Introduce#3

35.6K 1.2K 24
                                    

Halos manlaki ang mga mata ni Brian at ni Aaliyah ng pumasok sila sa malaking gate na napapalibutan ng mga gwardya.

"Dude dito ka ba talaga nakatira?"

"Yeah," tipid na sagot niya sa itinuturing na niyang kaibigan.

Nang marating ang harapan ng mansion ay bumaba sila. Iniabot agad ni Brian ang car key kay Niko. Agad namang ibinato niya iyon sa isang may idad na lalaki.

"Please manong ikaw na po ang bahala dyan," sabay ngiti nito.

Ilang house maid ang sumalubong sa kanila.

"What happen to you young master?" boses ng may idad na babae.

Agad namang yumakap si Niko dito, "Yaya i'm fine mild lang po ito." malambing na sagot ni Nico.

"Ikaw talaga na bata ka."

"Shhh, sabay bulong ni Niko sa matanda na ikinatawa na lang nito sabay baling sa dalawa.

"Doon na kayo tumuloy sa kitchen naka ready na ang lunch tamang tama ang dating ninyo."

"Si Mommy ko po?"

"Nasa kwarto niya medyo masama yata ang pakiramdam."

"Po?" agad na nag panic siya sa narinig.

"Dude feel at home pupuntahan ko lang si Mommy ko."

"Halina kayo iho iha."

"Brian po manang," paglalahad ng palad ng binata sa ginang at gano'n din ang dalaga.

"Alliyah po," nahihiyang pahayag niya sa nakangiting babae.

"Nice name iha," iginiya na sila nito sa malawak na dining room. Habang hinihintay si Niko ay pasimple na nagmamasid ang dalawa sa kabuuan ng lugar.

Sa fairytale lang nakikita ni Aaliyah ang ganito kaganda na bahay.

"Hello," boses ni Nicole na agad nakapag patayo sa dalawa ni Brian at Alliyah.

"Mommy ko this is my friend Brian and she is.."

"Alliyah po Ma'am," nahihiyang sagot ng dalaga.

Habang si Nico ay titig na titig sa dalaga. Napaka ganda talaga nito bagay na bagay ang pangalan sa mala dyosa nitong mukha.

"You're so beautiful iha," nakangiting papuri ng ina ni Niko na ikinapula ng mukha ng ng dalaga.

Matapos kumain ay dinala ni Niko ang dalawa sa malawak na sala.

"A-alliyah do you want to rest? I mean gusto mo bang mag linis ng katawan?"

"Ah, eh h-hindi na," mabilis na sagot ng dalaga.

"Go Miss. Aaliyah para marelax ka."

"Come honey," boses iyon ng ina ni Niko. At magkakasunod na umakyat sila sa malaking hagdan.

Si Brian ay naiwan sa sala at si Niko ay nakasunod sa dalawang babae.

"Son bring her to the guest room then puntahan mo ako sa room ko."

"Yes Mommy ko."

Nang makapasok sila sa loob ng guest room ay tinuro niya dito ang banyo.

"Miss. Aaliyah feel free para ma-relax ka," pupunta lang ako kay Mommy ko."

"T-thanks," tumalikod na si Niko at nasundan na lang ni Alliyah nang tingin ito.

Ngayon lang siya nakapasok sa bahay ng lalaki. I mean sa ganitong lugar na pagmamay-ari ni Nikolai at bagong kakilala na lalaki. Napakaganda ng kwarto para siyang isang prinsesa kaya naingganyong pumasok ng banyo. Halos mapanganga siya sa sobrang laki ng loob. Lalo na ang napaka elegant na jacuzzi. At kahit saan pa siya lumingon puro karangyaan ang makikita niya.

BOOK #2: ARROGANT PLAYBOY, NIKOLAI MONTEMAYOR  (PUBLISH ON DREAME)Where stories live. Discover now