You said goodbye, when I told you I love you.

6.7K 15 6
                                    

A/N :  Naisip kong isulat tong story nito nung mapanood ko yung MV ng 'Don't say Goodbye' by Davichi. Panoorin niyo siya, nasa gilid yung video ^^

----------------

Papasok na si Marc nun sa bahay niya ng makita nyang gumalaw yung basurahan.  Nilapitan niya yung basurahan at nagulat sa nakita niya.  May babae dun. Agad niyang kinuha yung babae at inalagaan niya.  Nang magising yung babae nalaman niya yung name nito.  Siya si Jane.  

Tinanong ni Marc si Jane kung bakit siya napunta sa basurahan, pero hinde sumasagot  si Jane. Kaya hinde na lang niya ito kinulit.  

Isang linggo narin ang nakalipas, at naging close silang dalawa.  

"Maganda siya, sa totoo lang may kamukha siya. Yung girlfriend ko, si Elaine,  3 yrs. na siyang nawawala at hanggang ngayon hinde ko parin siya nakikita.  Mahal na mahal ko si Elaine. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko kay Jane ? Bakit ang sarap sa pakiramdam kapag kasama ko siya at kapag nakikita ko siyang masaya ?"     sabi ni Marc sa sarili niya ng asa loob na siya ng kwarto. 

Kinabukasan naisipan ni Marc na ipasyal si Jane.

"San ba tayo pupunta Marc ?"

"Secret ^^  Magpahinga ka muna, malayo-layo pa kase yung pupuntahan natin, wag kang magalala, alam kong mageenjoy ka dun ^^"   

At umiglip muna si Jane. 

"Dadalhin ko siya sa paboritong lugar ni Elaine."     bulong ni Marc, habang nagmamaneho.

***********

"Ang gwapo niya talaga ^^ Sa tingin ko mahal ko na ata siya, kaso baka naman may mahal na siyang iba. Hayy~  makaiglip na nga lang muna."  

***********

After 2 hrs.

"Jane, gising na. Andito na tayo."    

Nagising agad si Jane ng marinig niyang kinakalabit siya ni Marc.

"Ah, okay"  

Paglabas niya ng sasakyan,  napanganga siya sa ganda ng lugar.  Presko yung hangin, malinis yung kapaligiran. Payapang - payapa.

"Waaaaa ! Ang ganda naman ditooo~"   sabi niya habang tumatakbo sa lugar na yun. 

"Ganitong lugar ang gusto ko ! Payapa ! Nakakalimutan ko yung mga problema ko pag andito ako."  sabi ulit ni Jane. 

Kitang-kita sa mukha niyang masaya siya.  

Inayos ni Marc yung tent nila.  Magstay sila dun hanggang mamayang hapon. Napangiti naman siya ng makitang masaya si Jane. 

Pagkatapos niyang itayo yung tent nila, sinundan naman niya si Jane na naglilibot dun sa lugar, at naglaro silang dalawa ng habulan. Ng mapagod na sila ay pumunta sila sa tent nila at nagpahinga. 

"Thank you Marc ha, sa lahat-lahat.  Sa pagaalaga sakin, sa pagdala sakin sa lugar na to, salamat." 

"Wala yun Jane ^^" 

At nagkatitigan silang dalawa, ng unti-unting lumapit si Marc sa mukha ni Jane, hanggang sa nagkadikit yung mga labi nila.  Parehas silang nakangiti pagkatapos nun. 

"I love you"  sabi ni Jane kay Marc, at niyakap naman siya ni Marc.

"I'm sorry Elaine.  Don't worry kapag nakita na kita, iiwan ko na si Jane. Kaya hanggang hinde pa kita nahahanap, kay Jane muna ako."    sabi ni Marc sa isip niya, alam niyang mali tong ginagawa niya dahil alam niyang may masasaktan siya. Pero tinanggal niya muna yun sa isip niya at nagsaya.

"Ang saya-saya ko ngayong araw na to, I love you Marc."    sabi ni Jane kay Marc habang natutulog ito. 

Naging masaya silang dalawa. Lalo na si Jane, masayang-masaya siya sa piling ni Marc. Pero isang araw  may tumawag kay Marc.

Unknown Caller :   Nawawala ang girlfriend mo diba ? Nasamin siya. Kung gusto mo siyang makuha, ibigay mo samen yang babaeng na sayo.

Marc :  Sino to ? At asan ang girlfriend ko ? 

