Chapter 7- Surprise Date

60 3 0
                                    


Lauren's POV

Kadadating lang namin sa E.K. Hinanap ko kaagad si Jimin baka malapit lang siya sa amin.

"Nandito ka na pala!! Akala ko, ako maghahanap sayo. Ikaw pala mag hahanap saakin!!" Mahinahong wika ni Jimin

"Hilig mo parin pala mang bigla Jimin!! Kararating lang namin!!" Natatawa kong sagot

"Nagpaalam ka na ba sa kuya mo??" Mahinahong wika parin ni Jimin

"Ano?? Anong ipapaalam ko??" Nagtataka kong tanong. Eh totoo naman. Ano namang ipagpapaalam ko!?

Nabigla ako ng hilahin niya ako papunta sa kuya ko.

"Anong balak Jimin?? Baka mapagalitan lang tayo??" Nagpupumiglas kong tanong sa kanya

"Hindi yan!!" Nakangiti niyang sambit

------

Malapit na kami sa lugar kung nasaan sila kuya.

"Nandito ka na pala Jimin, ikaw ng bahala kay Lauren. Wag mong hayaan masaktan yan." Nakangiting wika ni kuya sa amin lalong lalo na kay Jimin

"Kuya, anong ibig mong sabihin??" Nagtataka ko pa ring sambit. Punong puno na ng pagtataka ang utak ko. Baka maoverload. My gosh!

Nabigla na naman ako ng ngumiti ng napaka lawak si Kuya. Ito kaya yung fishy na nararamdaman ko??

"Hindi ko pala nasabi sayo kanina Lauren. Si Jimin yung makakasama mo ngayon sa lahat ng rides. Hindi ka namin mababantayan kasi may pupuntahan pa kami. Kaya tinawagan ko na siya!" Nakangiti pa ring sambit ni kuya. Joyful?

"But kuya diba sabi m---"

"Enjoy your rides!!" Nakakalokong ngiti na ang iniharap ni kuya sa amin. Kailan pa nausuhan ang happiness kay kuya?

Lumapit muna siya kay Jimin at may binulong.....

Jimin's Pov

Lumapit sa akin ang kuya ni Lauren.

"Bantayan mong mabuti ang kapatid ko. Ikaw nang bahala sa kanya. Gumawa ka na ng paraan para masolusyonan mo na" bulong nito. Makasindak si kuya wagas! Tsk!

Tumango na lang ako upang siya
gamiting sagot ko. Hindi rin kasi alam ng iba na ganto ang set up ng date na to.

"O sige, aalis na kami. Baka ma late pa kami sa pupuntahan namin. Bye!!" Nakangiti na ngayong sambit niya

Naglakad ng palayo sila Suho oppa.

"Anong unang ride ang gusto mong sakyan muna??"- tanong ko

"Uhm, siguro unahin na natin yung EKstreme tower!!"

"Sige!! Halika na!!"

Hinila ko na siya papuntang line. Kinakabahan ako kasi baka di ako makapasok. Maliit pa naman ako!! Joke lang!!

"Kinakabahan ako baka diko kayang mahulog agad agad." Sambit ko

"Okay lang yan. Mas magandang may kaba kang nararamdaman kaysa saakin na excited na excited na!!" Nagtatatalon niyang sagot

"Ang lakas talaga ng fighting spirit mo Lauren!!" Nakangiting asong sabi ko

My Future Husband Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon