Chapter 19: Jealous

3 1 0
                                    

Matt POV.

From: Aeri <3 asawa ko

Hahahaha hindi nila ako tinitignan asawa ko kasi busy silang maglaro tyka walang pogi dito mamimiss ko na nga yung muhka mo eh

Napangiti ako sa text no aeri kahit kaylan talaga siya lagi niya na lang ako pinakikilig.. Sabihin na nilang bakla ako dahil kinikilig ako Natural lang yun dahil Kahit ang lalaki basta mahal niya ang bumanat nang ganto Kikiligin ka talaga..

"Kuya matt pwede ba tayong bumili nun" sabi ni roy at tinuro ang scarf na kulay Pula na may Dragon na design..

Hindi na ako nakapag reply kay aeri siguro mamaya na lang dahil maraming tao dito sa plaza.. Nakipag siksikan kami ni roy sa mga daan ang hirap mag lakad dahil sa dami nang tao.

Binili nanamin ni roy ang scarf at agad kaming umalis doon dahil dagsa na ang mga tao bigla may nakita akong sing sing kaya agad kong pinuntahan yun..

Kulay silver ito at Matching Rings ang dalawa tinignan ko ito at may Iloveyou ang nakalagay dito..

"Ayieeee bilhin mo naaaa" pangaasar ni roy "magugustuhan kaya to nang pinsan mo? " pagtatanong ko

"Oo naman lahat naman nang binibigay doon mahalaga para sa kanya" sabi ni roy agad ko binili ang sing sing at pinabalot ko pa para mamaya pag sakay namin sa Ferris wheel doon ko ibibigay sa kanya..

Bumili na din kami nang pakain ni Roy dahil baka Gutom na yung asawa ko.. Binilisan nanamin ang pagbili dahil narinig na namin yung busina sa court..

"Tapos na yung laro bilisan nanatin" sabi ko agad kaming pumunta ni roy at nakita naming wala na sa pinag upuan namin sila mina at Aeri..

Nasaan na yung dalawa.. Bigla akong kinabahan OA na kung OA baka kasi may kung anong mangyari sa kanya..

"Kuya matt ayun si mina oh" sabi ni roy tinuro ni roy si mina kaya agad naming pinuntahan si mina nakita naming nakikipag usap si mina sa lalaki na moreno at kasama ata ang mga kaibigan niya..

"Mina asaan ang ate aeri mo?" tanong ko "Nandoon si ate aeri kanina eh" sabi ni mina..

Nagtingin tingin kami nila roy at mina nasaan na si Aeri agad ko siyang tinawagan pero di niya sinasagot at dumadami na lalo ang mga tao dito..

"Kuya matt ayun si Ate aeri oh! " sigaw ni Mina..

Nakita kong may kausap si mina na lalaki biglang nanginit ang ulo agad naming nilapitan si aeri at saktong malapit na ako kay aeri biglang nagtanong yung lalaki..

"Weee May boyfriend na ang First love ko?... So nasaan ang syota mo? " sabi nito

Mas lalong nang init ang ulo ko nang sabihin niya ang First Love tsss..

"Ako syota niya tol? May problema ba tayo? " sabi ko

Black Spirit Where stories live. Discover now