sa ospital. Baka pwedeng dito muna si buboy sayo?"

"Pare, sa iba ka na lang lumapit. Wala akong alam sa bata." Masungit na sabi ni Red na ikinalaglag ng balikat ni Buhawi, naawa naman ako at lumapit sa kanila.

"Sige na buhawi, ako na ang mag aalaga kay Buboy. Asikasuhin mo na ang asawa mo." Aniko sabay abot sa batang lalaki at kinarga ko sya. Palagay ko ay lagpas isang taon gulang na.

"Ah buhawi wait lang ha, hintayin mo ako dyan." Aniko sabay pasok ko sa kwarto. Kinuha ko sa supot ng gamit ko ang kwintas ko at iniabot yon kay Buhawi.

"Ibenta mo na lang yan Buhawi, mahal yan kaya wag kang magpapaloko sa presyo ha. Para na rin may pampaanak na ang asawa mo." Sabi ko na ikinahagulgol naman ni Buhawi.

"Sowpe, isa ka talagang anghel na hulog ng langit! Mayayakap kita sa tuwa" ani Buhawi at tangkang lalapit sa akin ng biglang hawiin sya ni Red na nagpalatak pa.

"Ah pasensya na pare, biro lang yun. Natuwa lang ako sa gelpren mo at sobrang bait. Wag mo na pakawalan yan." Anito sabay pahid ng luha nito. Ibinaba nito ang bag na wari ko ay gamit at gatas ni Buboy.

"Salamat Sowpe ha. Pagpalain ka nawa ng maykapal." Anito na ikinangiti ko naman.

"Sige na Buhawi at baka hinihintay ka na ng asawa mo." Nangingiting aniko at mabilis na hinalikan nya si buboy at nagpaalam na.

"Bakit naman tinaggap mo ang bata. Anong alam mo dyan?" Galit na sabi ni Red na ikinairap ko naman.

"You should help a person in need. Hindi yung sarili mo lang iniisip mo. Napag aaralan naman mag alaga ng bata e! Tignan mo nga ang cute cute ni buboy?! Pano mo naitataboy ang ganito ka cute?!" Aniko at kiniliti ang bata na nagtawa naman ng nagtawa. Nahawa na din ako at nagtawa sa sarap ng halakhak ni buboy.

Pumalatak lang si Red at tumalikod na sa amin at tangkang papasok sa kwarto.

"Magluto ka na ng almusal!" Masungit na anito na ikinaikot ng eyeballs ko

"Red, baby, ikaw na lang muna ang magluto. Inaalagan ko pa si cutie eh!" Balik sigaw ko na ikinaharap sa akin ni Red, halata ang inis sa mukha nya pero dumeretso din sa kusina para magluto.

Sinusubuan ko si buboy na walang ginawa kundi ngumanga sa akin. Nakakatuwa ang katakawan ng bata kaya ngiting ngiti ako habang pinapakain ito. Ramdam ko din ang paninitig ni Red pero hindi ko na iyon pinansin. Mas nakakatuwa ang matakaw na baby.

"Hindi na ako papasok Red. Tatawagan ko na lang si Aron na aabsent ako." Nakangiting sabi ko kay Red na tinanguan lang ng huli.

Pinaliguan ko na si Buboy pagkatapos kumain at hinanda sya para umidlip ng makita ko si Red na nakatayo lang sa gilid ng silid

"Hindi ka pa ba papasok?" Aniko at pinasadahan ang suot nitong boxer at sando.

"I'll help you take care of that midget Sofie." Anito pero hindi pa rin ito kumikilos man lang sa pagkakatayo nya doon kaya tinapunan ko sya ng tingin. Titig na titig sya sa bandang dibdib ko kaya napayuko ako. Napasinghap pa ako ng makitang basang basa pala ang t-shirt na puti ko, hindi pa ako nakakapagsuot ng bra at dahil nabasa ako sa pagpapaligo ay tayong tayo ang nipples sa lamig at bakat na bakat ang ukab ng aking dibdib. I crossed my arms on them at narinig ko naman ang pagtikhim ni Red.

"Maligo ka na Sofie. Ako ng bahala kay buboy. Patutulugin ko na lang." Anito na hindi na din ako tinatapunan ng tingin. Sinunod ko lang sya at naligo na.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong yakap yakap na ni Red si buboy at pareho na silang nakatulog. Napangiti ako sa itsura ni Red. Aayaw ayaw pa ito kanina ngayon naman e itsura na silang mag-ama. Magkayakap sila at parehong nakanganga. I stifle a laugh and silently pull a white shirt and boxer from the cabinet and wore it. Tinuyo ko ang buhok ko sa electric fan at humiga na din sa tabi ni Red kung saan doon lang may espasyo pa para magkasya ako. Iidlip na din ako habang tulog pa din sila.

Sassy Sofie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon