Pumunta na ako sa kwarto ko at nag-bihis na ng pambahay. Pagkatapos kong mag-bihis lumabas na ako at na-upo sa sofa.

"Sanaaaa!" Nagulat naman ako sa biglang pag-sigaw.

Sumilip naman ako sa bintana at nakita ko sila Jihyo sa labas, sisigaw pa sana ulit siya pero lumabas na ako at sumigaw din.

"Ano ba yan Jihyo wag ka ngang sumigaw!"

"Excuse me Minatozaki! Sumisigaw ka rin!" Pabalik niyang sigaw.

"Mag-bihis ka na! Hinihintay na ako ng mga pagkain!" Well kilala niyo na yan kung sino.

Dumiretso na ako sa kwarto ko 'ulit' at nag-bihis na. Pagkalabas ko nakita ko silang lahat na naka-upo sa sofa habang naka-taas ang mga paa.

Aba't ang mga hampaslupa feel at home.

"Tara na nga! Mahiya naman kayo!" Inis kong sabi. "Umma, Appa alis na po kami!"

"Sige Sana, ingat kayo!" Sigaw naman ni Umma.

Sumakay na ako sa van at naupo sa tabi ng bintana.

"Saan ka ba mag-se-celebrate Nayeon?" Tanong ni Jihyo.

"Sa bar ni Jeongyeon." Casual na sagot ni Nayeon-unnie.

Nasamid naman ako sa kina-uupuan ko kahit wala naman akong iniinom at sumigaw ng malakas. "What!?"

"Party!" Sabay na sigaw ni Jihyo at Momo.

"Bakit ba ang hilig niyong sumigaw?!" Inis na sabi ni Jeongyeon-unnie habang nag-da-drive.

"Ibaba niyo na ako." Sabi ko habang mangiyak-ngiyak sa inuupuan ko.

Ayoko ng ganung lugar e!

"Sumama ka na lang Sana." Sabi naman ni Jihyo.

"Paano kapag na-rape ako?!"

"Gaga! Walang magtatangka sinasabi ko na." Sabi ni Momo kaya binatukan ko siya. "Aray ko naman Sana!"

"Sa ganda kong to?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Diba Mina?"

"Oo na lang." Walang ganang sagot niya.

Grabe sila sa akin! T_T

"We're here guys!" Masiglang sabi ni Nayeon-unnie.

"Kyaaaaah!" Sigaw ni Momo at Jihyo sabay takbo sa loob ng bar.

"Tara na." Sabi ni Jeongyeon kaya pumasok na rin kami sa loob.

Pagpasok namin sa loob sumalubong naman sa amin ang mga makakapal na usok at maingay na tugtog. Naupo na kami sa counter at um-order ng drinks.

"Ang KJ Sana!" Sigaw ni Momo.

Ano nanaman bang problema ng babaeng to.

"Ano nanamang ginawa ko sayo?!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Bakit juice lang!?"

"Anong gusto mo uminom ako ng alak!" Sarcastic na pagka-sabi ko.

"Kaya nga nandito ka e!" Sagot ni Momo at naupo sa tabi ni Jihyo. "Buti pa si Mina."

"Hindi naman ako siya e!"

"Ewan ko sayo!"

"Guys!" Sabi ni Jeonyeon-unnie habang hawak ang kamay ni Nayeon-unnie. Nakita ko namang may kasama silang tatlong babae sa likod nila. "Friends pala namin ni Nayeon. Mas bata sa atin."

"Hi Unnies, I'm Son Chaeyoung."

"I am Kim Dahyun!"

"Zhou Tzuyu."

Nakita ko namang nakatulala si Momo kay Dahyun habang si Mina naman ay parang wala lang.

"I am Myoui Mina."

"I am Minatozaki Sana." Sabi ko. Hinihintay naman naming magpa-kilala rin si Momo pero nakatulala pa rin siya kay Dahyun.

Kaya siniko ko siya sa tagiliran.

"Ano bang problema mo Sana?!" Inis na sabi niya sa akin.

"Magpakilala ka kaya!"

"U-uh, Hi-Hirai Momo." Utal utal niyang sabi.

"Sorry sa kanila mga baliw talaga sila. I am Park Jisoo pero Jihyo na lang."

"It's okay." Sabi naman ni Tzuyu sabay ngiti ng nakaka-akit habang nakatingin sa akin.

Did she smile at me seductively or nag-a-assume lang ako?!

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon