•••INTRODUCTION•••

86.2K 3.3K 769
                                        

Naging mabilis ang paglipas ng panahon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naging mabilis ang paglipas ng panahon. Sa tatlong taong nagdaan, marami sa amin ang tumungtong na sa bagong yugto ng buhay.

Luh!
Ako na lang yata ang napag-iwanan.

Akalain n'yo yon? Ang mga gangsters na naging parte na ng buhay ko ay naging mas seryoso na sa buhay. Pero maniwala kayo sa akin, ang gangsters ay gangsters pa rin.

Si Boysa abala na sa kaliwa't kanang pamamalakad ng hotels nila. May tatlong bagong tayong hotel ang pamilya nila ngayon na mas tinututukan niya dahil ipinangalan na ang mga iyon sa kanya. Mas naging todo porma ang mokong ngayon at mas lalong tumaas ang kumpyansa niya sa sarili na siya ang pinakagwapong nilalang sa kubeta, este planeta pala.

Yung pinakabasagulero, aba! Isa na siyang sikat na nobelista ngayon. Napakalalim pala niyang tao. Akala ko noon puro basag-ulo lang ang trip niyang gawin sa buhay pero ibang-iba pala siya sa inakala ko. Abala man sa pagsusulat, may oras pa rin siya para pamahalaan ang Smith Winery nila ni Tita Julia na kasalukuyang nasa hanay na ng mga kilalang alak sa bansa.

Si Earphones naman hanga ako. Matatag pala ang loko. Matapos niyang mapilit na ilayo ng tuluyan ang Mommy niya sa kanyang Daddy eh naging mas pursigido at seryoso siya sa buhay. Magkatulong nilang pinapalago ng kanyang Mommy ang Holly Place na kasalukuyang may anim na naglalakihang buildings sa magkakalayong lugar. Gaya nina Bright at Jaxx, meron rin silang resorts na talaga namang hahanga ka sa ganda.

Mapapa-wow ka naman kay Sabogz. Big time pala talaga ang kengkoy na 'yon. Hindi naman kasi halata dahil may pagkakuripot. Hindi 'yon joke ah, totoo 'yon! Haha! Mayaman siya sa sasakyan dahil automobile manufacturing ang una sa hanay ng pinagkakakitaan ng pamilya niya. Ang yabang nga ni Sabogz dahil sa tuwing makikita ko siya iba-ibang kotse ang dala ng kumag. Haha!

Kamusta naman yung isa na gwapo na apaw pa sa katalinuhan na si Yohan? Siya lang sa pito ang nagsariling sikap. Ayaw niyang dumepende sa mga kaibigan lalo na sa PRIME dahil gusto niyang umangat sa sarili niyang paraan. Nag-apply siya noon, natanggap at sa maiksing panahon, dahil sa kakaiba niyang talino at galing ay nasungkit agad niya ang isang mataas na posisyon sa kanyang pinapasukan. Nakakalungkot lang dahil ano nga naman ang aasahan niya eh hanggang ngayon hindi pa rin siya natatanggap ni Tita Brenda. Pero kilala ko si Yohan, alam kong balewala sa kanya ang anumang problema lalo pa ngayon na kasing tibay na niya si Surot.

Ang Kuya ko? Pagkatapos niyang habulin at tapusin ang kanyang pag-aaral, sumabak siya agad sa paghawak ng isang bagay na pinangarap niya talagang mangyari... ang pagpapatakbo ng isang restaurant. Grabe! Ang astig ni Kuya. Nagsimula lang kasi siyang hawakan ang isang restaurant na iniregalo ni Mamoosh sa kanya pero kasabay ng paglipas ng dalawang taon eh dalawang restaurant pa ang naipatayo niya. At dahil sa kakakain ko, biruin n'yo 'yon nagkakalaman na ako ngayon. Haha!

Si Surot, ayaw niyang bitawan ang P.U. Siya pa rin ang namamahala ng school. Ewan ko ba sa Surot na 'yon. Siguro kaya niya ginagawa 'yon dahil hanggang ngayon nasa P.U pa rin ako. Pero isang taon na lang naman ga-graduate na ako... sana. Haha! Pero kinausap ko siya tungkol sa bagay na 'yon, kung bakit hindi niya maiwan ang school. Ang dahilan niya, ipinangako raw niya kay Gen.Thompson na hindi niya pababayaan ang P.U. Bukod sa pagpapatuloy ng P.U, may isa pa siyang gustong matupad, iyon ay ang sundan ang yapak ni Gen.Thomspon na hindi naman sinasang-ayunan ni Tita Brenda dahil ang gusto niyang mangyari ay pamahalaan ni Surot ang ilang mga negosyo o kumpanya ng pamilya Villareal.

