Chapter 36: Training

3 1 0
                                    

Matt POV.

Maaga kaming nagising lahat maliban kay Aeri na tulog na tulog parin nilapitan ko siya Hinalikan sa noo "Asawa ko gumising kana" sabi ko..

Nag inat siya at tinignan ang buong bahay "Nasaan na sila?" pagtatanong niya "nasa labas na sila mag ayos kana mauuna na ako sa labas" pagpapaalam ko..

Agad na lumabas ako at tinignan ni papa "oh? Nasaan na si Aeri? " tanong ni papa "ahh papunta na" sagot ko..

Ngayon na ang pag-eensayo ni Aeri sana maging maayos ang lahat upang mapasawalang sala ang kasal nila ni zillah.. Noon pa man ay alam ko nato pero di namin aakalain na pupunta pa dito sa mundo si zillah akala namin hindi na niya mahahanap pa si Aeri pero nag kamali ako..

"Ayan na pala si aeri maghanda na kayong lahat" sigaw ni mama lumapit sa akin ni Aeri at ngumiti..

Nakapajama at tshirt si Aeri at naka Ponytail mas maayos na din yan ang suot niya para komportable lang siya habang nag eensayo..

"Aeri pumunta ka sa Gitna" utos bang papa no aeri pumunta si aeri sa gitna..

Inikutan namin si Aeri at medyo malayo kami sa kanya.. katapat ko si aeri dahil alam kong sa ngayon hindi niya pa makokontrol ang kapangyarihan niya.

"Aeri simulan mong palabasin ang Soul beast" sabi ni mama.. Tumango Pinikit si Aeri kinuyom niya ang dalawa niyang Kamay..

Maya maya Biglang lumabas ang malaking Pakpak ni aeri at pagdilat niya ay kulay Puti na ang mata niya.. Tumingin ako kay Aeri at ngumit.. Sana okay lang si aeri nagulat ako nang Ngumiti din siya..

"Matt ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo.. Nakukuha nang atensiyon mo si Aeri" sabi ni Papa at nag thumbs up..

Makakaya to ni aeri dahil may tiwala ako sa kanya.. "Aeri ang Ace naman ang ilabas mo" sigaw ni mama

Kinakabahan ako pag Ace na ang nilalabas niya dito nang Hihina si aeri dahil sa nalabas na paa sa mga likod niya.. Biglang napasigaw si Aeri lalapit sana ako pero pinigilan ako ni papa "hayaan mo muna siya" sabi ni papa

Nailabas na ni Aeri ang ace at tumingin ako sa kanya nag thumbs up ako at ngumiti si aeri nasa sarili parin si aeri sana magawa niya pa pag nilabas niya ang Glanort..

"Aeri ang Glanort.. Dahan dahanin mo ang paglabas nang kapangyarihan nato" sabi niya..

Ang glanort ay kalahati nang Kapangyarihan niya nag Dark beast dahil nag lalabas to nang Apoy sa kanyang katawan.. Sumigaw si aeri at iba na ang boses niya natakot akong hindi niya makontrol ang glanort..

Maya maya Umaapoy na si Aeri tinignan ko siya nang biglang Ngumiti siya sa akin "Matt wag kang mag aalala" sabi ni aeri tatlong boses na ang naririnig namin sa kanya dahil nag halo halo na ang kapangyarihan niya..

Isang kapangyarihan nalang kaya na ni aeri kontrolin ang sarili niya.. Napatingin ako kay aeri nang biglang lumakas ang daloy nang Glanort sa katawan niya.. Sumigaw nang Sumigaw ni Aeri at Lumipad paitaas..

Black Spirit Where stories live. Discover now