Chapter 11- Back to School??

52 2 0
                                    


A/N: Napaidlip lang ng kunti si Lauren, back to school na!! Mahaba haba kasi trip nila.. Parang isang buwan na nga eh!! Tuloy na natin.. Bago yun..thank you pala sa mga nagbabasa kung meron man...comment po kayo kung may request or gusto po kayo!! Kasahamnida!!

Mean while....

Hay, balik school na naman. Matagal tagal rin ako hindi nakalasap ng libro at mapanlait na usapan. Pero ngayon, balik na ulit. Balik na sa pagaaral.

Matagal narin nang makasama ko si Jimin. Mga isang buwan rin. Naging maganda ang daloy nito. Ngayon, nandito ako sa loob ng service car namin ni Kuya noon. Pero ngayon ako nalang magisa ang sinusundo ni Kuya Marco. Siya yung driver namin ni kuya noon. Matagal nang nagsisilbi si kuya Marco sa amin. Parang naging tatay narin namin siya ni kuya tuwing wala sila appa at eomma.

Nasa loob na kami ng University.
Mapanlait na tingin agad ang sumalobong sakin. Malamang, hindi naman nila alam kung sino kinakalaban nila. Pero hindi ko nalang sila pinansin.

Habang naglalakad ako sa mala palasyong hallway ng P.U, nakaramdam ako ng  parang may sumusunod sa akin, nang biglang..

Ahhhhhhh...

Napatingin ako sa mga sumigaw. Ang mga malanding mga pompom lang pala. Hindi ko man masabi ng harap harapan pero totoo, maraming mga pompom at malalanding mayayaman rito. Pati nga sa ibang Campus, sinasagad nila!! Hindi man ako kagandahan pero sila, hindi na nga kagandahan mapanlait pa sa kapwa!! Isa nga sa kanila si Fiona. Hindi ko man masabi ng harap harapan, malandi yan!! Wala nang time para ikwento ko sa inyo. Si author nagmamanage ng time eh!! Siya ang may pasiya ng lahat!!

Takbong lakad ang ginagawa ko para hindi maka paginggay at para hindi na rin makasabay ang Exo. Alam niyo na kung ano ang dahilan. Sikat sila eh!!

Takbo... Lakad...Lakad... Takbo...

Paulit ulit lang ako sa pag gawa niyan. Pagod na pagod na ako.. Hindi ko nga rin namalayan na..

"Ang layo naman yata ng pupuntahan mo, nalagpasan mo na ang room 88 Ms...Park??"

Kinabahan ako sa boses na aking narinig kaya dahan dahan akong humarap kay... kay kuya. Ang sama ng tingin niya. Parang sinasabi ng mga mata niya na
"Humanda ka mamaya!!"

Hindi ko namalayan na hini hila na pala ako ng dalawang ugok na to!! Si Xiumin at si Yeollie!! Mas magandang itawag sa kanila..

"Alam niyo mas magandang itawag sa inyo....Saltik boys!!"

Napatingin naman sila sa akin. "Bakit?? Anong masama?? Saltik boys?? Maayos naman ah!! Pinagisipan ko nang mabuti!!"

(A/N: walang maisip si author eh.. Pagpasensyahan niyo na)

"Wala kaming saltik!!" Sabay nilang sabi

Natawa nalang ako sa expression ng mga mukha nila. Magkapatid kaya tong dalawang to??

"Oo na.. Bat niyo ba ko hinihila??" Tanong ko

"Utos ng Hyung mo!" Sabi ni Yeollie

Grabe.. Why so serious?? Ang seryoso ng mga mukha nila pero may na hagip yung utak ko..

"Hyung?? Don't tell me both of you already know..."

Nag nod lang sila sa akin.. It means na..

"Wag kang ma bother Lauren, hindi naman namin muna ipagkakalat. But for now, bantay muna kami" Nakangiting sambit ni Xiumin

Napasilip na lang ako Kay kuya. Napatingin ako sa kanya, nakatingin rin siya sa akin. Naka ngiti??

Pumasok na ako sa class room ko. While sila kuya, pumunta sa office, may aasikasuhin daw sila.

.............

Nagdidiscuss ang prof namin ng....

* Boogshhh *

Napatingin ako sa pinto ng room.. Nakita ko ang mga Exo members nakatayo sa harapan namin.

"Oh, good to see you all here exo, please introduce your self." Prof

"Hana, dul, set, Annyeong haseyo, exo imnida!!"

Ginawa nila ang group greeting nila. Umupo na sila agad sa mga upuan.. Sa likod ko?? Pero may isa pang lalakeng nasa labas ng room, tinawag ni kuya ito at nakita ko si...

"Goodmorning Prof!! Goodmorning classmates, and especially, Goodmorning Ms.Park!!" Nakangiting bati ni Jimin sa amin

Natulala ako sa sumunod nangyari. Kinindatan ako ng loko. Kaya lahat ng classmates ko maliban sa exo nakatitig sa akin ngayon. Ganito pala ang feeling ng....ng...wala!!

Paano ng dito siya nagaaral eh ang alam ko sa Korea siya?? Nakakapanibago na mababantayan mo ang mahal mo!! Tsk tsk tsk!!

"Ok, Mr. Park, pls. Take your seat!!" Nakangiting sambit ng  Prof namin

Patungo na si Jimin sa upuan sa tabi ko. Nakatingin ang mga classmates namin...sa amin!! Pero bago makaupo si Jimin, nakaupo na si kuya. Napapout nalang si Jimin. Cute niya talaga!! Swerte ko naging Suitor ko yang isip batang yan!!

(A/N: Isip bata talaga eh)

"Dito muna ako!! Wag kang mag emot na parang di mo siya nakatabi. Pero sa totoo lang, hindi na nga!!" Nakangising  sambit ni Kuya

Tinignan ko nang masama si Kuya. Nakatingin parin siya kay Jimin. Ang lalim ng usapan nila. Telepathy. Usapan gamit ang utak!! Hays!

Bago pumunta si Jimin sa likod....tinawag ko muna siya!!

"Mr. Park, wag ka nang umupo diyan, dito ka na!!" Nakaupo kong sabi kay Jimin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinungo ang upuan sa likod. Tinungo na nga ni Jimin yung upuan na aking inoffer sa kanya kaya ngayon, naka arrange ng ganto ang seats namin.

[Luhan : Kai:        :      VACANT       ]

[Kris : Sehun :       : Chanyeol : Tao]

[Chen : Do.     :       : Xiumin : Ako]

[Suho : Jake.  :       : Baekhyun: Lay]

Ganyan ang arrangement namin. Sinadya ko talaga ang tabihan si Xiumin dahil baka galit parin ang dakila ninyong pusa.

Habang nagdidiscuss ang prof namin, kalabit lang ako ng kalabit sa kanya. Baka sa kaling pansinin niya ako. Kahit kalabitin mo siya, walang imik, para lang akong hangin rito.

Sa tuwing magsasalita ako, he will interrupt me. Katulad na lang ng "magsulat ka na nga" o kaya "Tumahimik ka nga, ang gulo mo. Tsk!!" Ang sakit.

After an hour....

Nasa labas ako ng room 88. Pagkadismiss na pagkadismiss, iniwan ko na muna sina kuya roon. Para mapag isa ako. Dumiretso ako sa open field sa likod ng University. Imbis na makapagpahinga ako ng maayos, nakasalobong ko sila.....

To be continued......

@all rights reserved

My Future Husband Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon