Chapter 12

7 1 0
                                        

"Gabbbyyyy!!!" sigaw ni Charlice pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto. Kasama niya si Xander na pinsan niya at ang linta na si Chaelin.

"Tone down your voice, Charlice!" sita ni Chaelin pero siyempre ang ate mo Charlice inirapan lang si Madam Linta.

"Out of my way" saad ni Charlice at sinadyang bungguin si Chaelin pero sobrang hina lang.

"Guys, let's eat." Saad ni Alexena na kasama si Kurt. At bakit niya kasama bebe ko?! Nakatingin naman sa akin si Kurt pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Duh, I won't show to him na affected ako besides si Zoe lang nakakaalam na crush ko siya.

"Gabby, let's go surfing later!" pangaaya ni Charlice sa akin habang hawak niya ang kamay ko. Tumango naman ako bilang pagsangayon. Siyempre gusto ko rin sulitin bakasyon ko no!

Pagkarating namin sa canteen ay naabutan na namin ang iba na lumalantak na, ang kapatid ko na si Adrian naman ay kasama ang dalawa niyang kaibigan at may sarili silang mundo.

"So, what are your plans guys?" panimula ni Alexena

"Madami and you're not included." Sagot naman ni Charlice, ang laki ng galit niya kina Alex no? Napabuntong hininga naman si Xander at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Party all night" saad ko nagningning naman ang mata ni Charlice.

"Omg! Yaaas!" tuwang-tuwa niyang saad, may saltik talaga tong batang to eh.

"That's it?" tanong ni Kurt, tumango naman ako.

"Guys, sorry we're late!" nabaling ang atensyon naming kay Zoe at Baste na kakarating lang. Hindi na ko nagtanong kung saan sila nanggaling, alam kong nagquality time sila. And yes, tama kayo ng iniisip. People, may something sakanila.

"Maga-island hopping kami ni Xander." –Chaelin

"Ay! Gusto ko yon! Omg! Sama ako! Sama tayo my friend di ba?" tumingin sa akin si Charlice at pasimpleng kinindatan, nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Since wala kaming plans this morning, yes let's come with them." Kinindatan ko naman si Charlice.

"What's wrong with you two?" nanggagalaiting tanong ni Chaelin, patay malisya naman si Charlice.

"What? Wala ba kaming karapatan pumunta don?" tanong ko

"I'll come with you." Singit ni Caleb

"The more the merrier!" I smirked, my devil inside me wants to come out, what to do?


BAD NERDWhere stories live. Discover now