Mga kwento ng pag-ibig <3

26.8K 53 27
                                    

* I, who loves you*

" YUI ! Tulungan mo naman ako oh."   

"Ano na naman ba kase yun Kevin ?"  

Ayy ! Hinde pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Yui - (as in Yuy)  highschool student. At yung Kevin, bestfriend ko, naging seatmate ko siya nung 2nd year kami tas ngayon sobrang close kame sa isa't-isa.  Jusko~ hinde ko nga alam kung bakit ako nakipagkaibigan dyan ! Sobrang kulit ! Yui dito, Yui doon. HAYYY ~ Kase ba naman, nagpapatulong siya saken, may nililigawan siyang babae, si Mica. Nagpapatulong siya saken in a way na bibigyan ko siya ng advice, kung tama ba yung ganito yung ganyan. Kung anong mas magandang ibigay or iregalo, yung ganun. kaya kahit gabing-gabi na itetext niya parin ako at kukulitin. Tulad ngayun. 

"Malapit na kasi birthday ni Mica, ano bang maganda ibigay ? Bracelet or Necklace ?"   text sakin ni Kevin. 

"Hay, si Mica na naman ? Lagi na lang siya topic namin, hinde ba pwede na pag nagusap kami hinde siya masasali sa usapan ? HAYY ~ nakakapaselos talaga </3 "   bulong ko sa sarili ko. 

OO ! may gusto ako kay Kevin. Naaasar nga ako sa sarili ko eh, nung una palang pinagsabihan ko na yung sarili ko na wag na wag mahulog sakanya.  Kaso nainlove parin ako eh, kaya ngayon na nasasaktan ako wala akong dapat sisihin kundi sarili ko. Hinayaan kong mahulog ako sakanya.  

"Ikaw ! ano bang gusto mong ibigay ? Tsaka Kevin hinde ba pwedeng bukas mo na lang itanong yan ? Tingnan mo nga oh ! Gabing-gabi na may pasok pa tayo bukas -__- " 

"Awww , sige na nga bukas nalang ! PERO, dapat bukas may sagot ka na ha ! Goodnight YUI ! "  

Talaga naman tong lalaking to, oo ! Bakit ako ang magdidi-desisyon ? HAAYY ~ 

Sa totoo lang tnry ko siyang iwasan dati kaso nahalata niya ata at ayun.... 

"HOY YUI ! "   sigaw saken ni Kevin pagpasok ko sa classroom.   "Patay !"   

"Iniiwasan mo ba ako ha ?!"  sigaw niya ulit sakin pero ngayon nasa harap ko na siya.  Arrgh ! Anong gagawin ko ? 

"H-ha ? A-anong pinagsasabi mo ? H-hinde kita iniiwasan."    Shit ! Kinakabahan ako ! Mukha siyang galit na galit. 

"HINDE ?!  Tatlong araw mo na akong iniiwasan ! Tinetext kita, hinde ka nagrereply, sabi mo wala kang load ! Pero bakit nung tinext ka ni Jessa, nagreply ka ! Akala ko ba wala kang load ha ? AT isa pa ! Kinakausap kita kahapon, hinde mo ako pinapansin ! BAKIT BA ?!"    Sigaw ulit niya. JUSKO ! Sana bigla akong lamunin ng lupa !  Lahat na ng classmate namin nakatingin samin. 

"P-pwede ba wag kang sumigaw ? Asa harap mo lang ako oh ! Ang sakit sa tenga ng boses mo ! NAKAKABINGI ! "   sigaw ko rin sknya. Tas  bigla na lang niya akong niyakap. 

"Hehe, sorry kung sumigaw ako ^^ Ikaw kase eh. Bakit kasi hinde mo ako pinapansin ?"   sabi nya sken pagkatapos niya akong yakapin, ganyan talaga kami kaclose.  

"Ano ba kasing kailangan mo sakin Kevin ?"   

"Ano kase, si Mica................."   OKAY ! SI MICA NA NAMAN ! ARRGH ! DAPAT HINDE KO NA LANG TALAGA SIYA PINANSIN ! 

Ayun, nagpansinan uli kami. HAYY~ Makatulog na nga, inaantok na ako. 

*Kinabukasan*

Andito ako sa canteen ngayon kasama ko si Kevin. Kinukulit niya na naman ako about dun sa 'gift thingy' .  At nagkukwento rin siya tungkol kay Mica, yung pinagusapan nila nung magkatext sila kahapon. 

"Kwento ka ng kwento tungkol sakanya, hinde mo alam gusto kita :'("    bulong ko. 

"Ha ? May sinasabi ka ba Yui ?" 

"Ah, wala ^^ tuloy mo lang yung kwento mo"   

At nagkwento ulit siya.  Ang sakit naman, kung sino pa yung mahal mo, siya pa yung kaibigan lang ang turing sayo :(   gusto ko umiyak ! Ang sakit-sakit talaga ! Sana kase sinusulat na lang ang feelings ! Para madaling burahin </3 

*Sabado*

"YUI !"    narinig kong may sumigaw ng name ko sa labas ng bahay, kaya agad akong lumabas.

"Oh Kevin, anong ginagawa mo dito ?"   

Niyakap niya ako bigla, yung mahigpit. Ang sarap sa feeling ng hug niya, sana ganito na lang kami lagi. 

"Yui ! KAMI NA ! Sinagot niya na ako ! Sinagot na ako ni Mica ! At ngayon may date kami, pumunta ako dito para sabihin sayo. Ang saya-saya ko !"  

"O-oh ? C-congrats ! masaya ako para sainyo *fake smile*"     

"Salamat ! Sige, magaayos pa ako para sa date namin mamaya ! Bye ! Thank you sa lahat ha !"    at umalis na siya,  at hinde ko narin  napigilan yung mga luha ko. 

"Ngayon lang kita nakita ng ganyan kasaya Kevin. Dapat maging masaya  ako para sayo, pero I'm sorry, ang sakit kase  ! Sobrang sakit !   Nagsinungaling ako nung sinabi kong masaya ako para sainyo kasi ang totoo sobrang nasasaktan ako."  

Mga kwento ng pag-ibig &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon