"Nakabusangot ka diyan?" Tanong ni Adrian sa nakatatanda nitong kapatid na si Gabriella.
"Namumuro na sa akin yang Chaelin na yan e. Konting-konti na lang papatulan ko na yon." Nanggagalaiting saad ni Gabriella.
"Magbabalik-loob ka na ba? Hahahahaha. Namimiss na kita Ate Sofia!" Panunukso sa kanya ni Adrian habang natatawa-tawa.
"Stop teasing me, will you?" Naiiritang saad ni Gabriella Sofia Lim.
"For now, sure. (Ibinulong kay Gabriella) Hahahaha." At saka tumawa na parang may saltik. Itinaas naman ni Gabriella ang kanyang gitnang daliri at itinapat kay Adrian.
"That's more I like it! Hahahaha" pumapalakpak na saad ni Adrian saka ito dumistansya nang malayo.
Dumating naman ang kaibigan ni Gabriella na si Zoe bitbit ang isang malaking paper bag.
"Let's party!!!" Sigaw ni Zoe pagkapasok na pagkapasok sa bahay nina Gabriella at Adrian.
Padabog naman itong umupo sa tabi ni Gabriella na pinagmamasdan ito nang nakataas ang kilay.
"Oo na! Oo! Kung sakaling tanungin mo ko kung stress ako." pangunguna nito kay Gabriella.
"Wala pa nga akong sinasabi." Saad ni Gabriella at sinilip ang laman ng paper bag.
"Ate Zoe!" Tawag ni Adrian rito.
"Oh?!" Sigaw ni Zoe.
"Araaay!" Inda nito nang batukan siya ni Gabriella.
"Wag kang sumigaw!" Bulyaw ni Gabriella.
"Oohhh? (Mahinhin na boses)" ulit na sagot ni Zoe at saka tinaasan nang kilay ang kaibigan.
"Wag ka kasing masyadong mastress kay Sebastian. Hahahahaha." Pangaasar ni Adrian at saka pumanik nang kwarto.
"Nako, masasampal ko na yang kapatid mo." Naiinis na saad ni Zoe. Tinawanan na lang ito ni Gabriella dahil kahit siya ay hindi nakakawala sa mga panunukso at pangaasar ng kapatid.
Nagbihis ang dalawang babae na iba sa pagiging "nerd" kung tawagin. Hilig ni Gabriella ang itim kaya naman halos lahat ng isinusuot nito ay itim samantalang ang kaibigan nito na si Zoe ay mahilig naman sa puti.
At Sparkly Bar
"Ang daming papa! Ang galing nung sumasayaw! Ang hot ni kuya! I'm drooling! Oh my gosh!" Maligalig na saad ni Zoe habang hatak-hatak ang kaibigan na si Gabriella.
"Kumalma ka nga! (Bulyaw nito) If I know, nagiisa lang ang pogi sa paningin mo. (Bulong sa sarili)" saad ni Gabriella habang pinagmamasadan ang paligid.
Tawanan, hiyawan, landian, sayawan, inuman, yan ang kadalasang kaganapan sa mga bar. Nagkalat ang mga naggagandahang mga dilag at mga matitipunong mga kalalakihan.
Hatak-hatak ni Zoe si Gabriella nang hindi sinasadyang mabunggo ni Gabriella ang isang lalakeng pasalubong sakanya. Agad namang napahinto si Zoe at Gabriella at hinarap ang lalaking hindi maganda ang aura.
"Sorry! I didn't mean it." Panghihingi nang paumanhin ni Gabriella habang nakatingin sa tumapong alak sa damit ng lalake at saka sinamaan ng tingin ang kaibigan na si Zoe na nagaalangang ngumiti.
"Pwede naman kasing maglakad kung bakit kailangang tumakbo? Hindi ka mauubusan ng lalaki dito." Iritableng saad ng lalake. Nanlaki naman ang mata ni Zoe at agad iginapos ang kamay sa braso nang kaibigang si Gabriella.
"Huh?! Excuse me?" Pabalang na sagot ni Gabriella at tinanggal ang kamay ni Zoe na nakakapit sa braso niya.
"You heard me, hindi mo kailangang magmadali dahil hindi ka mauubusan ng lalaki dito. Tignan mo ginawa mo! Aish!" Paguulit nang lalake na inis na inis habang pinupunasan ang polo nito.
"Ahh-ehhh... A-alexander, sorry. Ako kasi talaga may kasalanan! Hinahatak ko siya kaya hindi sinasadyang mabunggo ka niya. Pasensya na!" Singit ni Zoe, kumunot naman ang noo nang lalake at tinitigan ang dalawang babae.
"You know my name huh? Ah! Bakit hindi nga ba hindi ko naisip agad. You want my attention? You now have it!" Nanggagalaiting saad ng lalake habang pinapatay sa tingin ang dalawang babae pero hindi naman nagpatalo si Gabriella.
"Ang kapal! Ang hangin! Humingi na nga ng tawad di ba? At ano bang pinuputok ng butsi mo? Na ty-" hindi na natuloy pa ni Gabriella ang kanyang sasabihin dahil hinatak na siya ni Zoe.
"Fuck that guy!" Sigaw nito sa inis.
"Tsk. Tsk. Bad nerd!" Bulyaw na may halong pangaasar ng kaibigan nito na si Zoe pero sinamaan lang niya ito ng tingin at iniwan.
Author's Note: The cast will be posted soon! Hirap mag-isip ng names hehehe
