Naglalakad ako ngayon nang makita kong muli si Charlice. Halatang hindi niya ko naaalala at nilagpasan lang ako.
Hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko ang pagkalaglag ng mga libro na kung hindi ako nagkakamali ay pagmamayari ni Charlice. Bakit? Nagiisa lang siyang tao dito sa hallway na may bitbit na mga libro at walang masyadong tao ngayon dito dahil karamihan ng mga estudyante ay nasa event hall para sa huling pangangampanya ng mga tumatakbong officers.
Hindi naman sa tsismosa ako pero magiging tsismosa na rin ako. Kunwaring pumasok ako sa loob ng restroom, sumandal sa pader at saka nakinig...
"Ano bang problema mo?" Buong tapang na tanong ni Charlice kay? At dahil hindi ko alam kung sinong kausap niya ay pasimple akong sumilip. Nagtama naman ang mata namin ni Charlice kaya agad akong nagtago pero alam ko namang huli na para gawin ko yon.
"Higad ka ba? Ang kati-kati mo kasi!" Banat ni Chaelin. Sino pa nga ba ang malakas ang apog na mangaway ng mga estudyante kundi siya.
"Mas makati ka!" Sagot ni Charlice. Aba aba! Lumalaban na.
"Huh! Sumasagot ka na ngayon?" Hindi makapaniwalang saad ni Chaelin at sinipa ang mga libro sa lapag.
"Obvious ba?" Pambabara ni Charlice. Ako naman ay mukhang abno na ngumingiti-ngiti magisa.
"Hey commoner, kilala mo naman siguro ako di ba? Stay away from Xander, or else I'll make your school days a living hell." Pagbabanta ni Chaelin.
Sa mga ganitong sitwasyon lalo na kapag ikaw ay mapera ay madali lang mambanta at totohanin ang bagay na iyon. Sa lagay ni Charlice? *smirked* I won't comment anything, all I know is that... this would be fun!
"Go ahead! Do what makes you happy, do what you've been always doing. Try me.." panghahamon ni Charlice.
"If that's what you want, commoner." Sagot ni Chaelin.
Napadaan ang demonyita sa gilid ko pero buti na lang ay hindi niya ako napansin.
"Come out" rinig kong utos ni Charlice? Omg. Napansin niya talaga ako. Pero tama ba ang rinig ko? Inuutusan niya ko?! Aba! Don't me.
Lumabas na ako pero hindi ako humarap sakanya sa halip ay naglakad na ako papuntang event hall pero hindi pa man ako nakakalayo nang tumakbo ito at harangan ako.
Tinititigan niya ako kaya naman napataas ang aking kilay.
"You know it's not a good damn thing to eavesdrop." Saway nito.
"I know, so what?" Saad ko, e bakit ba? Batas ako. Hay nako!
"Tssss..." tanging sagot niya at saka lumakad palapit sa mga librong nakakalat at saka pinulot. Samantalang ako? Heto nakatayo lang at pinagmamasdan siya. Aba! Kaya niya na yan, tatlong libro lang naman pupulutin niya.
"You are not the dumb girl I used to know." Saad ko
"W-what do you mean?" Naguguluhang tanong ni Charlice.
"Gabriella Sofia Lim" pagpapakilala ko gaya ng pagpapakilala ko nang unang beses na magtagpo ang landas namin.
Nanlaki naman ang mga mata niya at hindi agad nakapagsalita. Napailing na lang ako at lihim na napangiti. Lumakad na kong muli nang...
"Oh my gosh! Gabriella! My friend!" Sigaw nito, f-friend? Agad?
"Hala! Bakit ang layo ng itsura mo sa fearless looking girl na nakilala ko? Hindi kita namukhaan!" Saad niya habang nakasunod sa akin.
"Hindi mo pa ina-accept friend request ko sayo sa facebook!" Reklamo nito.
"Thank you pala ulit ha!" Tuwang-tuwa nitong saad.
"Friend na kita ha? Ang liit talaga ng mundo!" Pagpapatuloy niya, napabuntong hininga na lang ako.
Dalawang batuta, mali! Tatlong batuta na ang magiging alaga ko. Susme! Tuloy pa rin po sa pagdadaldal itong si Charlice hanggang sa umabot kami sa event hall.
Napaisip ako... Kung sabagay, the more the merrier!
