8.

3.7K 65 16
                                    

Jhoana's

"Bakit bumabalik ang isang tao after kang iwan?"Tanong ni Janel habang prenteng nakaupo sa sofa.Nasa condo ako nito.

JL was with my Mother.Nasa labas ang mga ito.Buti na lang,Tinawagan ako ng kapatid na nandito ang Ina at hindi dumeretso sa bahay ko.

Hindi pa ako handa na malaman nila na kasama ko si Bea pero alam kong malapit na nilang malaman yun.Maliit lang ang mundo.Gaya nitong nangyari samin ni Bea ngayon.We crossed our path,Unexpectedly or not.

Bumuntong-hininga ako saka tinignan ang kapatid bago tumingin sa color red na wallpaper ng condo nito.

"Kasi mahal ka pa?"Walang ganang sagot ko dahil wala talaga akong gana sa ibang bagay ngayon.Sobra pa din akong napapaisip sa sinabi ni Bea.Ni hindi ko na nga pinansin kung saan ni Janel hinugot yung tanong nya ngayon,Hindi talaga ako makapag-isip ng maayos.

"Stupid.Kung mahal ka di sana hindi ka iniwan in the first place."Tumayo ito at dumeretso sa kusina nito.Bumalik ito dala ang isang baso ng tubig.

"May mga bagay kasi na hindi natin expected na mangyayari."Wala sa sariling sagot ko.Iniisip ko pa din ang sinabi ni Bea kahapon.

"Ang alin?Ate,Umamin ka nga sakin.Nakakarinig ako ng rumors ngayon about Bea."

Nakuha nito ang atensyon ko kaya agad na napalunok ako.Sabi ko na.

"Anong rumors?"Pilit kong ginawang normal ang boses.

Tinignan ako ng kapatid bago ito uminom ng tubig.Sinusuri ako nito.

"Don't try to deny it.Alam ko ang nangyayari dahil alam mong kaibigan ko sina Ate Ella at Ate Jia at pinsan natin si Ate Den."

Bumuntong-hininga ako.Alam ko na talagang makakarating na ang balita sa kanila.

"What do you want me to say?"Wala sa sariling tanong ko ulit.

"Bumalik ka ba kay Bea?"Agad na tanong ng kapatid pero agad akong umiling at kumunot ang Noo.Alam ko sa sarili ko ang tunay na dahilan kung bakit ko ito ginagawa.

"Hindi ganun gaya ng pagkakaintindi mo."Sagot ko at huminga ng malalim.Ayoko na silang madamay at baka mas magalit sila kay Bea.Simula nang lokohin ako nito,Naging panget na ang image ni Bea sa pamilya ko.

"Ano bang gusto mong maintindihan ko?"Naging mapait ang boses ni Janel.
"Sinaktan ka nya Ate,Isa ako sa mga naka-witnessed when you were so down."Hindi ako nakapagsalita.Nung mangyari ang lahat ng yun,Janel was one of my crying Shoulder.

"Jaja..Is that.Hindi ako bumalik sa kanya."Tanggi ko.

"Then what are you doing with her house?Kasama pa yung pamangkin ko.Sa totoo lang,She doesn't have right to be near around my nephew."

Mas lalong sumakit ang ulo ko.Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol samin ni Bea.Kung ano ba talaga ang tunay na rason.Thankful pa din ako na walang sinabi sina Ate Donya tungkol dito.At alam kong hindi din magsasalita si Ate Den dahil alam nya din kung ano ang pwedeng mangyari.

"Jaja..Basta hindi ako bumalik kay Bea okay?Wag magisip ng kung ano."

"But I want to know.Ate,Kahit noon pa.Ganyan ka na.Hindi ka nagsasabi samin nina Mama kahit nasa pinakamahirap na sitwasyon ka na.Kung hindi pa kami nasabihan ni Ate Den,Hindi namin malalaman na nilayasan ka na pala ng magaling na Beatriz."Sabi nito kaya napakamot ako sa kilay.

"Gusto ko lang panindigan ang desisyon ko noon Ja."

"Gaya ng anong desisyon?Na hindi ka nagkamali sa pagpapakasal sa kanya.?"Janel rolled her eyes."Damn,If I can turn back time,Hindi ako papayag na ibigay ka sa kanya."Sabi nito at napahawak sa sentido.Sobra-sobra talaga ang galit nito kay Beatriz.

Be My Wife...Again(JhoBea)Where stories live. Discover now