Chapter 20: Who I am

3 1 0
                                    

Aeri POV.

Nang makauwi kaming lahat bagsak agad sa kama sila mina at Matt kami na lang ni matt ang gising... At dahil malapit na mag gabi nilock na ulit namin ni matt ang bahay..

"Gutom kaba? Gusto mong magluto ako? " tanong ni matt tumango na lang dahil sa Paglalakad siguro kanina nagutom ako bigla..

Nanonood ako sa sala at si Matt naman ay nasa kusina habang nanonood ako biglang sumigaw ni matt..

"Matt!? Anong nangyari sayo!!? " tinignan ko si matt pero bigla siyang tumawa.. "Hahahaha di mo kasi ako pinapansin eh" sabi niya

Hinampas ko siya sa braso niya hays!? Pinagalala niya ako!!?  "Masamang biro yan matt nakakainis ka! " sabi ko tumawa lang siya at niyakap ako..

"Namiss lang naman agad kita eh sige na balik kana doon" sabi niya.. Nakakainis tong matt nato hindi biro yung sisigaw siya bigla mamaya kung anong mangyari sa kanya eh!..

Nang makatapos na siya mag luto agad akong pumunta sa Kusina "ano niluto mo? " tanong ko.. Kukuha na sana ako nang pigilan niya ako

"Hep hep magbihis ka muna doon bili bili" paguutos niya tinarayan ko na lang siya at Pumunta sa Kwarto..

Kumuha ako nang Pajama at medyo malaking Tshirt at Nag messy bond ako.. Pagkatapos mag palit Lumabas na ako nagulat ako nang makitang naka Boxer at naka topless si matt dahil nakuha siya sa bag niya nang damit..

Napasigaw ako at tinakpan ang Muhka ko.. Huhuhuhu nakita ko yung abs ni matt este yung katawan niya WHA!? Ano ba yan!? "Alisin mo na ang pagkakatakip sa muhka mo" sabi ni matt.

Unti unti kong Tinggal ang kamay ko at nasa harap ko na si Matt shem!? Ang pogi niya sa damit niya..

"Hahaha sorry akala ko kasi matatagalan ka sa loob kaya nag bihis din ako" sabi ni matt ngumiti na lang ako..

Habang papunta kami sa Kusina nakita kong ang ikli masyado nang Boxer ni Matt at ang halay sa kanya dahil ang tangkad niya..

Umupo na kami at kumain nagluto siya nang Lomi at nang Hotdog sa sobrang gutom ko ang dami kong nakain.. "Hays dahan dahan naman" sabi niya

Nang makatapos kumain sabay naming hinugasan ang mga plato "Umupo kana doon at magpahinga " sabi ni matt "ehhh ayoko gusto ko tumulong tyka kanina ka pa kaya kilos nang kilos dito" sabi ko..

Hinayaan na niya lang ako tumulong wala naman din siyang magagawa eh mapilit ako.. Nang makatapos kaming mag hugas umupo kami sa Sofa at si matt humiga..

Nilagay ko ang Ulo niya sa hita ko at ginugulo ang buhok niya "Matulog kana alam kong pagod ka" sabi ko tumango lang siya at Pumikit na tinitignan ko ang muhka ni Matt..

Siguro may dahilan kung bakit kita nakilala matt hindi lang dahil pasiyahin at mahalin mo ako kundi may mas malaking dahilan kung bakit ka dumating sa buhay ko..

~~

Nagising ako sa Malakas na katok nakita kong ganun parin ang Pagkakahiga ni matt tumayo ako at tinignan ko ang oras 7:19 am na sumilip ako at nakita ko sila tito..

Black Spirit Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang