Chapter 2- The Fake Arrange Marriage

131 2 0
                                    


Suho's POV

Nasa sala kaming lahat ng members. Lahat kami tahimik ng bumaba si....

"Ahhhhhh!!" Sigaw ni Baek

"Baek ano ka ba?? Si Lauren yan!! Bakit kung nakaputi na ba white lady na?? Hay sus!! Yan kasi, matatakutin!! Lahat ng bagay takot!! Karma kasi yan, kinarma ka dahil kinain mo siopao ko!! Mangaagaw!! Hhhmm!!" Mahabang litanya ni Xiumin

"Oo na!! Ako nang kumain nung siopao mo!! Atsaka hindi naman
yun yung dahilan kung bakit tumili ako eh!!" Pagmamaktol nito

"Palusot ka pa! Eh ano??" Tanong ni Xiumin

"Kasi naman, anong ayus yan?? Tignan mo naman siya! Ang pangit!! Dinaig ko pa siya!! Lauren mag ayos ka nga!! Atsaka tumingin ka narin sa salamin!! Hindi ka ba tinuruan ng kuya mo or someone  na maghilamos?? Laway laway besh! Kader ders!!" Maarteng sabi ni Baek.

Kagigising lang niya at hindi na nagawang maghilamos pa!! May laway na patulo na at magulo ang buhok!! Parang ginahasa ng kapr-- wala!! Ang isip na to talaga!!

"Kuya!" Tawag sa akin ni Lauren kaya nilingon ko

"Bakit??" Tanong ko

"Halika nga!" Tawag niya sa akin na nanlilisik ang mata na siyang aking sinunod

Palapit na ako sa kanya ng bigla niyang hilahin ang tenga ko.

"Arayyyy!" Paulit ulit na daing ko ng pikutin niya ng napaka lakas ang tenga ko na namumula na sa sakit.

"Hiramin ko muna ang kapatid at leader niyo po!! May pagbabayaran lang to!!" Sambit niya na nakatingin ang mata sa akin

"Kahit wag munang ibali-- I mean, kahit wag munang ipaalam sa amin!! Okay lang!!" Sambit ni Baek

"Talaga?? Sige!!" Sambit niya bago ako hilahin sa tenga na namumula na ng sobra sa sakit!!

Nakarating kami sa kwarto ko ng hila hila niya pa rin ako!! Why so mad Lauren??

"Ano??" Pagsisimula niya

"Anong ano?? Ikaw tung nanghila hila sa akin sa tenga papunta rito tapos ako ang tatanungin mo?? Diba dapat ako ang magtanong??" Pambwibwisit ko

My Future Husband Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon