1st day#2

40.1K 1.1K 15
                                    

"Omg! guys my bagong transfer at alam nyo ba na from London sya?

"Saan mo naman napulot ang kwento na yan baka kwentong barbero na naman yan eh! Hilig mo pa naman mag tambay sa street," pang aasar ng isa.

"Ano ka ba Beary totoo sinasabi ko!"

Tilian sa labas ng classroom ang nakapagpa tigil sa usapan ng magkakaibigan.

"Omg! ang gwapo niya he is mine!"

"Anong sayo akin siya noh! Mas maganda ako sayo kaya sure ako ang magugustohan niya."

Natulala ang lahat ng kababaihan ng pumasok sa room ang isang matangkad na lalaki, tall, dark, body built, handsome and smiling face.

Dinumog agad ng kababaihan habang isang grupo ng kalalakihan ang agad na nagtayuan sa inis dahil sa ingay at marahil ay pati selos.

"Relax mga pare hindi ito ang tamang lugar para diyan sa mga tinatago ninyong inggit at selos." saka kumindat pa si Nicolai sa mga kalalakihan na lalo yatang naasar ang mga ito.

Big smile yan ang palaging nakalarawan sa mukha ni Niko. Ang makalaglag puso na matamis na ngiti at mga matang kung tumingin ay nang aakit. But nobody knows what kind of attitude he has.

Natapos ang law subject nila ng hindi namalayan ni Niko. Panay ang linga niya dahil may hinahanap ang kaniyang mga mata. Hindi naman alintana ni Niko ang mga babaeng halos ay yumakap na sa kaniya para lang mapansin niya. Sanay na siya sa mga ganitong klase ng babae, bitch, flirt, whore, playmate and for one night stand. Normal na sa kaniya ang mga ganitong babae.

Basta may time si Niko ay nag iikot siya sa halos buong campus may hinahanap pero hindi niya makita kahit ang anino nito. At past five pm na nang magtungo siya sa likuran ng campus habang nakasandal sa isang puno. Nang isang grupo ng kalalakihan ang patungo sa kinatatayuan niya. Baliwala naman ang presence ng mga ito dahil busy sa kakalikot ng mobile.

"Kung sinuswerte ka nga naman," boses ng isa sa grupo.

"Ano dude ito ba ang tamang lugar na sinasabi mo?"

Hindi siya nagtaas ng mukha hinayaan niya ang mga ito kung anong gagawin move. At ikina taas ng mukha niya ang malakas na paghila ng isa sa kaniyang polong suot sa parting dibdib.

"Leave me!" kalmado ang boses pigil ang emotion. Pero sa halip na bitiwan siya nito ay malakas na suntok ang pinakawalan ng isa. Tumama iyon sa kaniyang panga na ikinapaling ng mukha niya.

Agad na ibinulsa ang sariling mobile saka dumistansya sa limang kalalakihan.

"Tsk tsk, ano tatakbo ka?" bully pa ng isa sa kaniya. Inayos lang ni Nico ang nagusot na polo. Saka tiningnan isa isa ang lima at tumalikod para umalis. Ngunit isang sipa ang tumama sa likoran niya na naging dahilan ng pagka putol nang natitirang control niya. Ibinaba ang knapsack saka itinaas ang long sleeve, "don't blame me guys."

Seconds lang nakahandusay na sa sahig ang limang lalaki. Napatigil sa paglalakad ang isang lalaki sa di kalayuan ng masaksihan ang nangyari. Hindi makapaniwala na ang maangas na grupo ay walang kalaban laban sa nag iisang lalaki. "Cool guy" bulong nito sa sarili.

Dumiretso sa men's room si Niko para maghilamos at ayusin ang sarili.

"You're cool dude, anong course ka?" boses na nagpalingon kay Niko.

"Political science," tipid na sagot niya dito.

Nanahimik na rin ito siguro napansin na hindi siya interesado na makipag usap.

"Dude ngayon lang kita nakita sa campus?"

"Bago lang ako dito pare."

"Saan kang school dati?"

BOOK #2: ARROGANT PLAYBOY, NIKOLAI MONTEMAYOR  (PUBLISH ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon