Chapter 12: Carmona

4 1 0
                                    

Aeri POV.

Isang linggo na naman hindi nagparamdam at nag pakita si Matt sa akin kagaya nang dati hindi ko na kaya gusto ko na siyang makita dahil sa isang linggo na yun nagiging manhid nanaman ako..

"Aeri okay ka lang ba may sakit kaba? " tanong ni tito umiling na lang ako at ngumiti..

Habang kumakain kami nakatingin silang lahat sa akin "wag niyo nga akong tignan nang ganyan " sabi ko bigla silang nag tawanan at parang naaligaga sila..

Tinapos ko na lang pagkain ko at biglang may kumatok sa pinto.. Agad kong binuksan ang pinto na nag babasakaling siya na yan nag balik na siya kagaya nang dati mahigit isang linggo siyang nawala...

Pagkakita ko sa taong nasa harapan ko lalo akong nalungkot gusto kong umiyak hindi si matt ang nasa harapan ko kundi si Tita karla ang Mama ni joy...

Agad na tumingin din sila nanay at Tita kung sino ang nasa pintuan.. Nagulat ako nang yakapin ako ni Tita karla..

"Tita karla anong nangyari? " tanong ko umiyak nang umiyak si Tita karla kaya nagtataka na sila nanay at Tita..

Pinaupo namin si Tita karla sa upuan at kinausap nila nanay, tita at tito ang mama ni joy at kaming tatlo nila roy at mina nakikinig lang...

"Karla anong nangyari bat napapunta ka dito? At bakit ka umiiyak? " tanong ni tito tumingin sa akin ang mama ni joy bago mag salita..

"Si Joy.. Patay na si joy" nagulat ako sa sinabi ni Tita karla agad akong napaluhod at napaiyak hindi pwede hindi pwedeng ganto..

Inalalayan ako ni Roy at mina na makaupo sa Sofa at Binigyan ako nang tubig..

"Kaya pala ilang araw na nahimik ang bayan natin dahil ang mga black spirit ay Buong sumalakay sa Bayan nang Carmona ngayon sabi nang tiga pagbalita na ang bayan nang carmona ay muntik nang maging bayan nang bolon kung hindi lang na iligtas ang lahat baka Burado na ang bayan nang carmona ngayon" sabi ni tita.

Hindi ako makapaniwala totoo nga ang sinabi ni tito at sir. Luis na walang katiyakan pa ang nangyari sa nag daang araw na wala manlang sumalakay sa bayan namin dahil sa bayan nang carmona sila sumalakay...

"Sa ngayon ang mga nakaligtas sa bayan nang carmona at inilipat na sa bayan natin at pupunta kami ngayon doon dahil Kukunin namin ang bangkay ni joy" sabi ni tita karla mas naiyak ito hinawakan ni Nanay ang kamay ng mama ni joy..

Kinuyom ko ang mga Kamay ko nag pabaya ako kay joy nung una si tatay ang pinatay nila ngayon naman si Joy bakit laging malalapit na mahal ko sa buhay ang pinapatay nila!?..

"Tita karla sasama ako sa inyo" sabi ko napatingin silang lahat sa akin lalo na si nanay nagulat siya sa sinabi ko..

"Hindi mo na kaylangan sumama Aeri kaya na ako nag punta dito dahil para malaman mo" sabi ni tita karla..

Black Spirit Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz