6.

4K 64 6
                                    

Jhoana's

"Okay Spill!"Saad ni Ate Ella sabay upo sa tabi ko na kumakain ng popcorn.Ano sya?Manonood ng Movies?

"Oy teka!"Sigaw naman ni Mich na kumukuha ng kung ano sa ref.

"Hayaan mo na yan si Michelle."Walang ganang saad ni Ate Ells.

"Pakyo ka!"Sigaw ni Mich mula kusina.

Si Jia naman ay agad na tumabi sakin.

Nandito ako sa bahay ni Ate Ella,himala nga dahil wala ito sa galaan ngayon.

"Ano ba'ng gusto nyong pag-usapan?"Tanong ko habang nakaupo sa gitna nina Ate Ella at Jia.

Sumasakit lang ulo ko nang makita ang papalapit na sina Mich at Marge.

Bigla naman dumating sina Kat at Jules na kasama si Sydney.Hindi ko alam kung anong dala ng dalawang 'to basta malaking plastic bag.

At alam kong pagkain yan.May pagka-patay gutom talaga ang mga ito.

Hindi ako kumibo kaya binato ako ni Ate Ella ng popcorn.Nakiagaw na din sa popcorn si Kim.

"Bilisan mo ang kwento,Naiinip ako."Demand nito kaya sinimangutan ko ito.

"Ano bang gusto nyong malaman?"Saad ko sa mga ito kaya sabay-sabay ako nitong kinaltukan.

"Aray ko.Potah!."Saad ko hawak ang ulo.

"Umayos ka nga Jhoana.Hindi pa naman niluluto ni Besh yang utak mo sa kompanya nyo kaya wala kang karapatan mag-maangmaangan."Sagot ni Ella.

Alam ko kasi ang gusto nilang malaman.Nung isang araw pa kating-kati si Ate Ella sa kwento ko pero hindi ako nagrereply.Kaya nakatanggap ako ng katakot-takot na text mula dito.

"Maraguinot!Sisiguraduhin kong lalo kang iitim na bweset ka pag hindi ka pa nagreply!"

Kaya napilitan akong pumunta sa bahay nito.Dahil alam kong naiinis na din ito dahil binabalewala ko ang mga text nito.

"Ano?Tungkol kay Bea?"

"Ay hindi.Tungkol kay Jia!Jia,dali spill mo na yang paglilipat bahay mo sa bahay ni Beatriz."Sarcastic na saad ni Ate Ella.

Tumawa si Jia at bahagya akong siniko.

"Kumusta yung kaibigan ko?Yung pagsasama nyo sa isang bahay?"Excited na tanong ni Jia sakin.May kakaiba sa kanya ngayon.Panay ang dikit sakin at yakap sa braso ko.Hindi lang yun,Kanina,Nag-request ito na magluto daw ako ng Sinigang kaya may dinala ako dito sa bahay ni Ate Ella.Tapos ito,Ang clingy nya!I mean Clingy naman sya kahit nung collage kami pero ngayon,Sobrang dikit na kulang na lang lagyan kami ng Mighty-bond.

"Okay lang."Sagot ko kaya sabay-sabay na huminga ng malalim ang lahat saka tangka na naman akong babatukan.
"Oy!Oy!Lintik.Masakit yan!"Reklamo ko.

"Yung popcorn,Hindi pa nauubos pero yung pasensya ko sayo Maraguinot kaunti na lang."Saad ni Ate Ella.

Bigla na naman humawak sakin si Jia at pinisil-pisil ang braso ko.

"Godness Jia!Kanina ka pa namin napapansin.Dikit ka ng dikit kay Jho!"Saad ni Kim na nakakunot-noo.

"kaya nga,May kakaiba kay Ate Jia ngayon.Nagrequest ka pa ng Sinigang kay Jho na kahit nung collage hindi ka naman ganyan sa kanya kahit nung mga nakaraan."Saad naman ni Jules.

"Bakit ba!Sa gusto ko si Jho!"Mataray at masama ang tingin ni Jia sa mga ito.

"Shit..Hindi kaya buntis ka at napaglilihian mo si Jho?!Naku naman!"
Saad ni Marge.

Be My Wife...Again(JhoBea)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora