2.

3.7K 60 2
                                    

Jhoana's

"Maka-Anong ginagawa ko dito.Grabe ka!"Saad ni Ate Ella na may hawak na plato ng pagkain.Nakakuha ata 'to sa ref ko.Pasaway.

"Friday pa usapan natin Ate Ella."Sabi ko bago dumeretso sa mesa.

"Whatever.Gusto kong pumunta dito.Nasan si JL?"Tanong nito pero agad ko ng binuksan ang Laptop ko.

"Nasa Lipa.Dinala ni Jaja dun this early morning lang."Sagot ko.

Lumipat si Ate Ella sa Sofa na para talaga sa mga guest.

Ano kaya ang kailangan nitong Maliit na donya?

"Pahingi ako ng pagkain Jhoana ha?"Pagpaalam ni Ella.Hindi ko 'to pinansin at naupo na para makapagtrabaho na ako.

Kailangan kong maglibang para wag sumagi sa isip ko na parehong oxygen na ang nilalanghap namin dalawa ni Bea.Na parehong lupa na ang tinatapakan namin.Hindi ko namalayan na napahugot ako ng malalalim na hininga,Na hindi nakaligtas sa matatalas na tenga ni Ate Ella.

"Spill it Out."Saad ni Ate Ella kaya lumipat dito ang tingin ko.

"Spill about what?"Ganting-Tanong ko.

Tumingin sakin si Ella at inabot ang baso ng Juice.

"Tumawag sakin si Jia.."

Uh uh..I know where's this heading...

Napahawak ako sa noo.

"So about Beatriz?"Sunod na tanong nito.

Napatingin ako dito.

"So Alam mo din na nandito sya?"Usig ko dito at tinignan ito ng masama.

"Whoa.Kalma.Kanina ko lang nalaman noh.Jia knows me well na pag sinabi nya sakin,Makakarating agad sayo."Depensa nito.

And Ate Ella's right.

So wala talaga silang balak sabihin sakin ang pag-uwi ng babaeng yun sa Pilipinas?Like what the hell..

"Halata sa mukha mo na nagpa-panic ka."Saad ni Ate Ella habang nakatitig sakin.

"I am not."Matigas na tanggi ko.

"Kung magkikita kayo ulit,Anong balak mo?"

"Iiwas ako."Madalian kong sagot dahil yun lang ang alam kong dapat kong isagot.

"Malabo yan Mangyari Jho,And you know that.Iisang Circle lang tayo..And remember..JL is Bearing Bea's Surname."Sagot nito sakin and I sigh Heavely.

"I already have a planned na palitan ang dinadalang Surname ng Anak ko"Sagot ko.

Matagal ko ng plano ang pagpapalipat ng Apelyido ni JL sa Apelyido ko.

I need to broke the connection.My connection with her.Masyado akong nasaktan noon..

"It would be hard.."Makahulugan na sabi ni Ate Ella at hindi yun nakaligtas sakin.

"Madali lang yan..Pera ang kailangan ko."Determinado kong sagot.

"Nasabi sakin ni Jia na isa sa mga rason kung bakit bumalik si Bea dito sa bansa ay para sa anak ninyo."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumangon ang galit sa dibdib ko.

"Wala syang karapatan sa Anak ko!"Hindi ko mapigilan sigaw kasabay naman nun ang pagpasok ni Gizelle sa Office at pag abot nito sakin ng Schedule.Pinilit kong ikalma ang sarili at agad na binasa ang schedule ko ngayon araw,Kung may ime-meet akong client.

Pero muntik ko ng mabitawan ang hawak nang makita ang isang pangalan dun.

"Lunch Meeting With Ms.Beatriz De Leon"

Be My Wife...Again(JhoBea)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu