Chapter 9

20 1 0
                                        

Naglalakad ako ngayon sa village na tinitirhan ng pinsan ko na si Caleb. Nerd look? Nope, nakacontact lense ako at nakadress.

Naglalakad ako nang may humintong motorsiklo sa gilid ko. Tinaggal nito ang kanyang suot na helmet..

"Hi" bati niya..

"K-kurt?" ♡○♡ Hindi makapaniwala kong saad sa pangalan niya.

He's looking at me intently. Fudge! It's getting hot here!

"You know my name eh? How come?" Tanong niya

Omg! Hindi niya pala ako kilala sa ganitong ayos! What am I going to say? What now?

"Ahhh. R-really? K-kurt talaga name mo?" Wala na akong maisip!

"Don't lie, you know who I am and I know who you are." Saad niya

"H-how come?" Tanong ko

"See? You're the loud nerd I know." At napasapo na lang ako sa ulo ko. Wait? Bakit ba ang big deal sa akin? Eh ganito naman talaga ako dati pa.
"What do you need?" Tanong ko

"Where are you going?" Tanong niya

"I asked you first." Saad ko at napakamot lang siya ng ulo.

"I am going to my friend's house. Hop on, I'll give you a ride." Aya niya, hindi naman ako agad kumibo at ibinaba ang tingin ko sa suot kong dress.

"Hehe, I can't.. look what I'm wearing. You go ahead, don't mind me. Thanks though" saad ko kahit sa loob ko ay sayang na sayang ako! Huhu

Tumango naman siya at saka pinaandar na ang kanyang motorsiklo.

Nang hindi ko na siya maaninag ay...

"Ahhhhhh!!!!!!! Omgggg!!!!!!!" Saad ko at nagtatalon sa gilid ng kalsada nang binusinaan ako ng humaharurot na sasakyan ay saka ako napatigil.

Makalipas ang paglalakad ko ay narating ko na ang bahay ni Caleb.

Naabutan ko ang isang kasam-bahay na naglilinis ng hardin at agad akong pinapasok.

"Si Caleb?" Tanong ko sa kasam-bahay.

"Ayyy, lumabas lang po siya saglit kasama yung kaibigan niya. Babalik din siya kaagad." Sagot niya at tinanguan ko naman ito.

Si Caleb lang ang nakatira dito sa bahay nila kasama ang ibang kasam-bahay dahil ang kanyang mga magulang ay nasa ibang bansa,once a year lang sila umuuwi.

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan mula sa labas, senyales na dumating na si Caleb. Lumabas ang kasam-bahay upang pagbuksan siya ng gate.

Palabas pa lang ako ng pinto nang bumungad sa akin si...

"I-ikaw?" Gulat na saad ni Alexander.

"Bakit hindi ka pa pum-" hindi naman natuloy ni Kurt?! Ang kanyang sasabihin nang mapansin ako.

Agad namang hinanap ng mata ko si Caleb at nagtama naman ang mga mata namin.

"Hindi mo naman sinabing nandito pala babae mo." Saad ng isang lalaking hindi pamilyar sa akin.

"Oh? Magkakilala kayo Xander?" Tanong ni Caleb kay unggoy. Gumilid naman ako para makapasok sila at napayuko, nakatingin kasi si Kurt eh! At bakas sa mukha niya ang pagkagulat, nako! Baka iniisip niya babae ako ni Caleb!

"Hi miss!" Bati ni Jaxon? Kung hindi ako nagkakamali.

"Hi your face" walang gana kong saad at tinalikuran sila.

"Oohhhhhhh..." saad ni Caleb

"Hula ko pre, sa club mo nakilala yan." Saad ni unggoy, napairap lang ako. Halatang hindi niya pa rin nakakalimutan ang nangyari nuong gabing yon.

BAD NERDWhere stories live. Discover now