Mapunta naman tayo sa mga girlfriends ng PRIME. Oo sila nga, ang mga kaibigan kong babae na sina Reiko, Heaven, Cheena, Erin, si Rue at syempre ang Pakner kong si Jane.

Nakikita ko pa madalas si Reiko sa P. U dahil nung maka-graduate siya pinursigi naman niya ang pag-master ng mga subjects dahil sa kagustuhan ng Daddy niya na si Sir Lopez. Gusto ni Sir Lopez na makapagturo rin si Reiko sa P. U na gaya nito. Ang problema, hindi iyon ang nilalaman ng puso ni Reiko. Magkaganoon man, dahil sa pagmamahal at respeto, sinunod niya ang kahilingan ng Daddy niya. Naku! Kapag nagkataon pala, si Reiko ang pinaka-hot na teacher sa P. U.

Si Heaven? Natutuwa ako para sa kanya. Naging daan ang pagkakaroon niya ulit ng paningin sa tinatakbo niyang karera ngayon. Pumapasok siya sa isang photography class. Nakahiligan niya kasi ang pagkuha ng mga litrato. At isa pa, may talento pala siya sa pagguhit. Pangarap nga niyang magkaroon ng exhibit ang mga gawa niya.

Mas lalong lumaki na ngayon ang Sugar House Cafe ni Cheena. Hindi talaga nawawalan ng tao araw-araw 'don kaya lagi rin siyang abala dahil gaya ng nakasayan ay kumikilos pa rin siya gaya ng isang normal na serbidora. Pangarap ni Cheena na mas makilala ang Sugar House Cafe sa paraan na alam niya. Para sa akin, isa siya sa pinakamasipag na taong nakilala ko.

Sigurado akong magugulat kayo kay Erin kung ano na siya ngayon. Ang kalog na magandang babae na lalaki kung manamit? Isa na siyang model ngayon. Luh! Nagulat talaga ako nung makita ko siya sa isang magazine. Iyon na pala ang pinagkakaabalahan niya mula nung bumalik siya ng America. Tingin ko nga sobrang nami-miss na siyang makasama ulit ni Earphones kahit na araw-araw naman silang nagkikita at nagkakausap sa pamamagitan ng video call.

Napapakamot naman ako ng ulo kapag naiisip ko si Rue. Kasi naman ang hirap-hirap kayang mag-aral, tapos siya graduate na siya sa P. U pero nag-enroll na naman siya. Pumapasok siya ngayon sa isang medical school dahil nito lang niya naisip na gusto pala niyang maging isang doktor. Hindi pa man pero proud na ako agad sa kanya.

Ang Pakner ko, sinasanay na siya ni Tita ngayon. Itinuturo na sa kanya ang mga dapat niyang matutunan dahil sa sandaling panahon na lang ay siya na ang kikilalanin na may-ari ng Amethyst Fashion. Ang bigat na responsibilidad. Kung ako ang nasa katayuan ni Pakner malamang maubusan ako ng dugo.

Ako?

Hmm... ano nga ba ang meron sa akin ngayon?

Wala eh. Nag-aaral pa rin ako.

Gaya nga ng sabi ko, ako na lang ang napag-iwanan.

Siguro nga wala akong mataas na pangarap na gaya nila.

Tinatanong ko rin nga minsan ang sarili ko... ano nga ba ang gusto ko?

Ano nga ba ang gusto ko sa buhay?

Hay! Wala akong maisip eh. Basta sa ngayon, gusto ko lang ma-enjoy ang buhay na kasama sila.

Ayokong magmadaling tumanda. Siguro dahil alam kong kaakibat no'n ang mas mabigat na responsibilidad.

Pero 20 na ako ngayon. Alam kong hindi ako habang buhay magiging isang bata. Alam kong balewala ang mga pinagdaanan ko noon sa mga kakaharapin ko pa sa kasalukuyan.

Hindi ako takot masaktan o umiyak. Ngayon pa ba sa dami na ng nai-luha ko?

Alam kong nakakapagod pero kailangan kong kayanin at malagpasan.

Basta ako ang magkukulay ng buhay ko.

Ako ang mag-iisip.

Ako ang magdedesisyon.

Ako ang mas nakakaalam kung ano ang dapat kong gawin.

Ako pa rin ito.

Ako pa rin si Check.

MS.RIGHT3Where stories live. Discover now