Unknown : Magkita tayo sa lugar na paboritong puntahan ng girlfriend mo. Maghihintay kame. *End call*

Hinde alam ni Marc ang gagawin niya, makikita na niya ang girlfriend niyang nawala ng ilang taon, pero anong mangyayari kay Jane pag bingay niya ito ?  Hinde siya makapagdesisyon ng maayos.  Hinde niya alam kung ano ang tamang gawin.  

Pagkatapos ng ilang oras nakapagdesisyon na siya. 

"Magbihis ka Jane, aalis tayo"  

"Ha ? Osige ! Sandali lang ha ^^"   at tumaas na si Jane para magpalit ng damit. Nagsuot siya ng magandang damit, masaya siya dahil ipapasyal siya ni Marc. 

Pagbaba niya ay agad siyang pinasakay ni Marc sa kotse at umalis na sila. Hinde naalis yung mga ngiti sa labi ni Jane. 

"I'm sorry Jane. Pero kailangan ko tong gawin, mahal na mahal ko si Elaine. I'm sorry"    sabi ni Marc ng mapatingin siya kay Jane, pero pabulong niya lang sinabi. Kitang-kita niya sa mukha nito yung kasayahan,  at naawa lang siya dito dahil wala itong kaalam-alam sa mangyayari mamaya. 

Pagdating nila sa lugar ay masayang bumaba si Jane. 

"Magtatayo ba tayo ulit ng tent dito ?"

"Hinde Jane, may hinihintay lang ako"

"Ah ^^" 

Pagkaraan ng ilang minuto ay may dumnating itim na kotse at may 2 lalaking nakasuot ng itim na suit ang lumabas, may nilabas silang babae.  Nakatingin lang si Jane at Marc sknila. Maya-maya ay sumenyas yung isang lalaki na pumunta sila dun. 

Hinawakan ni Marc sa braso si Jane. 

Kinakabahan si Jane, hinde nya gusto yung mga tingin ng 2 lalaki saknya, at pakiramdam niya ay may mali.

Ng malapit-lapit na sila ay nakilala ni Jane yung 2 lalaki, mga sindikato ito, mga lalaking kumukuha ng magagandang babae para ibenta, ito yung mga lalaki na tinakasan niya noon kaya siya nagtago sa basurahan. 

"Marc ! Umalis na tayo dito."  

Pero hinde sumasagot si Marc at tuloy parin siyang dinadala. 

"Marc ! Bitawan mo ako, ayoko dito. MARC !" 

"I'm sorry Jane."  

"No Marc. Wag ! Please !"  

Patuloy siyang lumalaban sa mga hawak ni Marc pero wala siyang magawa, malakas si Marc. Ng makalapit na sila ay agad siyang kinuha ng isang lalaki.

"Bitawan mo ako ! Bitawan mo ako ! Marc, tulungan mo ako !"   pagpupumiglas niya. 

"Oh ayan na ang girlfriend mo ! Umalis na kayo !"   binigay nung isang lalaki yung babae kay Marc. 

"WAG ! MARC WAG MO KONG IIWAN ! WAG MO KONG IWANAN SA KANILA ! WAG ! MARC PLEASE ?!  DON'T GO !  I LOVE YOU !"  sigaw ni Jane kay Marc, habang kinakaladkad na siya ng 2 lalaki sa loob ng kotse. 

"I'm sorry Jane. I don't love you. Goodbye."   yun lang ang sinabi ni Marc at umalis na akay-akay yung 'girlfriend' niya. 

Habang siya ay tinitingnan lang ang dalawa na papaalis, umiiyak siya. Gusto niyang lumaban pero nawalan siya ng lakas, dahil sinuntok siya sa tyan ng isang lalaki.  

"Marc...."         sabi ni Jane habang nakatingn sa bintana,  nawalan na siya ng lakas. unting-unti ng lumalabo yung paningin niya, pero tiningnan niya parin yung lugar na dating malaya siyang nakakatakbo, yung lugar na dati'y payang-payapa at yung likod ng lalaking mahal na mahal niya na ngayon ay naglalakad papunta sa sasakyan niya na kasama ang isang babae, at hinde ako yung babaeng yun, yun ang pinakamasakit sa lahat. 

"Don't go......"    huling sinabi ni Jane at tuluyan na siyang nawalan ng malay . 

 -END-

Mga kwento ng pag-ibig <3On viuen les histories. Descobreix ara