Chapter 1: "Christmas Day"

7 1 0
                                    

Riri's POV 

"Ma! Tapos ko na po lutuin ang hamonada!" sigaw ko kay Mama na nasa sala.

"Okaaaaay! Chris!! I-plating mo na yung niluto ng kapatid mo sa kusina!-O-" sigaw naman ni Mama kay kuya.

"Ma naman oh! Parang ang importante ng ginagawa, nanunuod lang naman... Hayy, bakit ako? alam niyo namang tinatmad ako, eh -n-" reklamo naman ni kuya.

Dedma lang naman ang nanay kong pokus na pokus na nanunuod ng "Beauty and the Beast". 

Wala namang nagawa si kuya kundi sumunod nalang. Mamayang hating gabi, pasko na, kaya busy ako. 17 years old palang ako, pero parang mas magaling akong magluto kaysa sa nanay ko. Kanina, siya ang nagluto ng spaghetti, pero matapos matikman ang mala-tigas at mala-tabang na spaghetting kailangan ko pang i-'recook', napagkasunduan naming tatlo na ako nalang ang magluluto sa iba.

"Wow, Riri! Ang bango niyan ah! Patikim! *_*" sigaw ng baliw kong kuya pagkapasok niya sa kusina.

"Oh, akala ko ba BV ka kasi na-utosan ka? Ba't parang nawala?~_~" tanong ko habang hinuhubad yung apron ko.

"May pagkain eh ^^," sabay abot niya sa kinalalagyan ng hamonada ko, "Aish!" tinapik ko lang naman ang kamay niya 

"Kuya Chris naman! Alam mo namang ayokong iba ang unang kumukuha at tumitikim sa niluto ko!-_- Ako muna, ha?".

Kumuha naman ako ng kubyertos, kaso, nahulog ang tinidor.

"Ayan. May darating na bisita. Malamang babae yan XD." Biro naman ni kuya.

Kumuha nalang ako ng iba saka ko tinikman ang niluto kong hamonada. "Wow, ang sarap! *O*"sabi ko habang nakapikit pa.

"Ako rin! Patikim!" reklamo ng kuya ko na parang bata.

"Mamaya----" naputol yung sasabihin ko dahil sa pagtunog ng doorbell.

"Riri! Buksan mo nga!-O-" utos ni Mama.

"Mama naman! Utos ng utos!-_-' " reklamo ko naman.

"Ay nako! Buksan mo na nga lang. Nag-aantay na yung tao sa labas!"

"Sabi ko nga po, ako na magbubukas." Naku naman.

Pagkabukas ko ng gate, walang tao. Lumingon-lingon pa ako para i-double check kung wala nga ba. Wala talaga eh. Nang papasok nako ng bahay, nakita ko sa may pinto, ay isang medium-sized black and red box. Favourite colors ko pa talaga ang wrapper. Teka. Pano napunta 'to dito eh wala naman 'to dito kanina. Kukuhanin ko na sana, kaso may biglang pumasok sa isip ko. 

"Baka bomba..." bulong ko sa sarili ko.

"Kuya! Halika nga muna!=O=" this is the time when I need my kuya's bravery.

"Kanina, si Mama ang utos ng utos, ngayon, ikaw naman..." sabi ni kuya habang papunta sa'kin.

"Kuya, tingnan mo oh." Sabi ko habang tinoturo yung box. Hindi ko na pinansin ang pagiging childish niya. Tiningnan niya naman.

"Ano naman? May nakikita akong red and black box na possibleng.... MAAAA! MAY BOMBA SA BAHAY NATIN! MAA--- ToT"

"Kuya naman eh! Ang duwag mo!" Hayy... Ako nalang ang lumapit sa box.

"TEKA! Wag! Baka mamaya, iba ang laman nyan. Isuko nalang natin sa otoridad...(-_-)a" Pumula ang mukha ko ng 2 seconds saka ako sumabog... NG TAWA.

"Kuya kasi--- HAHAHA! Ang--- HAHAHA! DUWAG! ^O^" kantsaw ko sa 'bravery' niya. Grabe. Ang tapang niya, pramis -_-

"Agag! Joke lang yun! Akin na nga! Ako na magbubukas!" sabi niya in Serious Mode sabay hablot ng box.

"Drum roll..." sabi ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Where Two Worlds MeetWhere stories live. Discover now