Nang matapos kumain ay nagpaalam itong aasikasuhin na ang aming pinagkainan. I feel sorry because I can't even help him, baka may dapat pa iyong gawin! Knowing that the finals is just days away, mas lalo akong nakonsensya.

I reviewed my report for another hour, si Hell naman ay hindi na bumalik. Baka may ginagawa sa kwarto, maybe reviewing their PPT. Nang maramdaman ko ang mabigat na talukap ng mata ay huminto na ako, I stood up and went out of the library. Tumuloy ako sa aming kwarto, and I found no Hell.

I did my night routine inside the bathroom, nang makalabas ako ay naabutan ko naman siyang nakaupo sa tabi ng kama habang hawak ang cellphone. Nahagip niya kaagad ang tingin ko.

"Hmm, where were you?"

"I just talked to our hotel receptionist, I need the cleaning service to clean my penthouse." Diretso niyang sagot at inilagay ang phone sa bedside table.

Napalunok ako, it's not surprising that he has a penthouse! Of course, he's filthy rich! Pero bakit parang bigla akong kinabahan, is he going to go back there?

I rest my back at the headboard, humikab ako at hindi na lang nagsalita. But wow, why am I so worried now? Dahil na nahihirapan na siya sa gawaing bahay? Ganoon na ba ako katamad? Maybe he's thinking that I'm treating him like maid?

"Ako ang magluluto bukas," Bulalas ko at tumingin sa kanya. Nag-taas ito ng kilay at bigla na lang akong nag-iwas ulit. "Maybe, this whole week. I will cook, then I'll clean the house on weekend. I can do that."

"Bakit? Ayaw mo na ang luto ko?"

"No!" I hissed. "I don't want to be a burden, kaya ko rin naman. You are not a maid!"

I finally got the courage to look at him. He smiled and then nodded, buti naman at wala ng maraming diskusyunan tungkol doon. I know what's gotten into me, baka isumbong ako kay Tito Paul or kay Mom!

He laugh a little so I looked away. "Pride will keep us alive, huh?" He teased, I rolled my eyes as I lay.

"So why you're asking someone to clean your penthouse, babalik ka roon kasi inaalila kita dito?" Ano na lang ang sasabihin ni Tito Paul? Ni Mommy? Papagalitan ako!"

Para akong bata sa tono kong iyon, ibinalot ko ang sarili ng comforter at tinalikuran ang gawi niya upang hindi niya na ako makita.

"Tell Hurricane's pride that if that's what she wants, we can do that." He giggled after saying that, narinig ko pa ang kanyang pagpasok sa loob ng banyo.

I shook my head as I closed my eyes, I have to wake up early tomorrow. Hindi ako aako ng responsibilidad na hindi ko kayang panindigan!

I woke up first, and I did the cooking. We did the usual thing, after eating, I took a bath first and then dressed up. Lumalabas siya ng silid kapag ako ang gumagayak at ibinabalik ko naman ang pabor na iyon sa kanya. We went our way to school with the same aura as yesterday, light and easy.

I went out of the car when he opened the door for me, hindi nakatakas sa mata niya ang aking kamay. Kinuha niya iyon habang ang isa kong kamay ay nasa bulsa lang ng coat.

"Kwentuhan mo ako mamaya kung anong nangyari sa report mo, ha?" Bilin niya nang huminto na kami sa harap ng aking silid.

"Sure thing,"

"I'll see you later, then..." He mumbled. I nodded as I turned my back, hinawakan ko ang doorknob at napapikit sandali. I hate this! Why am I disappointed about it?

Binuksan ko na ang pinto at tuluyang pumasok, tahimik akong tumuloy sa aking upuan habang hinihintay lang sina Sari. I sigh when that thought occupied my mind again just like yesterday. It became a routine from the past few months, and I hated that idea actually but my mind is just a hypocrite for wanting it.

Forever Agape [FS#1]Where stories live. Discover now