Chapter 18: Date

3 1 0
                                    

Aeri POV.

pagkatapos ko kumain ako na ang nag hugas nang kinainan ko dahil si Matt pinag pahinga ko na siya..

Tumingin ako sa Sala at si matt di maalis ang tingin sa akin hays nag huhugas lang naman ako eh nag aalala siya nang husto.. Pagkatapos ko mag hugas pumunta na ako sa sala..

Tumabi ako sa tabi ni nanay lahat kami nanonood hanggang sa Tumingin sa akin si tito..

"Nga pala aeri mamaya pupunta kami sa kapatid nang tita mo pati ang nanay mo kasama " sabi ni tito.. "Ha!? anong oras po kayo uuwi? Tyka bat kasama pa si nanay?" pagtatanong ko

Aalis sila nila tita at nanay bat kaylangan pang kasama si nanay!? "Kapag ginabi kami edi bukas na kami uuwi tyka nandito naman si matt pati si roy aeri" sabi ni tito..

Nagaalala ako sa kanila lalo na sa kabilang Bayan nang espadaniya nakatira ang kapatid ni Tita natatakot akong baka may mangyari bigla sa kanila..

"Tito naman eh pano kayo doon? Sana naman di kayo mag tatagal doon diba? " sabi ko nag aalala talaga ako sa kanila oo maraming tao doon pero iba parin yung kasama nila ako.

"Aeri anak wag kana mag alala may kaylangan lang kaming asikasuhin" sabi ni nanay at hinawakan niya ang kamay ko..

Tinignan ko si nanay ayoko na kasing malayo kay nanay nag aalala ako sa kanya kung ano ano ang iniisip ko dahil nadala na ako sa nangyari kay Tatay at joy..

"Okay basta tito batayan mo si nanay please lang" sabi ko hinawakan ni tito ang balikat ko at tumango..

Pumasok na nang kwarto si nanay pati sila tito at tita dahil mag hahanda sila nang mga dadalhin.. Napatingin ako kay matt na nakangiti at tumabi siya sa akin..

"Aeri wag kana mag aalala nanjaan naman ang tito mo eh" sabi ni matt

"May tiwala naman ako kay tito eh tyka natatakot kasi ako di ako sanay na mawalay sa akin si nanay" sabi ko

Biglang lumabas na sa kwarto si Nanay at bihis na bihis na sila tito at tita din ay nakabihis na.. Maya maya may biglang bumusina sa labas nang bahay..

"Ajaan na si John tara na" sabi ni Tito kinuha ni matt at roy ang mga gamit nila at nilabas sa bahay kaming dalawa ni mina nakasilip sa bintana...

"Nay mag ingat ka ah" sigaw ko tumango si nanay sakin at sumakay na "roy at matt ingatan niyo yung dalawa" sabi ni Tito..

Sumakay na si tito at umalis na habang nalayo ang Trycyle mas lalong nag aalala pumasok na sa Loob sila matt at roy at umupo ulit sa Sofa..

Nanonood lang kami napatingin sa akin si Mina "nako ate aeri wag kana mag alala lagi naman ginagawa yan nila mama at papa noon na pumupunta sila kayla Tita" sabi ni mina..

Black Spirit Where stories live. Discover now