Chapter 4

27 1 0
                                        

Gabriella's POV

"Bestfriend!" Rinig kong tawag sa akin nang madada kong kaibigan na si Zoe. Nilingon ko siya pero hindi ko siya nginitian. Tumakbo naman siya palapit sa akin.

"What's with that look?" Tanong niya pero inirapan ko lang siya. Sinundot naman niya ang tagiliran ko.

"Ano baaaaa?!" Sigaw ko, pero nginitian lang ako ng bruha.

"Enebeeeee!" Maarte niyang panggagaya saka ako inakbayan.

"Wag kang sumimangot sayang ganda teh! Charot mas maganda ako sayo. Lika naaaaa! Wag kang masyadong pabebe ngayon di uubra sakin yan!" At saka ako hinatak. Ang hilig niya manghatak ano?

Naglalakad kami ni Zoe ngayon nang maaninag ko ang isang lalakeng pamilyar ang pagmumukha. 20/20 ang vision ko dahil nakasalamin ako. Napatingin sa gawi namin ang lalake at saka tumakbo palapit sa amin. Nanlaki ang mata ko pero bago pa ako makapagreact ay tinakpan na ni Zoe ang bibig ko.

"Ms. Young, right?" Tanong ng hinayupak na lalaking to.

"Yes, Mr. Lee. What brings you here?" Pormal na tanong ni Zoe, tss. Nakatakip pa rin ang palad niya sa bibig ko. Napatingin naman si Mr. Yabang sa akin pero tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Sebastian is looking for you." Saad ni Mr. Yabang at saka nagpamulsa. Tsss! Kala niya naman cool! Olo- erase..erase.. masama magmura!

"S-seb-bastian? W-why?" Nauutal na tanong ni Zoe. Napaghahalataan na talaga tong babaeng to eh! At dahil hindi na ko makahinga sa pagkakatakip niya sa bibig ko ay dinilaan ko ang palad niya. Agad naman siyang napabitaw at tinulak ako.

"Ahhh!!! Kadiri ka!!!" Reklamo ni Zoe, muli namang napatingin si yabang sa akin. Sa tingin ko ay hindi niya ako namumukhaan maging si Zoe. Bakit? Ayos na ayos kami nuong nakaraang gabi na malayo sa pananamit namin dito sa campus.

"Ang arte mo ha! If I know kung si Seba-" hindi ko muling natuloy ang aking sasabihin nang takpan ulit ni Zoe ang bibig ko.

"Ahhh. Alex pakisabi pupuntahan ko na lang siya." Tumango naman si yabang at napailing saka umalis. Siyempre hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito.

Hindi pa man siya nakakalayo nang batuhin ko siya ng notebook. Agad naman akong dumistansya kay Zoe. Napahinto si yabang at agad lumingon.

Tinignan muna niya ang notebook at saka tumingin sa, akin? Wow! Alam niyang ako nagbato. Andito naman si Zoe ah?

"May problema ka ba, miss?" Tanong nito na may blankong ekpresyon. Nilalakihan naman ako ng mata ni Zoe pero hindi ko siya pinansin.

"Sorry lumipad yung notebook. Kay Zoe ko talaga ibabato kaso napasobra. Hehe" pagdadahilan ko, pero napasapo na lang sa ulo si Zoe.

Hindi na naman nagsalita si yabang at pinulot ang notebook ko saka.... pinunit?! What the fu- what the eff!!! Matapos niyang punitin ay binitawan niya, kaya naman nagkalat ang pira-pirasong papel.

Lumakad na si yabang palayo at ako? Nanggagalaiti sa inis!

"Kasalanan mo yan." Panimula ni Zoe.

"Sino ba yung hayop na yon?!" Tanong ko habang nanlulumo at saka napaupo sa damuhan.

"He's Alexander Zion Lee, dean's lister and a player, not the kind of player you're thinking right now though. He's a player of Seoul League basketball team. He's very good in different types of martial arts. When it comes to girls? Well, there's no exception about that. He's an eye catcher. It seems like he has a magnet inside of him." Pagpapakilala ni Zoe sa lalake.

Infairness! Matalino pala yon? Pangit naman ng ugali! Tsss.

"Ms. Lim! What are these?!" Sita ng dean. What? dean?! Nanlaki ang mata ko at agad pinagtuunan ang mga kalat. Huhuhu nagkalat na sila!

"Clean those mess hindi yung nakatunganga ka lang diyan! At ikaw?! Ms. Young? You're running for the upcoming election right? Ano to?" Saway ng dean habang tinuturo ang mga papel.

"Ahh! Sir! Sinita ko nga po siya pero hindi po siya nakikinig. Buti na lang po dumating kayo. Hehe" sagot ni Zoe. Agad akong napalingon rito at nilakihan siya ng mata pero dinilaan niya lang ako. Nako! Ang sarap nila paguntugin ni Adrian!

"Clean those mess. Hihi. I'll see you later bestfriend!" Utos nito na may halong pangaasar.

Siyempre wala akong magagawa dahil nakatingin ang dean.Karma it is!

BAD NERDМесто, где живут истории. Откройте их для себя